Chapter 17

255 14 0
                                    

Chapter 17: Selos

Tapos na ang summer , nandito na ako sa gate ng school at inaantay si mr.nerd. after a few minutes i finally saw him with a girl? What da may kasama syang babae? Totoo ba 'to? Di ako nagseselos ha , mas maganda naman ako sa girl.

****

Di ko na pala kaklase si mr.nerd , kaklase nya pala yung kasama nya kanina. Btw hindi na sya nerd ngayon ha. Gusto ko lang syang tawaging nerd , yung kinuha nya kasing strand is ABM , ako yung kinuha ko STEM.

Lunchbreak na inaantay ko si mr.nerd dito sa canteen tagal nya , 10 minutes na akong nag aantay dito. ang tagal nya talaga kaya pumunta ako sa classroom nila , and boommm , nakita ko kasama nya ulit yung babae. Masaya silang kumakain cute tumawa ha. Ang saya nila! Ang saya nila kaya umalis ako , kay mia ako pumunta. Pag punta ko kay mia may kasama rin syang iba! Kaya bumalik nalang ako sa classroom , hayst yung mga bestfriend ko may iba nang bestfriend. Ayaw na ba nila sakin? Pinagpalit na nila ako sa iba.

****

Uwian na , as usual magkasama nanaman yung dalawa ! "Hmmm hi ken?" Sabi ko. "Hello" tipid na bati nya. "Ahm ihatid mo naman ako , wala akong kasabay ii" sabi ko. "A-ahh e-ehhh ihahatid ko na kasi si abby sa bahay nila. Gusto mo sama ka nalang samin tas ihahatid rin kita? " Paliwanag nya habang nakangiti. "A-ahh sige wag nalang , uuwi nako ha bye" paalam ko. Akala ko hahabulin nyako , di pala!

Pag uwi ko sa bahay pumasok agad ako ng kwarto ko , di ko alam bigla akong nawala sa mood. Paulit ulit kung iniisip yung ginawa sakin ni ken buong araw , mas sinamahan nya yung abby na yon kesa sakin.

Pinipilit kong matulog pero di ako makatulog , nakakainis sya. Teka ? Nagseselos ba 'ko? Tsss di naman siguro.

Pagkagising ko kinabukasan , walang kenken na sumundo sakin. Ang sakit , joke hahaha sino ba naman ako para sunduin diba , isa lang naman akong nobody!

Pagkapasok ko sa school nakita kong nag aabang si kenken sa pinto ng room ko , di ko sya pinansin dere deretso lang akong pumasok sa classroom.

****

Lunchbreak na , at hanggang ngayon wala parin ako sa mood , kumakain ako mag isa sa canteen hanggang sa may lalakeng lumapit sakin. "rea , si abby kase sinundo ko sa bahay nila kaya di kita nasundo" pagpapaliwanag nya , pero di ako nakatingin sakanya. Pagkaupo na pagkaupo nya agad naman akong tumayo at umalis , sinundan nyako hanggang sa room pero di ko parin sya pinansin.

Uwian na , nakita kong nag aabang si kenken sa labas ng pinto ng classroom ko. Pagkalabas ko sinundan agad ako ni kenken. Tinawag sya ni abby pero di nya pinansin , tuloy tuloy lang yung pagsunod nya sakin. Hanggang sa makalabas kami ng school gabi na kaya sobrang dilim kaya kinuha ko cellphone ko at ginawa ko 'tong flashlight. Habang naglalakad hinawakan ako ni kenken sa wrist ko sabay sabing "pansinin mo na'ko , nagseselos kaba kay abby?" Nakatulala lang ako , ang sakit nang hawak nito ha , susuntukin ko to pigilan nyoko. Joke ! Di ko sya pinansin at naglakad ako pero nakahawak parin sya sa wrist ko , para bang magkaholding hands kami pero hindi HAHAHA. "Hoy kausapin mo nako , nagseselos kaba ? " Sigaw nya , pansinin ko na kaya to. Parang iiyak na e!! "OO NAGSESELOS AKO!" Sigaw ko na kinagulat naming dalawa. Bat ko nasabi yon , nagjojoke lang naman ako e. T^T

i love you nerd.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon