Chapter 60

174 6 0
                                    

Chapter 60: miss mo'ko?

Ilang linggo na nang nakalipas nang dito nag aral si clyde , lagi parin kami magkasama ni kenken. Lagi rin ako nilalapitan ni clyde para asarin pero di namin pinapansin. Ayaw naming magsayang ng oras sa walang kwentang tao. Galit parin ako sakanya hanggang ngayon.

Uwian na inaantay ko si kenken dito sa ilalim ng puno kung san namin unang nakita si clyde , dahil ayaw kong dun mag antay sa mismong court dahil baka mag assume nanaman yung kumag na yun. Maya maya pa ay dumating na yung boyfriend ko. "Mauna kana , may gagawin pa kaming thesis , kulang pa daw yung thesis na ginawa ko nun. Dinagdagan ko lang naman e , pero kung di mo kaya umuwi mag-isa pwede ka namang sumama samin , gagabihin nga lang." Sabi nya pero seryoso , napakanerd talaga. By the way may salamin sya minsan pero di na yung malaki , nananakit na daw kasi yung mata nya sa contact lens. Ayos lang naman , super pogi nya naman sa hitsura nya may salamin man o wala. "Ah , kaya ko umuwi. Sige alis na ako ha , mag ingat ka nerd wag ka masyadong magpagabi bye i love you" sabi ko sabay halik sa labi nya. "I love you too" sabi nya sabay yakap ng mahigpit at halik sa noo ko. Umalis nako , naglalakad ako ngayon dahil gusto kong maglakad lakad nalang muna tutal malapit lang naman yung bahay namin.

"Hey" sabi ng lalaki sa di kalayuan , kilala ko yung boses na yun dahil sa araw araw na pang iinis sakin. Di ko sya pinansin deretso lang ako sa paglalakad. Bigla syang humarang sa dadaanan ko kasama yung mga siraulo nyang friends. "Bakit moko nilalayuan? Miss mo'ko no?" Sabi nya kaya tumaas kilay ko. "no , assuming mo naman kung ganon." Sabi ko habang nakataas parin ang kilay. "Or baka naman mahal mo pako" nakangising sabi nya. Napaka kapal ng mukha , nabibwiset na ako. Dapat pala nagpasundo nalang ako kay manong pero naalala ko umuwi pala sila sa province nila dahil may sakit yung mom nya. Yung isang driver naman namin nag day off muna , si kuya naman nasa work. Sya muna pumalit kay mom , sobrang tagal na ni mom sa states di ko na alan kung ano na nangyayari sakanya. Wala akong contact sakanya dahil lagi syang busy kaya di ko na ginugulo. Anyways di ko pinansin si clyde at akmang lalakad na ako pero hinawakan nyako sa wrist ko. "Kasi alam mo kung di mo nako mahal , bakit moko iiwasan? " Sabi nya kaya sinampal ko sya. "Ang kapal pala ng mukha mo? Sino kaba para mahalin? PWEDE BA ? TIGIL TIGILAN MO NA'KO ANO NANAMAN BANG KALOKOHAN ANG GAGAWIN MO , PALAGI MO KO BINUBWISET PATI BOYFRIEND KO INAASAR MO. ANO BANG GUSTO MO?" Pasigaw na sabi ko dahil sa galit ko. Oo galit ako dahil sawang sawa nako sa pambibwiset nya sakin halos araw araw. Tumawa silang lahat. Anong nakakatawa sa sinabi ko ? "Ikaw , ikaw ang gusto ko. May problema kaba love ?" Sabi nya , nakatitig sya sakin habang umiiyak ako. Bakit nya ako tinawag na love ? Kapal ng mukha tapos na tayo tapos tatawagin mo pa'ko sa cs natin noon. "WAG MO NGA AKONG MATAWAG TAWAG NA LOVE , ANG KAPAL NG MUKHA MO. TIGILAN MO NAKO PLEASE" pasigaw na sabi ko akmang tatakbo pero pinigilan ako ng mga adik nyang kaibigan. "Ang ganda mo umiyak , swerte nung boyfriend mo." Nakangising sabi nya sabay dahan dahang hinahawakan ang braso ko. Manyakis talaga to! "PUTANGINA TIGILAN MO NAKO. " Sigaw ko sabay takbo , buti naman tinigilan nako at di nako pinigilan na tumakbo. nagulat siguro sa mura ko.

i love you nerd.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon