Nakabusangot ang mukha ni Cindy na napatitig sa harap ng kaniyang plato. Bukod sa nalilito siya kung ano ang gagamitin niyang pangsubo sa pagkain ay napakalalim ng iniisip nito.
Napalingon si Mr. Valestero sa gawi nito, naiisip na baka hindi alam ni Cindy kung anong pipiliin, nakalapag kase sa mesa sa kanilang harapan ang iba't-ibang uri at iba't-ibang size ng kutsara, tinidor pati kutsilyo pang kain. Maski sa baso ay iba-iba rin.
"What's the matter Cindy?" mahinahong tanong ni Mr. Valestero.
Sila lang ni Cindy ang magkasabaysa hapagkainan, tapos na kase ang pagsisiping niya sa isang babaeng kasama niya noon sa orphanage. Nakapaligid ang mga bodyguards at maids habang nasa mesa silang dalawa.
"Ayudarla" (Help her) paguutos ni Mr. Valestero sa isang mayordoma sa salitang Espanyol.
May dugo kaseng Espanyol si Mr. Valestero. Kung naiisip niyo kung bakit kailangan mag-ampon ni Mr. Valestero ng isang batang babae, may iba kase siyang intensyon kung bakit niya iyon ginawa kahit wala sa plano niya ang magka anak. Ngunit, may isa na siya ngayon totoong anak na lalaki.
Wala ang ina ng anak niyang lalaki dahil kinuha niya ito matapos makipaghiwalay. Wala siyang sineseryosong relasyon, mas mahalaga ang pera para sa kaniya. Kinuha niya lamang ang anak niya sa puder ng babae dahil sa magagamit niya ito sa kaniyang negosyo.
Tinulungan ng mayordoma si Cindy sa pagkain nito. Hindi pa man nakakaumpisang kumain si Cindy ay tumayo na si Mr. Valestero nang tapos na itong kumain kahit hindi inubos ang pagkain sa plato. Nag-angat ng tingin si Cindy dito.
"Tan (Sa'n) po kayo punta?" pagtatanong ng bata.
"Wala ka na do'n..." ikinatigil ni Cindy ang biglaang pagpapalit ng ugaling pinakita ngayon ni Mr. Valestero.
"Po? ————" nahinto si Cindy na pigilan siya ng mayordoma na 'wag na lamang magtanong.
"Teka po!" muling pagtawag ni Cindy sa lalaki. Inis na bumaling ng tingin sa kaniya si Mr. Valestero.
"Akala ko po ba punta tayo mall... tapot katama tila (tapos kasama sila) ate tine at titter?" inosenteng tanong nito na ikinakunot ng nuo ni Mr. Valestero at napangisi nang maisip niya ang sinabi niya sa bata no'n sa orphanage, lahat ng iyon ay palabas niya lamang.
Naglakad muli papalapit si Mr. Valestero kay Cindy. Napaayos ng tayo ang mayordoma, mas kinakabahan pa ito para kay Cindy.
"Ah oo nga po pala! Kalimutan ko po tanong ta inyo kung ano ngalan mo po?" natatawa pang ani Cindy, patuloy sa pagiging madaldal animo'y nakikipagkaibigan sa mapagkunwareng taong nasa harap niya.
Nagpantay ng tingin si Mr. Valestero sa harap ni Cindy.
"Jacinto Valestero.. ang pangalan ko" pekeng ngumiti si Jacinto rito matapos magpakilala "Mula ngayon, ako na ang magiging ama mo at susundin mo ang mga ipinagpagawa ko sa'yo" naglaho ang ngitini Jacinto matapos sabihin iyon at napalitan ng seryosong mukha.
"Ha? Batit po? May papa naman po ako ih"
"Kung gano'n.. asan na siya ngayon? Asan na ang tinutukoy mong magulang mo?" hindi nakaimik si Cindy sa pagtatanong ni Jacinto.
"Iniwan ka na nila at hinding-hindi ka na nila babalikan pa... sa akin ka na ngayon susunod.. ako na ang magiging magulang mo, maliwanag ba?" ani Jacinto na ikinatahimik ni Cindy saglit.
"K-kung ganon ano po tawag ko ta inyo?" naguguluhan man ay parang madali naman itong kausap.
Akamang magsasalita na si Jacinto nang makarinig sila ng kalabog sa kung saan. Nalingon nila ang gawing iyon, may pumasok na isang nagbibinatilyo ng lalaki. Puno ng pasa at galos ang mukha. Kaparehong may kulay asul na mga mata tulad Jacinto.