Chapter 25

228 11 0
                                    

Chapter 25: Mia's Birthday

Max's POV

Birthday ngayon ni mia july 17 , 18 na sya ngayon. Maaga ako nagising dahil gusto ko tumulong kay tita (mia's mom) magluto ng mga handa , may experience naman ako sa pagluluto dahil tinuruan ako ni grandma noong 15 y.o palang ako para daw pag nag asawa ako marunong ako magluto , diba ang bata ko pa pero tinetraining nako para pag nakapag asawa ako HAHAHA pero wala pa sa vocabulary ko ang pag aasawa , ang bata ko pa kaya saka pag aaral ang inaatupag ko.

****

Nandito na pala ako kila mia nasa room pa daw nya sya , lumapit ako kay tita para sabihin na tutulungan ko sya. "Sure" aniya habang may hinihiwang patatas. Nagsimula na kaming mag luto , ang aga pa naman. Pero pumunta agad ako dahil birthday to ng bestfriend kong jontis.

Mahigit 30 minutes na akong nagluluto , isang dish palang yung naluluto ko. Adobong porkchop palang , si tita naka tatlo na. 10 dishes daw pala ang lulutuin. Nandito na rin pala yung lola ni mia tumutulong na , kaya ang sabi ko kay tita ako nalang gagawa ng spaghetti sauce , lagi namang kasali yung spaghetti pag may handaan e , kaya sanay nako.

Pagkatapos ko magluto pumunta ako sa room ni mia , nandon rin si lester tinitignan yung girlfriend nya , i mean asawa pala. Dahil diba buntis si mia. Malaki laki na yung tiyan nya pero di parin alam ng dad nya dahil nasa japan nga yung tatay nya , di na daw siya kinakabahan dahil tutulungan naman daw sya ng mom nya magsabi.

6pm

6pm na marami rami na ring mga bisita ang dumating puro classmates namin noong highschool. Except kay trixie crazy. Umakyat uli ako sa kwarto ni mia para dun na magbihis , dahil naka shorts and sleeveless croptop pa ako baka mamaya makita ako ni nerd baka mainlove sakin. Joke HAHAHA di sa pagmamayabang , maganda kasi talaga yung katawan ko kahit kain ako ng kain.

Tapos na mag bihis at make up si mia , pagbaba ko nakita ko si... Dad nya? Pati yung lovable cousin nyang si mico HAHAHA crush ko to dati e. Btw naging mag friends pala kami ni mia since grade 6 until now. Mas nauna parin talaga si kenken kesa sakanya.

"Hey andrea" ani mico na nakangiting nakatingin sakin. Yes oo iba iba talaga tawag nila sakin , tawag sakin ni mom and kenken 'rea' nakuha nila yun sa andrea ko. Then si mia naman ang tawag sakin 'max' galing yun sa maxine ko.tawag naman sakin ni dad everytime na mag uusap kami sa phone or personal 'maxine' he gave me that beautiful first name e. And si kuya? Di naman ako tinatawag non sa name ko , ang tawag nya sakin 'baby girl' since ako yung bunso. Dalawa lang kami e.
Back to the story..
"Ow hi , long time no see" sabi ko sabay lahat ng kamay ko. Pogi parin sya wala namang pinagbago. "how are you?" Aniya sabay ngiti sakin. Ampogi ngumiti , "hmmm i'm fine , how about you? Balita ko may girlfriend ka na ha?" Sabi ko sabay ngiti.

Kenken's POV

Papunta na ako ngayon kila mia , birthday nya ngayon e. May dala akong gift sakanya , isang white dress and necklace. May pendant na maliit na heart , ang cute nakahanap na rin ako ng pang gift ko kay rea pero di ko pa ibibigay sakanya dahil di pa ako ready.

Nandito na ako sa gate nila , pinagbuksan ako ng gate ng nanny nila. Nagsasalita na pala yung emcee binabati lahat ng bisita , nakita ko si rea may kasamang lalake. Lalapit sana ako kaso naalala ko galit pala sakin si rea kaya wag nalang , nagtatawanan sila. Umaappear pa korni !

Mia's POV

Tapos na ako mag makeup then nagsimula na yung pagsasalita nang emcee , im so excited na medyo kinakabahan dahil ang daming bisita na hindi alam na buntis ako , btw alam na pala ni dad. Tanggap nya parin ako kahit nabuntis ako and yes i am so very happy.

Tinawag nako ng emcee syempre lumabas nako , maraming nagulat sa paglabas ko dahil medyo malaki na yung tiyan ko. Pero nangiti parin sila narinig ko yung sigaw ng bakla naming kaklase noong highschool "WOOOOOAAAHH ANG GANDUH MONG JONTIS DAI MANA KA SA MHIEMA MO" aniya na kinatawa ko. Mhiema HAHAHA nay kasi tawag ko sakanya dati , oo nakakajejemon pero yun yung totoo. Marami ring tumawa dahil sa sinabi nya.

Pag punta ko sa harap nakita ko si max and mico magkasama tumatawa , kumaway rin kasi sakin si max e kaya nakita ko sila agad. Si kenneth pala nandon banda sa likod nila max , parang binabantayan si max e HAHAHA oo alam ko na may gusto si kenneth sakanya. Panong di ko malalaman na binabantayan nya , nakatitig sya sa dalawa habang tumatawa. Mamaya pala isusurprise ko si max HAHAHA secretttt.

Max's POV

kasama ko si mico magkatabi kami sa table. Ang ganda ni mia kahit buntis , chinita kasi sya e. Medyo singkit dahil mana sya sa dad nyang japanese. Nagtatagalog rin yung dad nya HAHAA.

Kanina ko pa di nakikita si kenken ha , alam ko close na sila ni mia bat parang di sya invited. Nilibot ko yung tingin ko. Hanggang sa likod , then yon nakita ko na si kenken , nasa likod pala namin nakatingin pa samin. Selos ka? HAHAHA dahil malakas trip ko kumapit pako kay mico tas tumawa ng malakas.

i love you nerd.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon