MIKA
Maaga kaming nakarating sa lugar kung saan ang building ng opisina ko. Hindi kasi traffic, mabuti na nga lang at hindi. Dahil baka lalo lang makadagdag sa init ng ulo ko ngayon 'yon. Nakakainit naman kasi talaga ng ulo ang pamimilit ng pamilya ko sa'kin. Lalo na ni lolo, pero anong magagawa ko eh, si lolo na 'yon. Iba kapag siya na ang nagsalita, kailangang seryosohin mo talaga mga sinasabi niya. Medyo strikto kasi si lolo, minsan nga mas takot pa ako sa kaniya kumpara sa'king ama. Hays! Ang dami-dami ko na ngang iniisip dinagdagan pa! Saan naman kaya ako hahanap ng matinong babae sa panahong 'to? Hindi rin naman puwedeng ipakilala ko na lang ang mga babaeng nakikilala ko sa mga party at bar na pinupuntahan ko.
" Good morning po, master!" Mula sa malalim na pag- iisip ko habang naglalakad papasok sa building ng kompanya'y napalingon ako sa mga empleyadong isa-isang bumabati sa'kin pero wala akong tugon sa kanila.
" Magandang umaga po sa inyo, master!" Ngiting bati ng isa pang empleyado pero wala pa rin akong imik dito. Nagpatuloy lang ako sa pagkalalakad patungo opisina ko.
" Ang sungit talaga kahit kailan!" Narinig ko 'yon. Hindi na bago sa' kin ang mga ganitong bulungan ng mga empleyado ng kompanya kaya't iniilingan ko na lang 'to.
Wala sa ugali ko ang maging palabati sa mga tao kahit pa sa empleyado ng kompanya namin kaya't hindi rin nakakapagtakang hindi malapit sa akin ang mga tao rito. Ang madalas ko ngang marinig eh, suplado, masungit at worst babaero. Well hindi ko naman sila masisisi sa huli. Bakit kasalanan ko bang pogi ako?
—————
TIME SKIP.
Habang abala ako sa mga papeless na kailangan ko ngayong tapusin at pirmahan. Dumating naman ang dalawa kong kaibigang sina cley at joey, mga anak mayaman din. Magkakaibigan ang pamilya namin kaya iisang school lang ang pinasukan namin noon. Graduate ng engineering si cley. Sa kaniya na pina-manage ng daddy niya ang kompanya nila, katulong ang sister at brother niya. Si joey naman graduate ng business administration nag-iisang anak lang din gaya ko pero tulad ni cley tumutulong na rin siya sa kumpanya nila. Ako naman graduate ng automotive engineering. Hilig ko ang mga kotse at motor kaya 'yon ang kinuha ko. At makikita 'yon sa dami ng collections ko sa bahay.
" Hoy! Pinag-uusapan ka ng mga emplayado mo tol, sa labas ah, ano bang nangyari sa'yo? Bungad agad ni joey at umakbay sa balikat ko.
" Oo nga, tol. Ang init daw ng ulo mo kanina pang umaga eh, 4pm na oh. Ang tagal naman mawala nang init ng ulo mo?" Dagdag ni cley na umupo sa gilid ng table ko pero kunot noo na tinitigan ko lang ang dalawa.
" Eh paano kasi mga, tol!" Biglang sulpot ni gabby sa pintuan ng opisina ko. Malamang kanina pa siyang nandoon at nakikinig lang.
" Nandito kana naman, gabo? Ano mang-iinis at mang-aasar?" Angil ko rito.
" Hindi ka pa ba sanay sa'kin pinsan? Palagi akong nandito may share rin kaya kami sa kumpanya niyo." Napatiim bagang ako dahil tama naman siya. Naiiling itong na upo sa may sofa at tila nang-aasar pa sa'kin.
" Hays! Oo na!"
" Wait, anong paano kasi? Ano 'yon?" Sabat ni cley.
" Ah, kaninang umaga kasi 'yong lolo ni pinsan, dinalaw sila sa mansyon. Tapos ayun nalaman na ginabi na naman siyang umuwi kagabi. So ayun inusisa na naman siya ni tito at Mr. Lim. Kilala niyo naman ang lolo ni pinsan diba, strikto?"
BINABASA MO ANG
Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision
Fanfiction" Huwag na huwag kang mai-in love sa'kin." - Mika " Huwag kang mag-alala, hinding-hindi ako mai-in love sa'yo!" - Aria Not a typical mikhaiah love story. WARNING : R-18 | INTERSEX Mature content strictly fictional. This story is not for everyo...