Chapter 76

171 9 0
                                    

Chapter 76: alam ko lahat.

"Ano ba ? Umuwi kana , kaya ko na to. Tsaka tong mga dala mo? Sayo na to kainin mo to sainyo." Sabi ko habang inaabot sakanya lahat ng binigay nya. Pero di nya tinanggap , "alam mo kung para san yan? " Tanong nya , tumango ako syempre di ko alam eh tsaka gusto ko rin malaman. "Liligawan kita ulit rea." Nagulat ako sa sinabi nya , malamang sinong hindi magugulat. "May fiance na ako , hindi mo na ako pwedeng ligawan." Sabi ko , medyo mataas boses ko kaya parang galit ako na ewan , pero hindi talaga. Natatawa ako sakanya , mukha syang tanga.

"Alam ko lahat , sinabi sakin ni clyde. Sinabi nya sakin lahat , alam kong may girlfriend siya sa states. Alam kong kaya mo siya tinatawag na love sa bahay nyo dahil gusto mong ipakita sa mga magulang nyo na sweet kayo , alam kong kaya pumayag si clyde sa engagement na sinabi sainyo dahil gusto nyang tumulong kahit simpleng bagay. Kung noon ko pa'to nalaman , edi sana hindi kita iniwan. Sorry rea , sorry " sabi nya , nagulat ako syempre. Spy pala tong si clyde eh , bugbugin ko 'to bukas. "Anong pake ko? Umalis kana dito. Kaya ko na to" sabi ko sakanya , napatingin lang siya sakin. "Anong tinitingin tingin mo dyan? Umalis kana dito." Pagtataboy ko sakanya. "Mahal kita , rea kaya kita nililigawan dahil mahal kita. Kung noon ko pa 'to nalaman , edi sana hanggang ngayon tayo pa." Sabi nya sakin , naramdaman kong uminit pisngi ko pero di ko pinapahalata. Dahil galit ako , galit na galit. "Umalis kana , wala akong pake kung mahal moko." Sabi ko sakanya , nakita ko sa mga mata nya yung lungkot. "Whatever." Sabi ko sabay irap , maya maya narinig kong tumunog yung pinto. Kaya pumunta agad ako sa kitchen para tingnan kung nandon pa siya , pero wala na. Success.

Pumunta ako kila clyde para sermunan sya , "hoy , bakit mo naman sinabi kay kenken yung about sa pagpapanggap natin? Spy ka ha." Sabi ko sakanya ng nakataas yung kilay , tumawa siya "bakit ka tumatawa?" Sabi ko sakanya. "A-ah h-huh? Hindi ikaw yung tinatawanan ko." Napakunot noo ako , may kausap pala siya sa cellphone hehe xorrii. "Oh? Bakit mo nga sinabi kay kenken yung about sa pagpapanggap natin? Nakakainis ka." Bulyaw ko sakanya , "sorry , nagmamakaawa kasi sakin eh. Kaya yun di ko napigilan sinabi ko saknya." Sabi nya. Ha? Pano nagmakaawa sakanya ? Bakit? "Bakit siya nagmakaawa?" Tanong ko curious ako e. "Para malaman nya kung may pag asa pa siya sayo , mahal na mahal ka nya andrea." Sabi nya , naramdaman kong pumula pisngi ko dahil sa sinabi nya.

i love you nerd.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon