Chapter 78: Forgiveness?
Mahigit ilang buwan na nangungulit sakin si kenken , sorry siya ng sorry. Dala ng dala ng kung ano ano. Nandito ako sa office ko ngayon pero kasama ko si clyde , maya maya may kumatok. "Clyde pakibuksan nga , di ko pa tapos tong ginagawa ko eh." pagpapakiusap ko sakanya binuksan nya agad. "May bisita ka" Napatingin ako sakanya pero hindi nya pa binubuksan yung pinto kaya di ko makita kung sino. "Come in" sabi ko , nakita kong niyakap nya yung bisita. Sino ba yan? Bisita ko o bisita nya? "Hello atty.maxine , this is for you" sabi nya , napaangat ako ng ulo ko. Nagulat ako nang makita ko si kenken , wtf. Close kayo? Kung magyakapan wagas ha. "Sorry na ha , forgive me na." Sabi nya , nagpapacute siya sakin. Oo na cute kana. Hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa pag gawa ng kung anek na ginagawa ko.
Ilang oras na siyang nandito , tumingin ako sakanila. Nakaupo sila naglalaro ng mobile legends "diba doctor ka? Bakit nandito ka? Dapat may trabaho ka diba? Palagi?" Sunod sunod na tanong ko. "May kapalitan akong professional doctor , kaya every weekends naka day off ako." Sabi nya , nagulat siya. Nagulat siya? Sa sinabi nya? Ha? "KINAKAUSAP MO NAKO? YESSS" tumalon siya , bakit? Anong problema niya sa pagtatanong ko sakanya? "O-oo , b-bakit? Masama?" Ang weird ng lalaking to ha. "Pinapatawad mo nako? Kung hindi pa , sorry na kasiiiii. Promise hindi ko na uulitin yung pang iiwan sayo. Kahit bumagsak lahat ng company nyo hinding hindi na kita iiwan , patawarin mo lang ako." sunod sunod na sabi nya. Ang saya saya nya , tila tanga HAHAHAHA "oo na , wag mo na uulitin ha? Ang sakit kaya." Sabi nya , tumalon talon siya sabay yakap sakin. "Pre pinatawad nya nako pre" sabi nya kay clyde na kanina pa nakatingin samin. "Alis muna ako ha? Mukhang nagkakasaya kayo eh" sabi ni clyde sabay labas ng office ko. Hinalikan ako ni kenken sabay tulak ko sakaniya. "Hindi ko naman sinabi na tayo na ulit ha? Pinatawad lang kita " sabi ko , napaupo siya tila nagtatampo. Ang lungkot ng mukha nya "sige na nga." sabi ko sabay lapit sa pinto , nilock ko kasi baka nay pumasok eh. Pagkatapos ko ilock hinalikan ko siya , ang sarap nya humalik. Parang ilang taon siyang hindi nakahalik ha.
"Tayo na ulit?" Tanong niya sa gitna ng halikan namin.
"Oo bakit? Ayaw mo?" Napatigil siya. "ofcourse not , gustong gusto ko nga eh. Pakasal na tayo?" Tanong niya sakin , "ambilis mo naman. Hindi ko pa nga sinasabi kila mom eh" sabi ko sakanya. Napangisi siya , "ako bahala" nag evil laugh siya. Tumingin siya sakin na parang may balak na hindi maganda. Oh my gosh "hoy , alam ko yang iniisip mo ha. No way , gusto ko muna magtrabaho." Sabi ko dahil alam kong ganyan siya pag may balak na hindi maganda. "Ayaw mo non? Pag nabuntis kita hindi na nila tayo mapaghihiwalay." Sabi nya sakin , may point naman siya pero no. Ayoko!
BINABASA MO ANG
i love you nerd.
Teen Fictionit is the story of a woman who is obsessed with a nerd man that no matter what trial came to their relationship, they strengthened it , even more until max's ex boyfriend came back.