Chapter 55: are you jealous?
Fast forward..
Mahigit tatlong buwan na kami ni kenken , kung anong ginagawa nya noong nililigawan nya'ko ay ginagawa nya parin hanggang ngayon , hatid sundo sa school at bahay , sabay lagi kung kumain. Palagi akong may pasalubong galing sakanya tuwing umaalis sila ng family nya. Si mom pala? Nandon parin sa states , si kuya lang ang umuwi para daw may kasama ako dito sa bahay. Lagi namang nandon si kenken pero nabobored parin ako , lagi kasing tulog yun sa bahay. Parang ginawang kwarto buong bahay namin tuwing nandon sya.
Ngayon kakasundo nya lang sakin , papasok na kami sa school.
Time check: 10:30am
Saktong 10:30 kami umalis para pagpasukan na nandon na kami agad sa mga rooms namin , iba na kasi sched namin kung naaalala nyo.****
Lunch break na magkasama kami ng boyfriend ko dito sa canteen at kumakain ng mcfries , McChicken kakapaorder nya lang buti nga mabilis dumating kasi malapit lang yung McDonald's dito.
Hindi pa tapos ang lunchbreak pero tapos na kami kumain , kaya pumunta kami sa library ng magkahawak ang kamay. Btw si kuya john palang pala ang may alam ng about samin ni kenken , di ko pa sinasabi kay mom na sinagot ko na sya kasi alam ko magagalit yon kahit botong boto sila kay kenneth.
Naglilibot kami ngayon sa mall , maaga kami nag dismiss kaya may time kami mag mall , nag arcade kami , kumain sa starbucks , nag grocery para sa unit ko , and nag watsons ako mag isa. Sabi ko sakanya pumunta na sya sa parking lot at antayin nya ako don , pumayag namn sya , baka mahirapan sya sa bitbit nya e. Marami kasi akong napamili na grocery , para naman may laman yung fridge ko. Naghahanap ako ng makeups , dalaga nako legal age nako pero di pa ako nagmemakeup.
Kenken's POV
Nandito na ako sa parking lot at naglalakad , kasi pinapunta nako dito ni rea marami na rin kasi akong bitbit e. Pero parang may sumusunod sakin , ilang beses rin ako lumilingon lingon pero wala , pero everytime na maglalakad ako , sumasabay rin yung yapak nya. kaya binilisan ko maglakad at naririnig kong tumatakbo na sya kaya mabilis akong lumingon. Pagkalingon ko
"A-abby?" Nagtatakang sabi ko
"patay na si chuchi (yung tuta na lagi naming kalaro noong magkasama kami palagi dahil sa pinagseselos ko si rea)" sabi nya habang umiiyak tapos niyakap ako. Nalungkot rin ako kaya niyakap ko rin sya pabalik.Max's POV
Papunta na ko ngayon sa parking lot , konti lang nabili ko , tila luma na yung mga stocks nila don e kaya konti lang binili ko.
Habang naglalakad ako may nakayuko ako dahil nagbabasa ako ng wattpad , super ganda kasi ng bago kong binabasa ngayon e. Napatingin ako dahil malapit na ako sa car na dala ni kenken tapos i saw him , MAY KAYAKAP NA IBANG BABAE? "WHAT THE" napasigaw ako sa galit tumakbo ako palayo tapos sinundan ako ni kenken , naabutan nya ako dahil di naman ako runner e. Sobrang sakit , 2nd time ko nang naloko. Sabi na e , dapat di ko na sya sinagot , dapat d ko na sya nakilala. "Magpapaliwanag ako" sabi ni kenken na ngayo'y mangiyak ngiyak , hawak hawak nya yung kamay ko kaya di ako makapumiglas pahigpit ng pahigpit hawak nya sakin. "Ano ipapaliwanag mo? Malinaw mata ko kenken , alam kong nagyayakapan kayo , wag moko ginagawang tanga ha. " Sabi ko sobrang lakas ng boses ko dahil nag iinit na ako sa galit , feeling ko lumalabas na yung usok sa ilong at tenga ko. Tumingin ako sa likod tapos yon , nakita ko ang malanding si abby. "Anong pakay mo sa boyfriend ko? Bakit ka bumalik , ang kapal ng mukha nyong dalawa , magsama kayo t*nginanyo" napahawak ako sa bibig ko habang tumatakbo , dahil first time kong magmura. I mean first time kong sabihin yung word na yan , iyak ako ng iyak nang makauwi ako sa bahay.
Pagpasok ko tumakbo agad ako papuntang kwarto ko at di pinansin ang pagtawag sakin ni kuya dere deretso akyat lang ako papuntang kwarto ko.
Iyak ako ng iyak , magang maga na yung mga mata ko. Gusto ko imessage si mia kaya binuksan ko facegram ko , tapos nakita ko nagmessage si abby sakin. Kaya binasa ko
[Are you jealous?]
[Tanginamo pala e , sinong hindi magseselos , nahuli ko kayong nagyayakapan! Ang tanga lang]
[Let me explain first before you saying badwords]
Hindi ko na sya inantay na mag explain , binlock ko agad siya habang umiiyak na nakatakip ang bibig dahil sa pagmumura ko.
Nakatulog ako dahil sa galit at pag iyak , nagising ako sa katok ni kuya. Hinahanap daw ako ng walang hiyang si kenken! Hindi ako sumagot.
Maya maya narinig kong binuksan yung pinto ko , binuksan pala ni kuya gamit yung susi ng kwarto ko. Tapos lumapit sakin si kenken tapos niyakap ako , magpapaliwanag sana sya pero "UMALIS KANA" sabi ko pero mas pinili nyang manahimik muna hanggang sa pagtahan ko.
Ilang minuto lang ang nakalipas nang magsalita sya , nakatalikod ako sakanya "namatay kasi yung tuta ni abby na lagi naming kalaro noon , kaya nagdadalamhati sya ngayon. Niyakap nya ako kaya niyakap ko rin sya dahil nalungkot rin ako , sorry " sabi nya at halata sa boses nya ang lungkot. "Galing mo rin palang mag sinungaling? Galing mo gumawa ng dahilan ha ? Bravo " nakangiting sabi ko habang umiiyak at nagsimulang pumalakpak. Niyakap nya ako hindi ako makaalis sa pagkakayakap nya dahil sobrang higpit , hindi na ako makahinga sa ginagawa nya. "H-hindi na ko makahinga" sabi ko buti naman binitawan nya na ako. "Nagseselos kaba ? Pwes wala kang dapat ikaselos dahil ikaw lang ang mahal ko okay? I love you sungit" he said and he started kissing me on my lips. Nawala yung galit ko nung niyakap at hinalikan nya ako. Marupok na ba ako? Mahal ko e bakit ba.
BINABASA MO ANG
i love you nerd.
Teen Fictionit is the story of a woman who is obsessed with a nerd man that no matter what trial came to their relationship, they strengthened it , even more until max's ex boyfriend came back.