Chapter 73

172 9 0
                                    

Chapter 73: i still love you.

Naubos na namin yung soju na iniinom namin , ngayon yung favorite naming alfonso na ang iinumin namin. Medyo may tama pala yung soju , dahil puro namin yun ininom. Dahil 1st time namin yun itry , may iba't ibang flavors yun pero ang kinuha ko yung blueberry. Masarap naman pero medyo matapang , kaya may tama ng konti.

Dalawang oras kaming nag iinom at eto , yung mga kasama ko tulog na. Tulog na tulog , except sa isang lalaki na kanina pa nakatitig sakin. Tinignan ko siya sabay irap , dahil kanina pa siya nakatingin sakin. Akala nya ba di ko makakalimutan yung lahat ng ginawa nya sakin?

Dahil tulog na yung ibang kasama namin , at kaming dalawa nalang yung natitirang gising. lumabas ako para magpahangin , kahit hilong hilo na ako at hindi na deretso yung lakad ko.

5 minutes palang akong nandito , sumunod na sakin si nerd. Oh my gosh , i missed being called him like that. Yun lang yung miss ko , hindi siya okay? "Uhm hello?" Bati nya sakin kaya tumingin ako sakanya. "Why?" Nakataas kilay ko. Parang di ako lasing no? Sanay na kasi ako. Di na ako maoy. "Kumusta ka? Tagal nating hindi nagkita ha! " Deretsong sabi nya. Dahil hindi naman siya masyadong uminom dahil may trabaho pa daw siya bukas. "We're fine naman , naging maayos kami ni clyde sa states." nakangising sabi ko. "Ikaw ang kinakamusta ko , hindi si clyde." sabi nya , yung tono ng pananalita nya parang galit sya na ewan. "Ahm sorry , I'm fine. Naging maayos ako dun , nakamoveon na ako sa lahat ng nangyari dito sa pilipinas." Sabi ko kaya napatingin siya sakin. "M-mahal mo p-paba ako?" nagulat ako sa tanong niya syempre. Bakit nya kelangang tanungin yun ? Kakasabi ko lang na nakamoveon na ako diba? Stupid. Hindi ako nakasagot sa tanong nya. "Dahil ako? I still love you" nagulata ki sa sinabi nya. Nakakawala ng tama yung sinabi nya! Anong pumasok sa isip nya at sinabi nya yun? Ngayong healed na ako sakanya?

"s-sige matutulog na ako ha , lasing na ako eh bye." tumayo ako at akmang aalis na nang hinawakan nya ako sa kamay ko , as in sa mismong kamay ko talaga. Ang lamig ng mga kamay nya , kaya napatingin ako sakanya. Unti unti ng tumutulo yung mga luha nya , wag ka umiyak please? "W-why are you crying? " Tanong ko , curious ako eh. "Come back to me rea , i still loved you." He said while crying and staring at me. "Ano bang sinasabi mo kenneth? Isang taon na tayong wala." i yelled , kasi kahit anong sigaw ko dito walang makakarinig samin dahil sounds proof yung sliding glass door namin. "Come back to me , alam kong mahal mo pa ako." humahagulgol na sya ,di ko alam kung anong gagawin ko. Malambot ako tuwing may umiiyak sa harap ko. "Kenneth sinasayang mo lang yung oras mo sa wala. Matutulog na ako , maaga pa ako pupunta sa office bukas." Sabi ko pero lalo nyang hinihigpitan kapit nya sa kamay ko. "Ano ba? Bitawan mo nga ako. Tumigil kana , walang mangyayari kahit anong luhod at iyak mo dyan kaya tumigil kana. Nagsasayang ka lang ng oras mo." tinarayan ko siya pero di nya parin binibitawan yung kamay ko. "Please? Alam kong mahal mo pa'ko. Come back to me , babawiin na kita kay clyde. Mahal na mahal kita rea" sabi nya kaya napangiti ako. Yung ngiti ko may kasamang luha. "Sana inisip mo yan bago mo ako iwan noon. Sana inisip mo yung pwedeng mangyari bago moko hayaan." mahinahong sabi ko. Tumingala ako dahil konti nalang at tutulo na yung luha ko. Dahil hindi ko kayang may nakikitang umiiyak lalo na sa harap ko , dahil sobrang lambot ko tuwing may umiiyak sa harap ko. "Umalis kana. Aakyat na ako gigisingin kona si missy para makauwi na kayo." Sabi ko at pilit na tinatanggal yung kamay nya na nakahawak sa kamay ko. "Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo sinasabi sakin na mahal mo pa ako." Umiiyak na sabi nya. "Alam mo?  Nagsasayang ka lang ng oras mo eh. Wag kang umiyak , di moko madadaan sa paiyak iyak mo" kahit durog na durog na ako.

i love you nerd.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon