Chapter 29: is he jealous?
Maaga ako sinundo ni mico dito sa bahay. May dala syang breakfast , luto nya daw kaya kinain ko syempre nakakahiya eh. Di ko na rin muna pinagluto si manang , may dala rin kasi si mico ng napakaraming pagkain. Kala nya naman mauubos ko lahat to.
Alam na pala ni kuya na nanliligaw sakin si mico , then umalis na rin sya lumipad na sya papuntang states. Lipad ako tweng , HAHAAHAHAHA.
Nandito na kami ngayon sa school , ang aga naming nakarating. Pano ba naman 8am ako sinundo. Parang ayaw maunahan ni kenken. Speaking of kenken , di ko na sya nakikita.
Kenken's POV
9am ako gumising para maaga ko masundo si rea , pero pagkapunta ko don wala na daw sinundo na daw ni mico. Sinong mico ba yon? Nakakabanas naman yon.
Nandito nako sa school , nakita ko si rea kasama yung lalaki lumabas sila sa canteen ang saya nila. Btw , sya ba si mico? Arrrggghhh sabagay. Mas gwapo naman pala sakin yon. Ano laban ko don HAHAHA nagdrama na.
****
Magkaschedule kami ni rea 1st and 2nd subject , tinanong ko si rea kung sino yon. Tama nga ako , si mico nga then sinabi ko sakanya na pumunta ako sakanila para sunduin sya , sabi nya naunahan daw ako ni mico kaya kay mico sya sumama. Tsk mas importante ba yung mico na yon kesa sakin? Bestfriend nya ako e ! Ano nya ba yon? Lagi nyang kasama.Lunch na , pupunta sana ako sa room ni rea pero nakita ko magkasama ulit sila. Nakakaasar na , nakakawala sa mood.
Uwian na , di ko na pinuntahan si rea dahil alam kong magkasama nanaman sila nang pesteng mico na yon. Di ba sila nagsasawa sa mga mukha nila?
Max's POV
Pagkatapos ng 1st and 2nd subject namin di na ako pinansin ni kenken. ano kaya problema non? Mapuntahan nga.
****
Nagpahatid ako kay manong dito sa bahay nila. Sinalubong ako ni missy "ateeeee" tumakbo sya at niyakap ako. "Nasan kuya mo?" Sabi ko na nililibot ang mga magaganda kong mata sa buong bahay nila. "N-nandon po sa kwarto nya , badtrip." Sabi nya kaya umakyat agad ako.
Pag akyat ko pumasok agad ako sa kwarto nya. Nakaupo lang sya sa bed nya then nung nakita nya ko bigla syang humiga , nakatalikod sakin. Galit ba to? Bakit sya magagalit? Ano problema nito?
"H-hey , b-badtrip ka daw sabi ni missy? Di moko pinapansin kanina kaya pinuntahan kita dito , are you sick?" Tanong ko sabay lapit sakanya. Hindi nyako tinignan at pinansin kaya lumipat ako sa side ng bed nya kung san sya nakaharap , pagkapunta ko nakita kong bigla syang namula. "W-why? Are you mad at me?" Sabi ko sabay pacute ng mga mata. "...." Di nya parin ako pinapansin. "Galit kaba sakin?" Tanong ko , "oo" sabi nya. Tsskk tsskk tsskk gusto naman pala ng tagalog , di nya sinabi. "B-bakit?" Tanong ko ulit. Di sya umimik kaya "why?" Kaya inenglish ko baka sakaling sumagot e HAHAHAHAAH. Di parin sya umimik , iiyak nako dito sige ka. Joke
Ilang oras nako nandito sakanila pero di nya parin ako kinakausap , "hoy kausapin mo nako , bakit kaba galit?" Tanong ko sakanya. "mico" bulong na sabi nya pero narinig ko kasi di naman masyadong mahina , wait mico? Nagseselos ba sya samin? HAHAHAHA bakit sya magseselos. IS HE JEALOUS? ow c'mon max , baka nagtatampo lang si nerd dahil lagi mong kasama si mico. "Mico? Bakit? Ano meron kay mico?" Sunod sunod na tanong ko kaya humarap sya sakin , shettt ampogi nya. Yan ang tunay na glow up HAAHAH "NAGSESELOS AKO" aniya kaya naramdaman kong nag iinit pisngi ko. As in init talaga parang lilihab na HAHAHAHA. Shocks seloz nga.
BINABASA MO ANG
i love you nerd.
Novela Juvenilit is the story of a woman who is obsessed with a nerd man that no matter what trial came to their relationship, they strengthened it , even more until max's ex boyfriend came back.