CHAPTER 20 ⚠️🔞

102K 1.1K 1.4K
                                    

Pagkatapos ng maraming mga gabi na palaging lumalabas na magkasama sila aria at mika ay dalawang araw na itong biglang na hinto dahil na rin ito kay aria. Sa tuwing tatawagan at makakatanggap ito ng mensahe galing kay mika ay hindi niya ito sinasagot. Gayon din ang mga paghatid at sundo sa kaniya ni danny ay iniwasan niya rin muna. Nakahiga pa rin ngayon si aria sa kaniyang kama at kanina pa ito gising ngunit tila walang ganang pumasok sa trabaho. Sa isipan niya'y masyado na yata silang nagiging malapit at komportable ni mika sa isa't-isa at kung palagi silang magkikita at magkasama ay hindi maiiwasang mahulog ang loob niya rito kaya't habang maaga pa ay iwasan na ito.

" Oh, hanggang kailan mo naman siya iiwasan ha, mariah? Tandaan mo binabayaran kapa rin niya para magpanggap na girlfriend niya hays! Anong gagawin mo ngayon?! Hindi, hindi ako puwedeng mahulog sa kaniya, hindi puwede!" Nakatingila ang ulo nito at nakatingin sa kesame ng kuwarto niya at paulit-ulit na kinakausap ang sarili at litong-lito, kung ano ba ang dapat niyang gawin. - " Babaero 'yon aria at hindi siya marunong magmahal, tandaan mo rin 'yon!" Napahawak ito sa noo at hindi namalayang napaluha.

Dalawang araw na ring palagiang tila mainit ang ulo ni mika na pumapasok sa opisina nito at lahat ng tao roon ay apektado na.

" Sinabi ko na sa inyo! Ayusin niyo ang mga trabaho niyo?!" Sigaw ni mika sa loob ng meeting room na kahit ang mga tao sa labas ng kuwarto ay rinig din ang kaniyang boses.

" Nakailang ulit na po kami rito sa pinapagawa niyo ceo pero hanggang ngayon wala pa ring pumapasang trabaho namin sa inyo." Katuwiran ng isang tao niya. Tila lalo namang nag-init ang kaniyang ulo at dugo.

" Hindi ko ipapaulit 'yan sa inyo kung maayos ang mga gawa niyo! A- Ano bang klaseng mga tao ang nag-hire sa inyo sa kompanyang 'to at simpleng trabaho hindi niyo magawa! Ulitin niyo 'yan! At huwag na huwag niyong ibabalik sa akin na hindi maayos 'yan!" Hagis nito sa hawak na mga papel na lalong kinatakot ng mga tao sa paligid niya.

" Yes, master! Uulitin nalang namin 'to." Yukong saad ng isa pang empleyado at dinampot ang mga papel sa sahig.

" Sige, magsilayas na kayong lahat sa harap ko!" Padabog nitong ibinalibag ang swivel chair. - " Alicee!!!" Agad na pumasok ang sekretarya niya sa meeting room nang marinig ang kaniyang sigaw.

" Ma- Master?"

" Sabihan mo si danny na pinapatawag ko siya." Agad din itong tumalikod sa sekretarya at lumabas ng kuwarto at isinarado ng pabalibag ang pinto.

" Yes, master! - Ang init naman ng ulo." Bulong ni alice sa huli pagkat ilang araw niya nang sinasalo ang galit ng amo.

Naabutan ni danny ang among nakatayo at nakatalikod na tila malilam ang iniisip dahil layo ng tingin nito sa labas ng malaking salamin ng bintana.

" Master, ipinapatawag niyo raw po ako?" Yukong saad niya at agad itong humarap sa kaniya at ipinatong ang babasaging baso na may lamang alak sa lamesa.

" Naabutan mo ba si aria, sa kanila?"

" Pasensya na master, pero maaga na po akong pumunta sa kanila kanina at hindi ko pa rin siya naabutan. Mukhang umiiwas po talaga si ma'am, aria." Nakayuko pa rin ang bodyguard pagkat hindi maganda ang balita niya sa amo. Napailing at hawak ng ulo si mika sa narinig at nagbanggaan ang mga panga nito.

" Sige, makakaalis kana." Nakapamaywang nitong utos.

" Master." Payukong paalam ni danny bago tumalikod sa amo na alam niyang dismayado sa narinig.

" Iniiwasan mo ba ako, aria? Ano ba'ng maling ginawa ko?" Napapaisip ito dahil ilang beses niya nang sinubukang tawagan ang babae ngunit wala itong tugon. - " Bakit?" Sambit niyang tila mababaliw na sa pag-iisip.

Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon