Chapter 8

356 15 0
                                    

Chapter 8: still bestfriends

Nag take na kami ng exam namin , And next week pa namin malalaman ang score , we're so excited kasi malapit na rin yung contest , pero bago magcontest mamamasyal muna kami ni kenken sa mall then pupunta kami sakanila , sa bahay nila. Namiss ko na rin kasi yung kapatid nyang babae , last time na nakita ko yon 1year old palang. Pero ngayon siguro nasa 12years old na ngayon , nasa mall na kami. Daming tumitingin samin kase naman nerd tong kasama ko. HAHAHA pero di ko kinakahiya , bestfriend ko to e. Enjoy enjoy muna sa 5years na di kami nagkita , matagal tagal rin yon no. Tadhana nga naman mapaglaro. Charot lang HAHAHA nasa mall na kami , ililibre nya daw ako e. Yayamanin parin to ha. Nilibre nya ako ng shorts and croptops. Ang dami nyang binili sakin , ang yaman talaga. Dati ganto rin sya e galanteng galante , dati nung grade 3 kami yung baon nito 300 , tas may kasama pang mga pagkain , nililibre nya rin ako ng mga food. Kase laging pinapabaon sakin ni mom puro gulay at prutas lang , nagsasawa nako kaya yon nililibre nya ako. Gusto kasi ni mom stay healthy ako kahit payatot ako , which is naging mabuti naman sakin. Di nako masyadong payat , sobra lang. HAHAHAHA biro lang.  Nandito na kami ngayon sa dressing room para sukatin yung mga binili ko. Then boom ang gaganda lahat , sinubukan ko syang utuin. Gusto ko sya ipili ng mga damit nya , pero ayaw nya. Kahit anong pilit ko. then yon pag tapos namin mamasyal sa mall , pumunta na kami sakanila.
"Tara pasok ka" aya sakin ni kenken.
Agad naman akong pumasok , pagkapasok ko nakita ko ang isang magandang batang babae na nakaupo sa hagdan at nagcecellphone.
"Kuyaaaaaa" niyakap ng magandang batang babae si kenken. Wait ? Sya na si missy? Wwwoooooww ang laki laki nya na , dalaga na.
"Bunso , sya si ate rea , kilala mo paba sya? " Ani kenken , ha? Alam ko 1yr old palang si missy nung huli ko syang makita. "ah eh , kuya ? Di ko sya kilala. Sino ba sya? Girlfriend mo? Ayiiiieee , MOMMY SI KUYA OH MAY GIRLFRIEND" pang aasar na sabi ni missy. Agad na lumabas si tita maya , nag mano ako sakanya sabay sabing "hi tita , Long time no see."
"Ikaw na ba si rea? Nako napakagandang bata , ang laki laki mo na" aniya , binabati ako tapos sasabihan akong bata? Wag ganon tita HAHAHA.
Agad akong napatingin kay missy na namumula ang mukha , bakit kaya?
"Mommy si kuya oh nakahawak sa balikat ni ate ganda" ani missy na hanggang ngayon namumula parin.
Agad na tinanggal ni kenken ang pagkakahawak nya sa balikat ko sabay hila nya sakin papuntang kusina.

*****

Pinakain kami ng mom ni kenken , ang sarap parin ng luto ni tita walang kupas. Dati kasi yung baon na pagkain ni kenken shineshare nya sakin yon , sobrang sarap. Nagkwentuhan kami about sa mga nangyari sa mga buhay namin. Si kenken daw di daw masyado lumalabas , taong bahay daw tapos di pa nagkakagirlfriend. Tapos nagtanong si tita sakin "nagkaboyfriend kana ba hija?" Aniya siniko sya ni kenken. "Ah opo tita , pero po nagbreak rin kami agad kasi po kinuha sya ng dad nya , di na daw po kasi sila babalik dito kaya po sya nakipaghiwalay sakin." Pagsisinungaling ko , dahil ang totoo ay niloko ako ng ex kong kumag. Pero yung kinuha sya ng dad nya yun ang totoo pero ang hindi na sila babalik? Hindi yon totoo. Tawag ko sa pagsisinungaling kong yun is white lie. "Alam ba ng mga magulang mo na nagboboyfriend ka?" Tanong nya habang nakatitig sa mga mata ko. " Ah opo , sa katunayan po niligawan nya po ako sa bahay namin. Nanghingi po sya ng permiso kina mom and dad , nung mga time na po non 15 yearsold po ako. Bali mga nakaraang taon lang po " sabi ko " ah ? So 16 ka palang ngayon? " Tanong nya " opo , turning 17 po this- " naputol na sabi ko ng biglang sumingit si kenken. "October" naramdaman kong biglang nag init ang mga pisngi ko sa sinabi nya. Hindi nya parin pala nakakalimutan yung birthday ko. "Still bestfriends parin ha " ani tita maya.

i love you nerd.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon