Chapter 18

247 11 0
                                    

Chapter 18: Girlfriend

Isang buwan ng nakalipas nung huli kaming nag usap ni kenken at masabi ko sakanyang nagseselos ako , di ko alam kung bakit di nya na ako pinansin. Pumasok ako ng maaga , pumunta ako sa library para magbasa dahil may oral recitation kami mamaya sa oral communication , pero nung pagpasok ko nakita kong nasa isang table si ken ken at yung abby na yon. Ang saya nila nakangiti pa habang may binabasa sa libro.

Kumuha ako ng libro at hiniram muna ito sa librarian , kase ayoko makakita ng kakornihan , ang korni nila. Bitter ba ako?

Lunch na at wala paring kenken na kumakausap sakin , ang kasama ko na pala ngayon si mia. Finally sinamahan nya na rin ako ! Nasa canteen kami kumakain , salad pala baon ko kakahatid lang ni manang dito. Kinuha ko lang rin sa guard , nagkekwentuhan kami ni mia nang may biglang lumapit samin. "R-rea?" Tawag sakin nung lalakeng nasa harap ko. Di ko pa kasi inaangat ulo ko kaya di ko makita kung sino tumawag sakin. "R-rea?" Pangalawang tawag nya at agad kong inangat ang ulo ko at nakita ko ang cheesy na si kenken , "rea , si abby nga pala" sabi nya sabay tingin kay abby. "I know her" walang ganang sabi ko. "Girlfriend ko" dugtong nya na agad kong kinagulat. Pero di ko pinahalata. Baka sabihin ni abby ang bitter ko. "Ah congrats" walang ganang sabi ko sabay aya kay mia na pumanik na sa room.

Nasa room nako , di ako makamove on sa sinabi ni kenken sakin , si abby? Girlfriend nya? wtf ba sya? Bakit sa dinami dami ng magagandang babae na pwede nyang jowain , bat di ako? Biro lang. Dami daming magaganda dyan , si abby pa talaga yung niligawan ! Which is di naman kagandahan! Di sa nilalait ko sya , pero yun yung totoo. Di sya maganda !

Uuwi na sana ako pero naalala ko yung assignment namin sa general math , nandon sa libro daw yon. Kaya pumunta ako sa library , kaso nakita ko nanaman yung dalawang cheesy. Naglalandian sa loob ng library , gusto kong hiramin yung libro pero bawal daw iuwi. Kaya no choice dun ako umupo sa dulong dulo pero kita ko parin sila. Kasi yung library namin sa school sunod sunod yung upuan parang ganto.
[Chair] [chair] [chair]
[Books] [ books] [books]
[Books] [books ] [books]
Yan ganyan , sana gets nyo hirap ipaliwanag. Kaya kitang kita ko sila , sa tatlong malalaking table na nasa library , nasa pinaka dulo ako tas sila nasa unahan. Kaya malayo kami , may iba ring studyante dito kaya di ako naiilang. Inaaral ko yung assignment namin , biglang lumapit sakin si cheesy. "Rea?" Aniya. Syempre papansinin ko , d ako magpapakabitter. Baka malaman nyang gusto ko siya e ! Mahirap na "yes?" Sabi ko habang nakatingin parin sa librong inaaral ko. "Gusto ka daw makausap ni abby" aniya na naging dahilan ng pagtingin ko sakanya. "Bakit daw?" Tanong ko "d-di ko alam eh " aniya sabay tawag kay abby. Napatingin ako kay abby na nakataas ang kilay. Umalis na si kenken , lumabas. "Sinusundan mo ba kami ng boyfriend ko?" Aniya na nakataas ang kilay. Ako? Sinusundan sila? Wtf kaba abby , sarap mong hampasin ng librong hawak ko sa mukha mo. "Ay hindi , kita mo bang may assignment akong ginagawa ? Bat ko kayo susundan? Hehe" pagpapaliwanag ko. "Pwede mo namang gawin yan sa bahay nyo ha , bakit kelangan pang dito?" Nakataas parin ang kilay na sabi nya sakin. "Eh sa hindi pwedeng hiramin yung libro e. Kung pwede ba 'tong hiramin magtitiis ba akong mag aral ng nandyan kayong dalawa? Are you out of your mind?" Pagpapaliwanag ko habang unti unting tumataas ang isa kong kilay. "Wala akong pake sa kahit anong explain mo! Wag ka nang magpapakita samin. Lalong lalo na sa boyfriend ko , get lost b*tch" aniya habang nakangising umalis. Isa rin to parang si trixie. B*tchy rin yung ugali.

i love you nerd.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon