Chapter 7

357 16 0
                                    

Chapter 7: mr and ms CAM

Sinundo ako ni mia sa bahay kaya maaga nanamn ako pumasok , as usual nakatingin ulit sila sakin. Tanong ng tanong ng name ko , marami na rin gustong makipag kaibigan sakin. Oo lang ako ng oo , alangang sabihin kong hindi pwede? Edi sasabihan naman nila akong suplada. Kaya marami nakong friends , nginingitian ko nalang ang mga taong tumitingin sakin , naririnig ko din ang mga bulungbulungan nila na boyfriend ko daw ang nerd student dito na si kenken. Gusto ko silang sabihan na bestfriend ko si kenken at hindi boyfriend , pero alam kong di sila makikinig sakin. Syempre , di na nila ako papaniwalaan. Sino ba naman ang gugustuhin na magkaroon ng boyfriend na nerd diba. Pero wala akong pake , kase bestfriend ko lang naman si kenken. Lagi na rin kaming magkasama , minsan hinahatid nya pa ako sa bahay pag ginabi na. Kung nagtataka kayo kung bakit nya ako nahahatid , di na kasi ako nagpapahatid sundo kay manong (yung driver namin). Si kuya na kasi yung lagi nya hinahatid sundo sa work. Kaya okay lang naman sakin yon , anyways nandito na kami sa loob at nagtuturo na yung adviser namin na nambato sakin ng chalk sa ulo. "Magkakaroon tayo ng event dito sa Christian academy , which is kelangan ng dalawang representative , girl and boy. Alangang girl and girl diba" asus kulet netong teacher na to ha , namimilosopo kala nya nakikipagbiruan kaming lahat sakanya. "Since marami naman daw ang magaganda at gwapo dito sa section natin , dito ang napili nilang isasali sa mr. And ms. CAM By grade level yon , bali ang makakalaban ng sasali ay ang grade 12" Aniya na nakatingin sakin. Bkit ako tinitignan nito. May kasalanan ba ko "maam , ako nalang po ang sasali sa ms. CAM" ani trixie , talaga lang ha. Maganda kaba? Charot , ayos lang naman kung sya. Basta ba mapapanalo nya e "kelangan ng matalino at maganda trixie , meron kaba non?" Ani mrs.santos habang nakangisi kay trixie , agad na tumawa kaming lahat , kasabay ng pagtawa namin ang pagyuko ni trixie sa desk nya.

Mia's POV

Si trixie? Nag presinta na sya ang sasali sa ms. CAM? Like duh? Maganda ba sya? Buti nga sakanya at binara sya ni maam. "Ayos ba sainyo na isali si trixie sa ms. CAM?" Ani mrs.santos na binibigyan kami ng WAG PLS look. Walang sumagot sa tanong ni maam , at agad na tumawa ang buong klase. "Maam , si max nalang po ang isasali. Atsaka si nerd boy" sabi ni mae , agad namang nagsihiyawan ang mga kaklase namin. Syempre nakihiyaw na rin ako , bestfriend ko ang isasali e.

Max's POV

what the fudgggee?? Bakit akooo? Bakit kamiii??? Ayokooooo plssss!!! "Ok kayong dalawa na ang isasali sa mr. And ms. CAM , goodluck guys" ani mrs.santos habang nakangiti samin , "maam? Di naman maganda yang si max" ani trixie habang naka tayo. "Maganda at matalino si max , ikaw? Meron kaba ng lahat ng meron si max? Sige nga ? Kung palabanan ng mr. and ms. CAM , pero walang makeup ! Mananalo kaba?" Ani mia habang nakatayo rin na nakatingin ng matalas kay trixie. Tumawa ang buong klase. Kawawa naman si trixie , kanina pa napapahiya.

BELL RINGS!!!

LUNCHBREAK kasama ko si kenken na pumunta sa canteen , rinig na rinig namin ang bulungan ng mga tao dito.
"Ay? Sila ba yung isasali sa mr. And ms. CAM? di bagay"

"Bakit isasali si nerd boy kenneth? Di naman sya gwapo , iw"

"Itong babaeng to porket sya yung isasali sa mr. And ms. CAM kala mo kung sino na "

"Di naman maganda at gwapo ang isasali sa mr. And ms. CAM"

Napabuntong hininga nalang ako sa mga naririnig ko , ano sila? Insecure dapat sila nalang ang sumali. Btw hahanapin ko pala si trixie , gusto nya sumali e. Edi sya papasalihin ko. Di ako nagagalit sakanya , naaawa ako kasi kanina pa sya napapahiya sa room.

****

Nakita ko si trixie na nandon sa labas ng classroom ng mga lalakeng nanapak kay kenken. Agad kaming lumapit "trixie , diba gusto mo sumali sa mr. And ms. CAM? Sige ikaw na sumali don" mahinahong sabi ko " i dont care , ikaw na sumali don. Bida bida ka naman diba? " Aniya na nakapulupot ang mga kamay. Nung lumabas yung mga gangsters "babe sila yung namahiya sakin sa room" aniya habang nakangisi samin. Napanganga ako sa sinabi nya. Di namin sya pinahiya , di ko nga sya pinansin kanina e. "Hey excuse me , d ka namin pinahiya. " Sabi ko "di naman pala ikaw pinahiya ni ms ganda babe" ani gangster , gangster nalang itatawag ko sakanya. Di ko alam name nya saka wala akong balak na alamin yon. "diba girlfriend moko babe? Ipaglaban moko" ani trixie , ang korni nitong babaeng to. "di naman kita girlfriend , m.u lang tayo" ani gangster sabay tingin sakin. napansin siguro nya na pinipigil ko tawa ko HAHAHA. "Oooooowwwww" sigaw ng mga studyante na nasa labas rin ng classroom. Agad na umalis si trixie. Napahiya nanaman sya jusqdai!

i love you nerd.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon