Bölüm 五十

129 16 19
                                    

Nagkaharap kaming muli, nakakasiguro akong si Boss ito.

Hindi ko alam kung paano nila nakuha ang numero ko gayong hindi ko basta-basta pinamimigay ang calling card ko.

Pareho na kami ngayong nakaupo at magkaharap. Nasa pagitan namin ang mesa. Nasa gilid namin ang lalaking ito na nakamask din, kung hindi ako nagkakamali ito ang lalaking bagong pinunong gwardya doon sa INFERNO na pinasabog ko, base sa mga mata nito.

Hindi ko naalis ang pagkakatitig ng diretso sa kaniya habang nagtitiim ang bagang ko. Nag-uumpisa na akong magpigil na huwag mandilim ang aking paningin habang pinagmamasdan ang mga mata niyang nais kong tusukin.

Hindi ko nai-aalis ang tingin sa kaniya habang pasimple ko ng inaabot ang baril ko na naka kabit sa gilid ko.

Hayop ka.

Sa paghugot ko ng baril ay ikinatigil ko nang halos sabay kaming nakabingwit ng baril at nagkasabay ring tinutukan ang isa't-isa. Parehong walang nagbago sa tinginan naming naglalabanan. May tensyon na nagaganap ngayon.

Nang kinasa ko ito ay halos sabay rin ang kilos naming ginawa iyon. Maayos ang kaniyang tindig sa pagkakaupo animo'y disiplinado, habang ako ay nakasandal lang sa kinauupuan at nakapandekwatrong panlalaki, nakapamulsa na ang isang kamay ko.

Patagal ng patagal ang aming pagkakatutok sa hawak naming mga baril ay napapaisip ako na para akong nakatingin sa salamin, maski ang bawat kilos ko ay nasasabayan niya.

Sino ka ba talagang demonyo ka? Saang impyerno ka rin nagmula, put angina'ng ka.

Rinig kong tumikhim ang lalaking nasa gilid namin na mukhang nagpapalitan ng tingin sa aming dalawa. Hindi kagaya ng mga tauhan ni Boss ay paniguradong kakabahan sa nakikita niya pero siya ay mukhang kalmadong-kalmado, nagawa pa ngang tumawa. Oo, tumawa siya.

Huminto na ito sa pagtawa nang sabay naming nilingon ang lalaki, napaayos pa ng tayo.

"Mga kamahalan, nais niyo ba munang mag tsaa muna?" wika ng lalaki. Nag-aya pa kahit may nagkatutukan na ng baril sa harap niya.

Kamahalan?

Bigla akong kinutuban sa tawag niya sa aming dalawa. Kumabog sa bilis ang pagtibok ng puso ko dahil pati boses ng lalaki ay pamilyar rin sa akin ngunit naninibago pa ako.

"Yes, please... Lemon tea without honey" saad pa ni Boss, para bang nag-oorder lang hindi pa rin naalis ang pagkakatutok namin sa isa't-isa.

Nalingon ako ng lalaki na para bang isang waiter lang naghihintay ng order ko. Mukhang kasali naman ako, tinatrato akong bisita.

"Green tea with honey" tipid kong saad. Nilingon ko ulit si Boss, gayon din siya. "Burger na rin, I'm hungry" pahabol ko pa pero na kay Boss ang tingin ko.

Nang akmang aalis na ang lalaki para sundin ang mga sinabi namin ay nagsalita pa ako "paki lagyan na rin ng maraming gulay" dagdag ko. Bisita pa ako niyan.

Narinig ko pang natawa ang lalaki bago lumabas na, happy kid ampuchaena. Nakakainsulto ang tawa niya, parang sinasabi nito na matakaw ako kase tsaa lang ang inaalok napunta pa sa burger.

Nakasuot naman ako ng contact lenses na kulay brown at wig kaya posible rin akong hindi makilala nito na siyang may pasimuno sa pagwasak sa lugar na iyon. Isa pa makakakain rin ako dahil wala akong mask habang nagkukwentuhan kung sino ang ipapapatay nito bilang trabaho ko, dapat pala nag take out rin ako kanina sa fast food para sa akin.

"Anong kailangan mo sa 'kin?" panimula ko, nakakangawit na ang pagkakatutok ng baril.

Hindi siya sumagot.

I'm brOKenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon