Bölüm (十一)

118 14 4
                                    

Sumikat na ang araw pero tulog pa rin ang Prinsesa, mag-isa sa kwartong kaniyang kinahihigaan.

Napaayos sa sarili ng 'di oras si Jaslyn habang naglalakad papalapit na sa pinto ng kwarto ng Prinsesa. Tapos na siya sa kaniyang trabaho, halos hindi siya nakatulogng maayos kagabi sa kakaisip kay Pieris, naninibago sa paraan ng pagsagot at kalamigan ng Prinsesa sa kaniya. Nabastusan siya sa ugali nito pero inintindi niya na lang dahil baka may problema ito na hindi niya alam.

Sa unang pagkatok ng madre ay walang samagot ngunit kaagad nagising si Pieris sa simpleng katok lamang na iyon sa lakas ng pandama at pandinig. Nalingon niya ang pintuan.

Humugot ng malalim na hininga si Jaslyn bago muling kumatok ng apat na beses.

"Hija anak.. maaari ba ako—————este.. can I come in?" nalilito na ang madre sa kaniyang lengwahe na gagimitin, ganon rin ang pagkalito ng Prinsesa dahil sa muli na naman niyang narinig ang salitang anak, kahit na iyon na ang tawag ng mga matatanda sa mga bata.

Hindi muling tumugon si Pieris, muli siyang umayos ng higa at sinubukang matulog ulit. Ngunit ang hindi nito alam ay nagdala ng susi si Jaslyn kung sakaling hindi siya pagbubuksan.

Kagabi lang kase nung muli niyang binalikan ang kwarto nito ay naka lock na ito, para bang pag-aari ni Pieris ang lugar na iyon para may lakas ng loob na maglock upang walang sino mang makapasok.

Awtomatikong tinakpan ng Prinsesa ang kaniyang mukha gamit ang may kahabaan nitang buhok upang takpan ang namumugto niyang mga mata matapos maramdaman na nakapasok na si Jaslyn.

Marahan nitong sinarado muli ang pinto sa pag-aakalang tulog pa ang Prinsesa. Maingat sa paglalakad papalapit ang madre. Sinilip niya pa ang maliit na mukha ni Pieris bago naupo sa tabi nito sa may likuran ng Prinsesa dahil nakatagilid itong nakahiga.

"Hija.. Wake up little angel.. " malambing na bulong ni Jaslyn saka marahang hinawi nito ang nakaharang na hibla ng buhok sa mukha ng Prinsesa.

Natigilan muli si Pieris ang tawag na iyon. Little angel, tanging Ina niya lang ang tumatawag sa kaniya ng ganon sa malambing na tono, naging dahilan upang mapabalikwas siya ng bangon sabay lingon kay Jaslyn sa pag-aakalang ginigising siya ng Reyna.

"Majeste———————" nabalik sa wisyo si Pieris nang mamukhaang ang madre pala ito at hindi ang kaniyang ina. Naalala niya ring ingles pala ang lengwaheng ginamit nito.

Hanggang ngayon at umaasa siyang babalikan siya ng kahit isa sa myembro ng kanilang pamilya.

Ngingiti na sana si Jaslyn ngunit hindi natuloy nang mapansin ang pamumugto ng mga mata ni Pieris. Animo'y magdamag na umiyak sa pamamaga nahalos hindi na makita ang mga mata nito.

"ahm... Are you okay? Are you —————" hindi natuloy ang sasabihin ni Jaslyn nang umiwas agad ng tingin sa kaniya si Pieris.

"Bakit ka naririto, Binibini?" muling nagulat si Jaslyn sa pagtatanong ng Prinsesa sa kaniya.

Ikinabigla nito nang magsalita ito sa kanilang lengwahe. Napaawang ang labi at napakurap ng dalawang beses.

"ahm... Marunong ka naman pala sa wikang filipino... pinahirapan mo pa ako haha.." kamot ulong sabi ng madre, sinubukang magbiro upang makuha ang loob ng bata.

Napatikhim siya ng mapansing hindi nagbago ang mood ni Pieris, malamig pa rin ito makitungo. Gayon pa man ay hindi niya maiwasang mamangha sa nalalaman nitong mga lengwahe kahit dire-diretso itong magsalita at iba ang accent nito sa pagbigkas. Naiisip na mukhang higit sa dalawa ang alam nitong lengwahe sa murang edad lamang kahit ang totoo ay lampas bente na ang alam nitong wika.

I'm brOKenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon