Bölüm (六)

167 19 1
                                    

"Ekselânsları!——————" (Your Highness! ——————) gulat na sambit muli ni Min.

"Shh!" kaagad na pagpapahinto ng Prinsesa kay Min dahilan para mapatakip ito sa bibig niya.

Umtras ang Prinsesa nang tumayo si Min at pinagpag ang sarili saka lumabas sa may halaman.

"Buraya nasıl geldin?" (How did you get here?) takang tanong ni Pieris. Matagal bago nakasagot si Min, napakamot pa ng ulo.

"Sizi gördüm, Majesteleri... bu yüzden sizi takip ettim." (I saw you, Your Highness... that's why I followed you) humihina ang boses nito habang nagpapaliwanag.

Nanlaki ang mga mata ni Pieris sa narinig. Inaakala niya kanina na walang nakakita sa kan'ya, kaya hindi malabo ngayon na pareho silang mahuli ngayon.

"Niye ya?" (Why?) kunot nuong tanong ng Prinsesa.

Yumuko lalo si Min sa kahihiyan.

"Başınıza kötü bir şey gelirse, bunun sorumlusu biz olacağız. Onlar da şimdi seni arıyorlar." (If something bad happens to you, we will be responsible for it. They are also looking for you now.) napapalunok na muling tugon ni Min.

Unti-unting napaiwas ng tingin si Pieris. Nag-umpisang maglakad pabalik sa may puno kung saan siya nakaupo sa ilalim nito.

Namamanghang nailibot ni Min ang paningin. Pareho man silang namamngha ng Prinsesa sa lugar na ito, malayo naman ang kanilang reaksyon. Hindi kase mapaghahalataang namangha ang Prinsesa.

Nabawasan ang ngiti ni Min nang sumulyap ulit siya sa gawi ni Pieris. Nakayuko itong marahang nilapitan ang Prinsesa. Baka may iuutos ito kung saka-sakali.

Pinanood rin ni Min ang mga alon sa dagat gaya ng Prinsesa saka nagdadalawang isip na maupo sa tabi nito kahit hindi siya inutusang maupo.

"geri dönmek istemiyorum" (I don't want to go back) nasulyapan siya ni Min sa pambabasag ng katahimikan.

"Neden, Majesteleri?" (Why, Your Highness?) tanong ni Min. Doon pa lang siya tinapunan ng tingin muli ni Pieris, hindi naman ito nagtagal at umiwas rin ng tingin.

Hindi ito sanay makipagtitigan sa mga mata, nakakaramdam siya ng pagkailang pagginagawa iyon.

" hapsedilmiş hissediyorum." (I feel imprisoned) halos pabulong na wika ni Pieris.

Natahimik silang dalawa. Tanging tunog ng huni ng mga ibon ang maririnig, alon at ang pagsasayaw ng hangin sa mga puno't halaman. Animo'y parang musika, masarap pakinggan.

Hindi akalain nilang pareho na nagbabahagi ngayon at nakikipag-usap kay Min ang Prinsesa. Bukod kase sa hindi ito magsasalita kung hindi kakausapin, hindi rin ito palakwento. Salungat sa mga batang kapareho niyang edad.

Hindi na talaga tuluyang umimik si Min, wala siyang karapatang humusga. Karapatan niya lang makinig kung siya ang kinakausap pero walang karapatang magsalita tungkol sa tradisyon ng mga dugong bughaw.

Nasulyapan ni Pieris si Min na gumuguhit ng kung anu-ano sa buhangin gamit ang stick, ito ang mga nakikita niya sa mga ordinaryong mga bata sa labas ng palasyo.

Nakuryoso ito kaya gumaya siya. Pagbabawalan pa sana ni Min nang makita itong akmang dadampot ng bato dahil sa bawal madumihan ang Prinsesa, ngunit mabilis na itong nakadampot at gumuhit ng kung anu-ano.

Napamaang na napatitig si Min sa iginuhit ng Prinsesa, isang napakagandang mga paru-paro. Mapagkakamalang hindi bata ang gumuhit doon sa ganda at detalyadong pagkakaguhit.

I'm brOKenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon