CHAPTER 1

92.8K 1.5K 168
                                    

ARIA

" Ate?"

" Hmm?" Tugon ko na 'di iminumulat ang mata.

" Atee?!" Tawag muli nito sa akin.

" Oh, ano?" Tugon ko na 'di pa rin iminumulat ang mata at nagtalukbong ng kumot.

" Ate ariaa! Gumising kana! Mali-late kana sa trabaho mo!" Inalog-alog nito ang katawan ko.

" Hays! Oo na yana, babangon na!" Tugon ko at na upo sa kama. Lumabas na rin ito at iniwanan ako.

Tanghali na naman akong nagising. Madaling araw na kasi akong nakauwi galing sa trabaho ko sa bar. Isa akong waitress doon, simula alas nueve ng gabi hanggang alauna ng umaga ang duty ko.

Hays, baka ma-late na naman ako nito. Madali akong bumangon at nagtungo sa banyo upang maligo, pagkatapos makaligo at magbihis ay agad na akong bumaba para naman makakain ng almusal.

" Good morning! Mama, papa." Lumapit ako sa mga ito para bumeso. Nasa hapag kainan na sila at kumakain ng almusal.

" Oh anak, aria tanghali ka na naman nagising mukhang pinapagod mo yata ang sarili mo sa kakatrabaho ah?" Alalang saad ni papa.

" Hindi naman po papa, at tsaka tuwing monday wednesday at friday lang naman ang trabaho ko roon eh." Pero minsan kahit linggo pumapasok pa rin ako, sayang din naman kasi ang kikitain ko.

Napansin kong napahinga ng malalim si papa at alam kong dahil 'yon sa wala siyang magawa para sa amin.

" Papa, nainom niyo na po ba ang gamot niyo para sa puso?" Pag-iiba ko na lang ng usapan.

" Mamaya anak pagkatapos kong kumain, iinom ako agad ng gamot. Basta anak, huwag mong pababayaan ang sarili mo sa kakatrabaho ha?

" Opo papa, tsaka ang lakas-lakas ko pa huwag kayong mag-alala sa'kin." Nginitian na lang ako nito ng mapait.— " May gamot pa ba kayo o kailangan na nating bumili ulit, papa?

" Paubos na rin 'yon anak sa susunod na araw. "

" Sige po papa, bibili ako agad pagsahod ko." Tumango na lang ito sa akin pero kita ko pa rin ang lungkot niya.

" Naalala ko anak, malapit na pala ang bayaran ng tuition fees nila yana at kins." Paalala ni mama. Hay hindi talaga ako puwedeng mapagod ngayon para sa kanila.

Tatlo pala kaming magkakapatid. Ako si yana at si kins ang bunso ng pamilya na kumukuha ng arkitekto. Si yana naman ay 3rd year college na sa nursing. Panganay ako sa aming tatlo, kaya noong maka-graduate ako ng college sa course na business administration. Agad akong tumulong sa pamilya namin, lalo na nga' t hindi na rin puwedeng magtrabaho si papa dahil sa kaniyang sakit. Ang totoo niyan hindi naman talaga naghihirap ang pamilya namin noon eh. Simple lamang ang buhay namin pero magaan at maalwan naman. Nahirapan lang talaga kami noong magkasakit na si papa sa puso at pabalik-balik na kami sa hospital dahil sa sakit niya. Doon rin nag-umpisang malugi ang hindi naming kalakihang negosyo na restaurant.

" Sige ho, ako po ang bahala diyan mama.— Oh, kayong dalawa. Mag-aral kayong mabuti ha?" Baling ko sa huli kay yana at kins.

" Opo ate, nag-aaral kaming mabuti para naman kapag naka-graduate na, makatulong kami agad sa'yo kahit paano." Tugon ng bunso naming si kins. Napangiti naman ako sa narinig ko.

" Huwag niyo nang alalahanin muna 'yon, basta mag-aral lang kayong mabuti. Oh siya aalis na ako at mali-late na talaga ako, eh." Sumubo pa ako ng kaunti bago tumayo sa kinauupuan ko. — " Ma, alis na po ako. Pa, 'yong gamot mo huwag kalimutang uminom, ah?" Paghalik sa noo at habilin ko pa sa huli.

" Ingat ka ate!"

" Sige anak ingat ka!"

Humabol pa ako ng mga halik sa pisngi sa dalawa kong kapatid bago ako tuluyang umalis. Sa kanila talaga ako kumukuha ng lakas upang makayanan ang mga trabaho ko sa araw-araw.

———

Sobrang nagmamadali na talaga ako, dahil nga mali-late na ako sa trabaho, kaya't madali akong pumara ng jeep at sumakay nito. Pagkadating ko sa harap ng building na pinapasukan kong bangko, nakahinga na rin ako ng maluwag dahil umabot pa ako sa oras. Oo nga pala, sa umaga nagtatrabaho naman ako bilang bank teller sa isang sikat na bangko rito sa bansa.

" Huy aria! Muntik kana naman ma-late!" Bungad na bati sa akin, stephanie. Agad naman akong nagmadaling maupo para ihanda na ang mga kailangan ko sa trabaho.

Si stephanie kaibigan at katrabaho ko rin. Iisang school lang ang pinanggalingan namin, nauna lang akong maka-graduate sa kaniya ng isang taon. Bank teller din siya rito pero sa'ming dalawa, siya talaga ang maalwan ang buhay kasi nag-iisang anak lang.

" Sabi ko naman kasi sayo aria, sumabay kana lang sa akin kapag papasok. Dadaanan na lang kita may kotse naman ako." Palagi niya talaga akong inaalok na sumabay sa kaniya pero nagdadahilan ako kasi kahit na magkaibigan kami ayoko pa rin na makaabala sa kaniya. At nahihiya rin ako.

" Ang totoo niyan steph, late na rin kasi akong nagising kanina eh, anong oras na kasi akong nakauwi kagabi." Pagdadahilan ko na totoo rin naman.

" Napakasipag mo talaga tapos minsan na raket ka pa sa pagmo-model. Hindi kaba napapagod, aria?"

Oo rumaraket din ako bilang modelo paminsan hmm ginagamit ko lang naman ang kabataan at natitira kong oras. Sayang din naman ang perang kikitain ko roon diba? Pambili na rin 'yon ng gamot ni papa.

" Hindi, kasi para naman 'yon sa pamilya ko lalo na kay papa, steph. Napakamahal pa naman ng gamot ngayon ano, kailangan kong magdoble kayod." Tumango-tango naman si steph sa nasabi ko.

" Sabagay, kaya hanga talaga ako sayo aria eh, kasi hindi ko yata kakayanin ang mga ginagawa mo, sa totoo lang. Ako ang napapagod sa'yo." Natawa naman ako rito.

" Hmm kapag nandiyan na ang problema wala ka nang magagawa steph, kundi kayanin. " Inaalala ko na lang ang pamilya ko para hindi ako mapagod. Masaya rin naman ako sa mga ginagawa ko para sa kanila.

" Sabagay, tama ka aria. "

" Oh, siya tama na nga ang drama natin steph, at magtrabaho na tayo."

Natawa na lamang sa' kin si stephanie at kapwa nag-simula nalang kami sa aming mga trabaho.

———

Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon