CHAPTER 16

36.6K 818 380
                                    

Umaga ngayong araw sa bahay ng mga arceta masaya at maganda ang gising ng dalagang si aria, hindi nito maintindihan kung bakit magaan ang pakiramdam niya ngayon tila nawala lahat ng bigat at sama ng loob nito kay mika. Siguro dahil humingi na ito ng tawad sa kaniya sa mga nagawa nito. Maaga rin nag-asikaso ito para sa lakad nila ni mika dahil pagkahatid nito sa kaniya noong gabi ay sinabihan siya nito na maaga siyang susunduin kinabukasan dahil gusto silang makita ng lolo ni mika.

" Good morning!"

" Anak, gising kana pala halika at kumain." Bati ng ina ni aria.

" Oh kumusta anak may lakad kaba? Tanong ng ama ni aria dahil mukhang bihis na bihis ang anak.

" Opo papa." Ngiting tugon ng dalaga.

" Aba.. mukhang magandang ang gising ni ate ah." Biro ni kins dito.

" Oo nga ate, ang saya mo ngayon. May date ka?" Si yana makahulugan ang tanong.

" Anong date? Wala akong date. "

" Sus! Bakit ang ganda mo ngayon, tapos bihis na bihis kapa?" Kantyaw ni yana.

" Kailangan ba may dahilan para magpaganda o maging maganda ha?" Mataray niyang depensa.

" Basta ate kung ano man yan support kita diyan." Sabat ni kins.

" Ako rin ate support kita diyan." Dagdag pa ni yana ngunit napailing nalang si aria.

" Kayo talaga ang aga aga ate niyo na naman nakita niyo." Awat ng ama sa mga ito.

" Anak tumawag na pala yung doctor ni papa mo nangangamusta at tinatanong rin kung kailangan tayo magiging handa para sa operasyon ng papa mo." Sabat ng ina nito.

" Sige po mama pinagiipunan ko na po yung para sa operasyon ni papa at gagawan ko rin po ng paraan na mas mapaaga yung operation ni papa. Basta pa huwag ka ng magpapagod ha at huwag ng matigas ang ulo magpalakas po kayo para hindi kayo mahirapan sa operasyon nyo.

" Oo anak salamat sayo."

Maya maya pa ay nakatanggap na ng text si aria na dumating na si mika at sa kanto nila ay naghihintay na ito.

" Sige po ma, pa alis na po muna ako oh yana, kins kayo ng bahala kay papa ha?

" Yes ate! Ingat ka at good luck sa date! Biro ni yana ngunit inirapan lang ito ni aria

" Ingat anak!

" Opo bye!

---

Sa kanto nila aria napagpasyahan ni mika na sa labas nalang ng kotse niya maghintay sa dalaga.

" Hi sorry ang tagal ko ba? Tanong ni aria habang nakasandal si mika sa kotse niya.

Sandaling pinagmasdan ito ni mika ang ganda nito sa suot niyang white floral mini dress at white shoes snickers.

" Hindi naman kararating ko lang rin."

Napansin naman ni aria na ibang kotse ang dala ni mika. Isa itong jeep wrangler na white color na bumagay sa suot ni mika na brown longsleeve at black trousers. Napansin din ng dalaga na hindi nito kasama ang mga bodyguard.

" Uhm nasaan pala ang mga bodyguard mo parang wala yata sila?" Lingon ni aria sa palligid.

" Ah, nandyan lang sila nakasunod sa'tin."

" Hmm okay magda-drive ka?"

" Yes! Bakit?

" Wala lang hindi lang siguro ako sanay by the way ang gwapo po mo today. " Sabi ng dalaga at napangiti naman si mika dahil dito.

" Hmm okay, maganda rin kasi yung pasahero ko." Sagot ni mika habang nakangiti pa rin ito.

" Tara? Baka anong oras na tayo makarating doon, medyo malayo pa ang biyahe." Aya ni mika at inalalayan ang babae sa pagsakay ng kotse.

Tahimik lang ang biyahe ng dalawa dahil kapwa nilang kinakapa ang ugali ng isa't-isa hanggang sa na-traffic na sila sa daan.

" Tsk! Hays! Traffic pa!" Mahinang sambit ni mika habang naiiling ito. Napalingon naman sa kaniya ang babae.

" Dapat kasi hindi kana lang nag-drive mika, mapapagod ka niyan."

" Okay lang naman." Tugon ni mika habang ibinabanat ang kanang kamay nito.

" Masakit pa rin ba?" Mayroong pag-aalala sa boses at mukha ni aria.

" Hindi naman nangangalay lang."

" See? Sabi ko sa'yo dapat hindi kana lang nag-drive, tapos ang layo pa ng biyahe natin.

" Gusto kasi kitang masolo eh."

" Huh?" Gulat na relasyon ni aria sa narinig.

" I mean makausap para magkakilala tayong mabuti."

" Ano ba'ng sinasabi mo mika lim?!"

" Kapag may na daanan pala tayong grocery store. Stop muna tayo sandali, bibili lang akong pasalubong para sa lolo mo." Pag-iiba ng usapan ni aria at ibinaling ang mata sa daan.

" Sige. " Saglit pang tinitigan ni mika si aria bago ibinaling ang mga mata sa pagmamaneho.

Maya-maya ay mayroong nadaanan na rin silang grocery store kaya't tumigil na muna sila rito. Sa loob ng grocey store ay tahimik lang na sinusundan ni mika si aria kung saan pupunta pagkat naaaliw siyang titigan ito.

" Doon muna ako aria, may titingnan lang ako." Paalam ni mika para tumingin din ng puwedeng ipasalubong sa matandang lim.

" Okay sige, mika. "

Habang umiikot si aria at namimili ito ay may lalakeng kanina pang panay ang sunod at malagkit kung makatingin sa kaniya. Sa hindi kalayuan naman ay hindi tinatanggal ni mika ang mga mata sa babae kaya't agad nitong nakita at napansin ang ginagawa ng lalake. Mabilis itong lumakad para lapitan si aria at sinitahin ang lalake.

" Hoy! Bakit ganyan ka makatingin sa girlfriend ko? Tusukin ko mata mo eh! Pagduro pa ni mika dito.

" Mika?" Gulat na paglingon ni aria at agad na kinuha nito ang kanang kamay niya para ilayo sa lalake. — " Ano kaba?!" Saway niya rito dahil sa hiya.

" Gago eh!" Akmang lalapitan pa ito ni mika ngunit hinila ni aria ang kamay niya. Ang lalake naman ay napaatras.

" Mika, ano ba?!" Kung hindi ito inawat ni aria ay mayroong kalalagyan ang lalake ngayon.

" Sorry!" Nakayukong sabi ng lalake habang hindi pa rin nawawala ang mata ni mika rito na ang bagang ngayon ay nagbabanggaan.

" Pasensya na rin po." Yukong paumanhin ni aria. — " Halika na nga bayaran nalang natin to!" Iritang saad ni aria at hinila ang kamay ni mika na ang mata ay nasa lalake pa rin.

Dahil sa nangyari sa grocery store ay lalong naging tahimik ang biyahe ng dalawa hanggang sa maisipang magsalita ni aria.

" Hindi ko gusto ang ginawa mo kanina mika, paano mo nasabing sa akin nakatingin ang tao? Nakakakahiya eh!"

" Nakita mismo ng dalawa kong mata aria kung paano ka hubaran ng tingin noong lalakeng 'yon." Mataas na tunong tugon ni mika.

" Nag-oover react ka lang, mika!" Napahawak sa noo niya si aria dahil sa inis.

" Edi overreacting na kung overreacting!" Lalong tumaas ang tuno ng boses ni mika ngunit tinitigan lamang siya ni aria at napapailing.

" Hays! Okay okay I'm sorry! Mali na ako. "

Hanggang sa makarating sila sa hacienda ng lolo ni mika sa batangas ay hindi na ito muling kinibo ni aria.

———

Pinilit ko lang mag ud ngayon hehe

Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon