CHAPTER 21

65.2K 956 621
                                    

Nagising si aria na mabigat ang pakiramdam at masakit ang katawan nito. Hindi na rin nito alam kung paano pa siya nakauwi noong gabi pagkatapos na mayroong mangyari sa kanila ni mika, parang nawala rin siya sa ulirat nang gabing iyon. Bigla naman niyang naalala ang maiksing pag-uusap nila ni mika bago siya inihatid nito noong gabi.

" I'm sorry, alam kong na bigla kita. Galit kaba?" Alalang tanong ni mika sa kaniya matapos ang nangyari sa kanila nito ngunit nanatiling tahimik lamang siya. Lalo namang nag-alala rito ang isa. - " Nagsisisi ka ba?" Tanong muli nito sa kaniya at dahan-dahang hinawakan ang kamay niya kaya't napabaling siya rito.

" Hindi mika, masyado lang akong nabibilisan sa mga pangyayari." Naiiling niyang tugon dito at napahawak sa noo.

Naalala rin ni aria ang mga detalye na nangyari sa kanila ni mika noong gabi, kaya't napatapik noo ito at pikit ng mata.

" Aaahhh!!!" Sigaw ni aria habang napapasipa ito sa kama.

" Aria! Anong ginawa mo?! Gaga ka talaga! Bakit ka bumigay agad?!" Patuloy nitong pagtuktok sa noo.

Narinig naman ni yana ang pagsigaw ni aria ng napakalakas kaya't madali itong umakyat upang tingnan ang panganay na kapatid.

" Ate? Anong nangyari, na paano ka?" Bungad ni yana sa kaniya na tila nag-aalala pagkat naabutan siya nitong tinutuktok pa rin ang noo.

" Wa- Wala yana, na kagat ko lang ang dila ko."

" Huh? Sigurado ka ba, ate?" Taka at kunot na tanong nito.

" Oo, yana."

" Okay sige, baba kana rin daw sabi nila mama, at baka ma-late kana sa trabaho mo, eh. " Saad nito sa kaniya bagod tumalikod.

" Sige yana, susunod na ako. Maliligo lang ako. "

Pagkatapos maligo at mag-asikaso ng sarili ay bumaba na rin agad si aria ng kuwarto para saluhan sa agahan ang pamilya.

" Good morning ma, pa!" Masayang bati niya habang palihim na pinagmamasdan siya ng dalawang kapatid.

" Oh, good morning anak. Mukhang matamlay ka yata? Masama ba ang pakiramdam mo?" Sandaling natigilan si aria sa tanong ng ina.

" Uhm medyo lang po, mama. " Nakayukong tugon niya, pagkat naaalala pa rin niya ang mga nangyari sa kanila ni mika noong gabi.

" Ganun, ba? Hmm uminom kana ba ng gamot? Kumain kana para makainom ka." Sabat ng ama at uwang nito ng upuan sa tabi para sa anak.

" Sige, po." Maiksing tugon na lamang niya at naupo.

" Pero ate, sa lahat ng masama ang pakiramdam. Ikaw yata ang mukhang blooming. Anong meron?" Usisa at asar ni yana.

" Oo nga ate, hindi halatang masama ang pakiramdam mo, ah." Paggatong ng bunso nilang si kins.

" Huh, anong meron? Wala ano!" Mabilis niyang tanggi na kinatawa ng mga kapatid. - " Ewan ko sa inyo!" Angil niya sa dalawa at inirapan na lamang sa huli. - " Nga pala papa, bukas na po ang schedule ng operation niyo ah, huwag na kayong magpapagod." Pag-iiba nito ng usapan.

" Ang bilis ng pag-shift ate, ah." Asar muli ni yana na ginatungan pa ng tawa ni kins at kinailing na lang ng ulo ng ama't-ina pagkat sanay na ang mga ito sa asaran ng tatlo. Wala namang magawa si aria kundi tanggapin ang pang-aasar ng pangalawang kapatid at irapan ito sa huli.

" Sige, anak. Oh siya bilisan mo na ang pagkain at baka ma-late ka pa."

" Opo, papa. "

Bagamat na may isipin si aria sa mga nangyari sa kaniya ay masaya ito pagkat sa wakas ay sasalang na sa operasyon ang ama at mababawasan na ang problema ng kanilang pamilya.

Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon