Chapter 50: Long ride with him. (Long drama with her)
Mahigit dalawang buwan na akong nililigawan ni kenken. Hatid sundo sa bahay at school , sabay kami lagi kung kumain ng lunch. Kung sa tutuusin nga parang kami na e , pero hindi pa. Ngayon mag kasama ulit kami , kakasundo nya lang sakin sa bahay. Kung nagtataka kayo kung bakit di ako sa unit umuuwi , yun ay dahil sa sinabihan muna ako ni mom na dun muna ako sa bahay , dahil para may tumao don , umalis kasi silang tatlo. Iniwan nanaman nila ako dito , malaki na daw ako kaya ko na daw sarili ko kaya tumango nalang ako pero di okay sakin yung iwan nila ako , sobrang lungkot ko nga nung umalis si mom dahil wala na akong nakakasabay kumain. Pero tinext ni mom si kenken na sabayan ako lagi kumain kaya yun , sinunod naman nya. Swerte ko nga dito sa nerd na'to dahil sya yung laging nandyan sakin. Si mia nandyan rin naman pero laging stress dahil lumalaki na si baby carmela , ngayon 3months na si baby carmela. By the way , diba magkasama ulit kami ni kenken , Papunta kami ngayon sa Baguio , dahil dito kami magrereunion ng mga highschool classmates namin , si mia di ko alam kung sasama sya. Pero siguro naman sasama yun.
Sa haba ng byahe narinig kong nagrereklamo na yung mga wormies ko kaya inaya ko na si kenken para kumain , pumunta kami sa pinakamalapit na kainan dito , restaurant or karenderya okay lang di naman ako maarte.
****
Habang kumakain kami ni kenken napatanong siya sakin. "Do you have any problem?" Nakatingin sya sakin , napatingin rin ako dahil sa tanong nya. "Alam kong may problema ka , sabihin mo sakin." Natitig parin sya at ako matamlay na kumakain. "A-ahh , w-wala , w-wala akong p-problema. N-namimiss ko lang sila mom. " Utal utal na sabi ko , pero tumingin sya sakin sabay sabing "gusto mo punta tayo don?" Nagulat ako sa sinabi nya , nakangiti sya ngayon bakit gusto nya pumunta sa states? "B-bakit gusto mo pumunta don? W-wag na , dito nalang tayo." Sabi ko tapos nag funny face sya. Problema nito? May tama ba 'to sa utak? Baliw na e , "ano ginagawa mo?" Seryosong tanong ko. "Pinapatawa kita " sabi nya , ngumiti ako ng pilit. "Thanks" nakangiting sabi ko. "May problema ka e ? Ano problema mo ba ? Sabihin mo kasi sakin! Kilala kita rea. Alam ko pag may problema ka o wala." Sabi nya , naluluha nako. Nalulungkot kasi ako dahil wala ako laging kasama sa bahay , yung mga kasambahay namin nagsiuwi sa mga probinsya nila. Pati drivers , walang natira ako lang talaga ang nasa bahay. Pinunsan nya yung mga luha ko. "Wag kana malungkot , nandito lang ako palagi sayo. Mahal kita rea" sabi nya sabay aya sakin tumayo para bumalik sa car.
****
Habang nasa car kami nakatingin lang ako sa labas , "malungkot ka?" Sabi nya "ofcourse not , im just looking at the window and staring at the beautiful sky." Pagsisinungaling ko pero hininto nya yung kotse sa isang gilid at saka ako niyakap. "Alam kong malungkot ka , wag kang magsinungaling. Ang pangit ng langit nagbabadya yung ulan , kung malungkot ka sabihin mo sakin. Wag mo itatago yan. Nandito naman ako para makinig sayo e." Sabi nya kaya humagulgol ako , "nalulungkot ako , di ko na matikman yung luto ni mom , di ko na mayakap si kuya. Di ko na mahalikan si dad , sobrang lungkot sa bahay dahil ako lang yung mag isa. " Sabi ko habang humahagulgol. Tumingin sya sakin , at tinanong. "Ano pa problema mo?"
Kenken's POV
"Ano pa problema mo?" Sabi ko. Napatingin sya sakin ng deretso at humikbi. Napakaganda nito umiyak shemsss , i like her so much. "May sasabihin ako" sabi nya at nagseryoso ang mukha at itinulak ako sa upuan ko. Ano kaya yon "ano yon?" Sabi ko sabay tingin ng deretso sakanya , "kaya mo ba ako antayin?" Sabi nya. "Ofcourse kahit gano pa katagal yan , kaya kitang intayin mahal kita e." Sabi ko kaya ngumiti sya. Yumakap sya sakin tapos inibaba nya yung noo nya at pinahalik sakin , sobrang swerte ko sa babaeng to. Hayst makapagdrive na nga.
Sa sobrang haba ng byahe , ito yung kasama ko tulog na tulog humihilik pa , HAHAHAHA ang ganda rin matulog sarap halikan kaso bawal pa kasi di nya pa ako sinasagot , kelan kaya ako nito sasagutin. Siguro matagal pa kasi tinatanong nya sakin kung kaya ko syang intayin , malamang.
Habang natutulog pa sya nasa loob pako ng kotse at hindi ko sya iniistorbo sa pagtulog. Nakatitig ako sa mga mata nya , sobrang lapit ng mukha namin. "Ang ganda ganda mo talaga mahal ko , di ako nagkamali sa pagpili sayo." I whispered. "Kelan mo kaya ako sasagutin no? Pero bahala na , basta aantayin kita." Sabi ko pero pabulong. "Pagnakapag tapos na tayo" nagulat ako dahil bigla syang dumilat at nagsalita kaya nauntog ako , "oucchhh".. "oh ayan bulong bulong kapa ha , alam kong maganda ako no , tanong tanong kapa kung kelan kita sasagutin. Bakit gusto mo na ba na sagutin kita? Asa ka blleeehh " bumelat sya tapos lumabas na ng kotse.
BINABASA MO ANG
i love you nerd.
Teen Fictionit is the story of a woman who is obsessed with a nerd man that no matter what trial came to their relationship, they strengthened it , even more until max's ex boyfriend came back.