Chapter 54: "haharot"
Isang taon na nanliligaw si kenken sakin , pero di ko parin sya sinasagot. 2nd year collage palang kami , at gusto kong makapagtapos muna ng pag aaral bago ko sya sagutin. Pero Parang di ko kaya.
Magkakasama kami ngayon nila mia , lester , kenken , at ako. Nandito kami kila mia wala lang bonding lang , tagal naming hindi nagkasama sama. Ngayon parang tropa na rin namin si lester , syempre asawa sya ng bestfriend ko kaya tropa na rin namin sya. Kumakain pala kami ngayon dito sa bahay nila mia , si baby carmela pala 1year old and 4months na. Nakakatuwa lang kasi nakakapaglakad na sya.
****
Ilang oras na kaming magkakasama , kwentuhan , tawanan , tapos nanonood pa kami ng horror. Habang nakaakbay sakin si kenken. Syempre nililigawan nya ako e , ayos na yon tsaka required yun no for me , ewan ko lang sainyo HAHAHA kesa naman kiss diba.
Nandito kami ngayon sa sala ,may sari sarili kaming ginagawa. Si lester at kenken naglalaro ng mobile legends , ako nagbabasa ng wattpad while mia is taking care of her beautiful daughter.
*****
Hindi pa tapos maglaro sila kenken , "anong date na ba?" Tanong ko. Sumagot si mia "March 14" sabi ni mia na parang nagtataka. "Ah , so sa April 14 monthsarry na namin ni kenken" i chuckled while kenken is now staring at me , parang hindi sya makapaniwala sa narinig nya.
Nakatitig lang sya sakin , ang tagal nyang nakatitig sakin. "W-why are you staring at me?" Sabi ko pero sya? Nakangiting nakatingin sakin. Nagulat ako nang bigla syang Sumigaw ng pagkalakas lakas , kahit na magising si baby carmela ay wala siyang pake dahil sa sobrang saya nya. "T-totoo?" Sabi nya na parang hindi talaga makapaniwala. "Oo , bakit ayaw mo ba ? Sige binabawi ko na." Sabi ko at sa tono ng pananalita ko ay halatang binabawi ko nga ito. Pero niyakap nya ako at sinabing "MAHAL KITA , MAHAL NA MAHAL KITA REA" sabi nya sabay halik sa noo ko. "MAHAL NA MAHAL RIN KITA NERD" sabi ko , napalingon ako dahil may biglang umubo. Nakita ko si mia na kanina pa pala nakatingin samin. "Haharot" she said then bumalik yung tingin nya sa anak nyang umiiyak.****
Mahigit isang oras nang nakatingin at nakangiti sakin si kenken , di ko alam kung bakit. "Hindi kaba titigil kakatingin sakin? Naiilang akooo" sabi ko sabay hampas sa braso nya. " Tinititigan ko lang ang maganda kong first ever girlfriend " sabi nya , sabay wink sakin. "Sus nambola pa"
BINABASA MO ANG
i love you nerd.
Teen Fictionit is the story of a woman who is obsessed with a nerd man that no matter what trial came to their relationship, they strengthened it , even more until max's ex boyfriend came back.