Bölüm (二十九)

95 14 5
                                    


Pieris' POV

"WHAT!?"

"Nasapak ko"

"WHAT!?"

"Nasapak ko"

"WHAT!?"

"Nasapak ko nga" mahinahong pagpapaliwanag ko. Napabuga ng hininga.

Nakaramdam ako ng guilt. Sobra yata ang aking ginawa. Ayaw ko na sanang maulit pa ang nagawa ko kay Liza noon, ngunit hindi ko mapigilan ang aking sarili. Nakasakit ako ng ibang tao.

Kung naririto lang si Mama, paniguradong pinagsabihan na ako no'n.

Pinagmasdan ko sila. Nababasa ko base sa kanilang emosyon ngayon na hindi sila makapaniwalang napatulog ko si Mr. Grey sa isang suntok ko lang. Kahit ako ay hindi ko inakala iyon.

"O. M and G na talaga! Baby girl! President natin 'yun dito sa college building!"

"You're in big trouble!"

"Shocks!"

Inaasahan ko ng ganoon ang kanilang magiging reaksyon. Nawalan lamang ako ng kontrol, hindi ko talaga intensyon iyong gawin. Hindi na naman ako mapakali. Kanina ko pa pinipisil ang sponge na hawak ko habang nakabulsa sa suot ko ang kamay ko na iyon. Pinapakalma ang sarili.

Bago pa lang ako rito kaya paniguradong posibleng maparusahan ako. Talagang nagawa ko pang tumakbo kanina upang takasan sila sa nagawa ko, mabuti na lang at hindi ako sinuntok pabalik ng mga kasama ni Mr. Grey kanina.

"Ano nang gagawin ko mga ate.. po?" nagbaba ako ng tingin sa isa kong kamay.

Sabay-sabay silang napahugot ng hininga.
.
.
.

"Sigurado ba kayo rito?" bulong ko sa kanilang tatlo. Nasa labas na kami ngayon ng Clinic.

Naghaharumintado sa pagtibok ang aking puso sa kaba. May hawak akong isang pirasong puting rosas. Hindi ako mapakali habang pinagtutulakan nila akong pumasok na.

"Hindi ko sure. Hindi rin nila sure, hindi mo rin sure, kaya pumasok ka na lang para iyong ma-sure. O. M and G" tugon ni ate Betty, mukhang kinakabahan rin.

Napa dasal pa ng wala sa oras silang tatlo pagkakatok ko sa pintuan. May naririnig akong nag-uusap sa loob kaya nakakasigurado akong naroroon sila Mr. Grey.

Paglingon ko muli sa gawi nila te ay bigla na lang silang nawala. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagkasilip ng mga ulo nila mula sa kanilang pinagtataguan ngayon. Sinenyasan akong kaya mo 'yan!

Paglingon ko ulit sa pintuan ay siyang pagbukas nito. Sumalubong sa akin ang mukha ng lalaking nasa tama lang ang tanda nito. Kung aking tatansyahin ay parang ka edad ito ni Xander na natumulong sa akin.

May suot itong puting coat, mukhang doktor. "Who are you?... How may I help you?" tanong nito sa akin nang hindi ako agad makakibo, pinangungunahan ng kaba.

Nagbaba ang tingin niya sa hawak ko kaya agad ko itong tinago sa likuran ko. "Nariyan ba si... Mr. Grey.. po?" hindi ko alam ang unang bibigkasin, basta na lang iyon lumabas sa aking bibig.

"I am Mr. Grey" ani ng lalaki na ipinagtaka ko, nangunot ang aking nuo.

Pinagmasdan ko siyang mabuti, kulay kape rin ang kaniyang mga mata. "Ha? Ang bilis mo namang tumanda?" tanong ko pa na ipinagtaka niya.

Ako naman ang nagtaka nang bigla na lang siyang tumawa. Hindi ko alam kung ano ang nasabi kong nakakatawa gayong seryoso ako sa pagtatanong.

"Mr. Grey, oh you mean my son?"

I'm brOKenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon