Chapter 6: When i see you again.
9:30am ako nagising ,napuyat ako kay mia , pinilit ko pa kasi umuwi e. Di nya pala ako sinundo ngayon kasi daw ihahatid daw sya ng boyfriend nya. Which is yung ex nya , nagbalikan ata sila.
FLASHBACK
"MAAAAXXXX" ani mia habang kinakalabog yung pinto ng kwarto ko. "OOHHHH KUNG MAKAKALABOG KA NAMAN , NATUTULOG NAKO E" sigaw ko sabay bukas ng pinto. "Di na pala tayo makakapagsabay bukas kasi ihahatid ako ni Lester sa school " ani mia na namumula ang mukha. "Ah ok sige tulog nako bye" nagmamadaling sabi ko. Pero hinawakan nya yung pinto ko , na naging dahilan para di ko ito masara. "Ano baaaaa , bitawan mo matutulog nako inaantok nako oh" nakasalubong na kilay na sabi ko. "Dito nako kakain , tara na kain muna tayo di ka pa kumakain" sabi nya habang nakangisi. "ayoko kuma-" di nako nakapagsalita nang hilain nyako pababa , nasa kusina na kami kumakain. "Nagbalikan kami" sabi nya habang may laman ang bibig Takaw. Di ko nalang pinansin. Pagtapos namin kumain , tinutulak ko sya para lumabas na sya ng bahay. Para makauwi na rin sya kasi mag 11pm na. Super late na kaya pinipilit ko syang umuwi. Hanggang sa marinig namin ang malakas na busina galing sa labas ng bahay. Yung sundo ni mia. Then yon umuwi na rin sya sa wakas. Makatulog na nga.
END OF FLASHBACK.
Pumasok nako sa classroom at nakita ko si mia na nakaupo na , totoo nga kala ko nagbibiro lang. Agad naman akong umupo sa upuan , na saktong pag-upo ko ang biglang pag dating ng adviser namin na si mrs.santos. "get ¼ sheet of paper and write your name" ani mrs.santos na seryoso habang inaayos yung gamit sa teacher's table. Agad akong kumuha ng wamport at sinulat ang buong pangalan ko MAXINE ANDREA CRUZ. "we have oral recitation about don sa tinalakay natin nung mga nakaraang araw. Get ready" ani mrs.santos habang kinukuha ang mga ¼ na may nakalagay na pangalan.
Boring , nakakalumbaba ako ng biglang tinawag ang pangalang "KENNETH CLARENCE CHOI"
Ani mrs.santos sabay tingin kay nerd!
KENNETH CLARENCE CHOI
KENNETH CLARENCE CHOI
KENNETH CLARENCE CHOI
Paulit ulit na binabanggit ng isip ko ang pangalan niya , nung nakaupo sya. Napatitig ako sakanya sabay sabing "Kenken?" Natingin sya sakin na parang nakakita ng multo. "B-bakit mo a-alam palayaw ko?" Aniya sabay ayos ng glasses nya. Bago na pala glasses nya. Nakatitig parin ako sakanya sabay tawag saking "MAXINE ANDREA CRUZ" ani mrs.santos. Nakatitig parin ako kay kenken sabay bato sakin ni mrs.santos ng chalk sa ulo. Kaya napatayo ako "m-maam ?" Sabi ko na kinakabahan. "Kanina pa kita tinatawag. Okay what is the Biggest theory of the solar system?" Aniya habang nakatitig ng masama sa'kin. "A-ahh... E-ehhh... B-big bang t-theory po maam" sabi ko sabay tingin kay mrs.santos na parang nagulat. "Pano mo nalaman? Yung tinanong ko sayo di pa natin napag aaralan." Aniya na gulat na gulat. Nagulat rin ako sa sinabi ko dun ko narealize na di pa pala ito natuturo samin. Btw kaya ko alam yon dahil tinuro na samin yon nung grade 10 palang kami. Agad akong umupo at tumitig uli kay kenken "b-bakit kaba nakatingin sakin" ani kenken na inaayos nanamn yung salamin nya. "Di moko kilala?" Sabi ko na nagpapacute sakanya. Tumingin siya sakin at nag kunot noo sabay sabing "rea?" Agad akong ngumiti at tumango sakanya. Yung rea pala yun yung tawag nya sakin noong grade 3 palang kami. And yes , he's my childhood bestfriend. Agad akong ngumiti sakanya kasabag ng pag ngiti ko ang pag tunog ng bell.****
Lunchbreak na at kasama ko si kenken na naglalakad. Nagkekwentuhan kami about sa mga nangyari sa mga buhay namin matapos naming maghiwalay ng school noong grade 7 na kami. He's my childhood bestfriend since grade 3-6 then nawala yon noong nag grade 7 na kami dahil nag iba na kami ng school. "San na kayo nagpunta non nung grade 7 na?" Sabi ko na nakapulupot sa braso nya ang mga kamay ko. Feeling close e , syempre childhood bestfriend e. Nakatitig samin ang lahat ng taong madadaanan namin , nasanay nako e. "Sa korea ako nag aral. Pinapunta ako ni dad don " aniya. Hanggang makapunta kami sa library at dun nag usap , dahil tahimik don.
****
"Namiss kita ng sobra kenken , sana bestfriends parin tayo hanggang ngayon. Laki na ng ipinagbago mo. Dati ang cute cute mo , ngayon acute kana Hahaha" sabi ko na humahalakhak. Natigilan kami sa paghalakhak ng may babaeng lumapit samin "wag kayo maingay , shhh" aniya sabay kaming tumawa ng mahina ni kenken. Btw kung nagtataka kayo kung bakit di ko na nakakasama si mia. Dahil lagi nya na kasama si lester , dito na din yon nag aaral. Ibang room lang sya.
****
Uuwi na sana ako ng bigla akong hinawakan ni kenken sa balikat at sabay kaming naglakad. Parang di naman sya nerd sa ginagawa nya HAHAHAHA i finally realize na nerd pala ang tawag sakanya.
BINABASA MO ANG
i love you nerd.
Teen Fictionit is the story of a woman who is obsessed with a nerd man that no matter what trial came to their relationship, they strengthened it , even more until max's ex boyfriend came back.