THE NEXT DAY.
Nagising si mika sa kirot ng kaniyang kanang kamay, nakabalot pa rin ito sa puting panyo. Hinayaan niya lamang ito noong gabi at hindi ito ginamot. Pagkatanggal niya sa nakabalot dito ay nakitang may butong medyo nakausli kaya't hinila nito ang daliri upang ibalik sa dating puwesto. Dahil sa matinding sakit na naramdaman ay napasigaw naman ito.
" Agghh, f*ck! Tanginang lalakeng 'yon. Anong klaseng mukha ang meron 'yon at nabaliaan ako?" Mahinang saad nito sa sarili.
Pagkatapos makapag-ayos ng sarili ay maagang umalis ng mansyon si mika para tumungo sa kompanya dahil doon na lamang niya napagdesisyonang ipatingin na muna ang lagay ng kamay nito.
" Oh mika, napadalaw ka?" Tanong ng doctor pagpasok nito sa clinic niya at maabutan ang kaibigan.
" Ipapatingin ko lang 'tong kamay ko, reign." Inangat pa ni mika ang kamay na nakabalot pa rin ng tela.
" Bakit, ano ba'ng nangyari dito?" Usisa nito sa kaniya pero nanatili lamang siyang tahimik na kinailing na lang ng doctor. - " Patingin nga. " Pagkuha na lamang ni reign sa kamay niya. - " Hmm mukhang nabalian ka yata ng daliri mika, pero kailangang ma-x-ray muna 'to para malaman natin kung kailangan bang operahan o hindi. Sa ngayon gagamutin ko na lang muna ang sugat mo. Pumunta ka bukas sa hospital para ma-check ko 'to nang mas mabuti." Tumango naman dito si mika bilang tugon.
Habang ginagamot ni reign ang sugat ni mika ay mayro'ng pumasok naman sa loob ng clinic na agad kinakunot ng noo ni mika at salubong ng kilay.
" Tol, mika." Bungad nito sa kaibigan na ngiming lumapit.
" Ano'ng ginagawa mo rito?" Masungit na tungo nito sa kaniya.
" Hinanap kita sa office mo, sabi ng secretary mo nasa clinic ka raw kaya pinuntahan kita rito." Umupo ito sa mahabang sofa, tahimik namang nakikinig at nag-oobserba lang ang doctor sa kanila.
" Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo, cley." Salubong pa rin ang makapal na kilay nito.
" Alam ko, kaya nga nandito ako para humingi ng sorry sa'yo, tol. Nagbibiro lang talaga ako, hindi ko naman alam na siseryosohin mo mga sinabi ko." Paliwanag ni cley ngunit tinitigan lamang ito ng kaibigan. - " Look mika, matagal na tayong magkaibigan, magkababata pa nga diba? Kailan ba kita tinalo? Kilala mo ako, tol."
" Dapat lang cley, mas kilala mo ako." Tila may banta sa tuno ni mika na agad nakuha ni cley kaya't napahingang malalim at tango na lang ito.
" So, okay na ba tayo tol, hmm?" Tanong muli ni cley na tanging tango lang din ang itinugon sa kaniya ni mika at nagkaintindihan na ang dalawa. - " Ano nga pa lang ginagawa mo rito?"
" Pinapa-check lang ni mika ang kamay niya." Sabat naman ng doctor na si reign.
" Bakit, napaano ba yan, tol? Napaaway ka? Kailan?" Sunod-sunod na tanong usisa ni cley pagkat wala itong ideya sa mga nangyari sa kaibigan nitong huli.
" Wala! Nabangga ko lang sa pinto!" Tugon nito sabay iwas ng tingin sa kaniya na kinailing at ngiti ng kaibigang doctor. - " Ano, tapos na ba doc?"
" Oo, tapos na, basta bukas dumaan ka sa hospital, ah?" Paalala ni reign na tango lamang ulit ang itinugon ni mika at agad na tumayo para lumabas ng clinic.
Kapwa napabaling ng tingin sa isa't-isa si cley at reign na mayro'ng tilang tanong sa isip sa pag-alis ni mika.
" Tindi naman nang pagkakabangga niya sa pinto, doc?" Mayro'ng pagtataka ngunit may laman ding biro ni cley. Natawa naman sa kaniya ang doctor.
----
TIME SKIP.
Abala si aria sa mga trabaho niya sa kusina nang lapitan ito sa likuran ng katrabaho.
BINABASA MO ANG
Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision
Fanfiction" Huwag na huwag kang mai-in love sa'kin." - Mika " Huwag kang mag-alala, hinding-hindi ako mai-in love sa'yo!" - Aria Not a typical mikhaiah love story. WARNING : R-18 | INTERSEX Mature content strictly fictional. This story is not for everyo...