Bölüm (二十七)

84 14 0
                                    

Warning:

Please read at your own risk

Wazzup dude, hindi na ako paulit-ulit magbibigay ng babala kase ganon ako katamad, char.

Kase halos lahat ng mga susunod na kabanata ay may mga scene na hindi na aangkop sa mga bata. Simula pa lang parang nasabi ko na yata na puro patayan ang mababasa sa story na ito pero hindi lahat ng kabanata. Ge 'yun lang basta ingat lang sa pagbabasa labyu.

_______

"Ahm... How may I help you?"

Tinignan ng lalaki si Pieris mula ulo hanggang paa bago napa iling na lang ng hindi ito sumagot agad. Akmang maglalakad na ito sa kabilang side na naman nang muli siyang harangan ng Prinsesa.

"Wait" pagpapatigil sa kaniya ni Pieris. Doon pa lang narinig ang mala lalaking boses nito.

Napabaling agad ng lalaki sa paligid kung sino ang nagsalita, inaakalang may lalaking tumawag sa kaniya ngunit mukhang kaharap niya lang ang nasalita. Naguluhan tuloy siya kung Miss or Mister ang itatawag niya.

"yes?" kunot nuong tanong ng lalaki.

Nag-iwas ng tingin ang Prinsesa. Sinusubukang kapalan ang mukha, sobrang baba na ng tingin niya sa sarili niya dahil sa kanilang angkan ay hindi sila hihingi ng tulong o pabor sa mas nakababa sa kanila maliban na lang kung responsibilidad o tungkulin ito.

Hindi maalis ng lalaki ang tingin sa Prinsesa, pilit niyang binobosesan ito at minumukhaan dahil sa pamilyar siya rito.

"Can I ask for a favor?" humina bigla ang boses ni Pieris habang sinasabi iyon.

"uh... okay?" parang hindi pa siguradong pagpayag ng lalaki, napapaisip rin na baka modus ito.

"Can you be my guardian?" kamot ulong pagtatanong ng Prinsesa habang nakayuko, hindi niya inakalang basta na lang siyang pipili ng magiging guardian niya "pang attendance..lang sana.. po" dagdag nito.

Alam kase ni Pieris ay may puntos ang attendance kaya kahit papaano ay makabawi siya sa mga araw na hindi siya nakapasok dahil sa kinulong siya sa kwarto no'n.

Takang napangiwi ang lalaki "Huh?" naguguluhan pa ito lalo, akala niya hindi ito Pilipino iyon pala ay marunong magtagalog.

"Sorry, but I'm busy————"

"Ginoo... sandale lang naman ito"

"Hoy bata baka scam ka lang, itigil mo na 'yan"

"Hindi. Estudyante ako, kailangan ko lang ng guardian... kahit magkunware ka lang"

"Huwag mo akong idamay d'yan and I still have important things to do————"

"Please, Sir saglit lang naman. Hindi 'to scam"

Nagpupumilit nang nagpupumilit si Pieris habang panay naman ang iwas sa kaniya ng lalaki.

"Hindi ka mukhang estudyante, naka mask ka pa" dipensa ng lalaki.

"May program kase kaya hindi ako naka uniform, kaya rin kailangann ko ng kahit pang attendance lang"

"Asan ba mga magulang mo bakit hindi ka sa kanila magpasama?"

Natigilan ang Prinsesa. Napaisip ng ibang idadahilan.

"Sir.. alam kong busy kang tao, kung kanina ka pa sana pumayag.. edi sana naka pag-attendance na ako at naka alis ka na" kaagad na pag-iiba ng Prinsesa.

I'm brOKenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon