Chapter 66

159 8 0
                                    

Chapter 66: i love you , good bye.

Sabado na , si clyde nandon sakanila. May inaasikaso daw. 3rd year na pala 1year nalang at gagraduate na kami , nakakaexcite na nakakakaba. Dahil ang sabi sakin ni mom , pagnakapag tapos na daw kami , tsaka kami ikakasal. Kahit ayaw ko pa , at lalong ayaw ko na si clyde yung makakasama ko sa pang habang buhay. Di ko kaya!!


Dahil desperada ako , pumunta ako sa bahay nila kenken. Si missy yung nagbukas ng gate , tapos inassist nya ako papunta sa room ng kuya nya. Kumatok ako pero si missy yung nagsalita dahil may possible na hindi nya buksan yung pinto , nung pagkabukas nya at nakita nya ako isasara nya na sana uli pero pinigil naming dalawa ni missy kaya tuluyan akong nakapasok. Si missy iniwanan na kami para daw makapag usap kami ng maayos at walang ilang. "Ano ginagawa mo dito? " Seryosong tanong nya sakin habang naglalaro ng computer games. "Kausapin moko , linawin mo sakin ang lahat at hinding hindi na kita guguluhin." Wow? Yung marupok nakapagbitas ng ganyang salita? Amazing. "Gusto mo malaman?" Bigla syang tumingin sakin tapos ngumisi. "Wag na baka umiyak ka." Sabi nya "ano naman? Atleast alam ko kung bakit moko iniwan. Ang pangit mo mang iwan eh , walang dahilan?" Sabi ko , yung tono ng pananalita ko parang sinesermunan ko sya. "DAHIL GUSTO KONG UMANGAT YUNG COMPANY NYO , DAHIL AYAW KONG TULUYANG BUMAGSAK YANG COMPANY NYO , GUSTO KO TUMULONG SA MAGULANG MO KAHIT SIMPLENG BAGAY." pasigaw na sabi nya kaya naiyak ako. Yung nerd? Sumigaw? amazing isn't? "Simpleng bagay yun sayo? Sobrang sakit , kaya naman kitang ipaglaban , tsaka company namin yun. Di mo na kailangang makialam dun , kaya kong sabihin kay mom na ikaw lang ang kaya kong pakasalan. Pero bakit iniwan moko? Kung talagang mahal moko kahit malugi , bumagsak o kahit ano pang nangyari sa company namin , hinding hindi mo gagawin yan kenneth. Magpakalalaki ka kenneth , sana di ka na pumasok sa buhay ko. Kung sa simpleng pagsubok lang bumitaw kana!" Humahagulgol na ako , narinig ko si missy tinawag yung pangalan ko. Pero di ko pinansin tuloy lang ako sa pag iyak ko. "Mahal na mahal kita kenneth , kaya kitang ipaglaban. Kaya naming masolusyunan yun , kaya kitang ipaglaban sakanila. Akala ko malakas ka !! Mahina ka pala!!!!!" Sabi ko pero di sya umimik. Confirmed di nya na nga ako mahal. "Aalis na ako. I love you , good bye! " sabi ko sabay labas ng kwarto. Pababa ako ng hagdan umiiyak ako ng umiiyak , di ko pinansin yung mga maids , driver at lalo na si missy na nakatitig sakin. Gusto kong humagulgol , gusto kong manakit , gusto kong magpakamatay pero di magandang ideya ang naiisip ko. Dahil sakanya? Sasayangin ko buhay ko? Nah nah nah , marami namang nagmamahal sakin.

Paguwi ko , nakita ko si clyde nasa sofa , halatang inaantay ako dahil pagkarating na pagkarating ko lumapit agad sya at parang sabik na sabik sakin. Sira to ha ! "Tara , labas tayo". Sabi ko skanya. "S-sge" nagulat siguro dahil sa mga mata ko at seryosong reaksyon ko habang nagsasalita.

i love you nerd.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon