Chapter 56: Monthsarry
Max's POV
Simula noong nangyari yung pagyakap sakanya ni abby , di na sya nakikipag usap sa ibang babae. I mean nakikipag usap sya , pero saglit lang tapos iniiwasan nya rin ang lahat ng nagkakagusto sakanya , crushable naman pala 'tong boyfriend kong nerd.
Maaga pala ako nagising ngayon , dahil 4th monthsarry na namin ng boyfriend kong nerd , yes HAHAHAHA pero di parin alam ni mom. Dahil nangako ako sakanya e , buti nga si kuya di nagalit. Susunduin ako ni kenken mamaya maya. 8am palang , sabi nya maaga daw kami aalis dahil may pupuntahan kami. Gagala ata HAHA. Sabi nya rin sakin magdala daw ako ng kahit ilang damit. Kaya nagdala ako yung binigay nya sakin noong birthday ko. Yung dalawang dress tsaka yung isang oversized tshirt. Nagdala rin ako ng shorts syempre.
By the way , nandito ako ngayon sa unit ko. Si kuya nandon sa bahay , ayos lang naman sakanya na nandito ako sa unit ko e. Para san pa 'tong unit ko kung di ko rin titirahan diba kaya yon pumayag sya.
****
Magkasama na kami ni kenken , gamit yung car nya. Yung car na binigay sakin ni dad madalang ko lang gamitin , kapag hindi lang ako nasusundo ni kenken sa bahay dahil sa meron syang kelangang gawin.
haba ng byahe namin kaya natulog na muna ako , buti pala kumain muna ako sa bahay bago umalis. Kasi kung hindi baka nahimatay nako sa haba ng byahe na to. "San tayo pupunta ba kasi?" Sabi ko , excited na ako e. "Sa airport" sabi nya kaya nagulat ako. "S-san tayo pupunta , bakit pupunta tayo sa airport?" Utal na sabi ko dahil natatakot at kinakabahan ako , di kasi ako nagpaalam kay mom and kuya , baka magalit sila sakin pagkabalik ko. "Punta tayo el nido , sa beach. Nakapagdala ka ba ng damit mo?" Sabi nya kaya natuwa ako , san kaya yung el nido. Yun ba yung gatas ? Nido? Joke HAHAHA "oo , sabi mo e "
Kenken's POV
Bago ko sunduin si rea kanina , tinawagan ko muna yung stuff doon sa el nido , i have a very special surprise for her eh. Monthsarry namin ngayon , pinaayos ko na sakanila ang lahat. Para pag dating namin doon , deretso surprise na.
Ilang oras rin byahe papunta sa airport , at ito yung girlfriend ko tulog na tulog. Maya maya pa ay nandito na kami sa airport kaya ginising ko sya , yung lipad kasi ng airport is 2pm pero 1:30pm nandito na kami.
Nung ginising ko na sya dumeretso na kami sa loob then inayos lahat tapos deretso na sa airplane. Pagkapasok namin sa airplane natutulog nanaman sya , nakahawak sa kamay ko at nakasandal sa balikat ko. Nakaakbay ako sakanya habang tulog sya dahil baka bigla syang matumba , inaalalayan ko lang , antukin naman pala to e. Bakit di ko alam.
Nasa himpapawid na kami pero sya tulog parin. Kaya ginising ko sya para makita nya na nasa langit na kami HAHAHAHA joke , ginising ko sya para kumain , alam ko kasing gutom na to eh. Pagkatapos namin kumain nagpipicture sya. "Ken tara picture tayo" sabi nya , napasimangot ako "a-ayoko" sabi ko , kaya tinigil nya yung pagpipicture nya tapos biglang nanahimik. "T-tara na nga" pilit na sabi ko dahil ayoko talaga , nahihiya ako di ako mahilig magpicture pero pumayag ako kase bigla syang nalungkot.
BINABASA MO ANG
i love you nerd.
Teen Fictionit is the story of a woman who is obsessed with a nerd man that no matter what trial came to their relationship, they strengthened it , even more until max's ex boyfriend came back.