ARIA
Pagkarating ko sa lugar hinanap ko na agad si mayi kung nasaan ito. Siya naman din kasi ang dahilan kung bakit ako nandito. Kailangan naming magkausap at magkita na muna para malaman ko kung ano ba ang mga gagawin. Tinanggap ko na 'tong offer niya sa'kin dahil isa siya sa mga photographer dito sa car show at tsaka disente naman ang event pati na rin ang mga ipapasuot nila sa aming mga modelo. Maya-maya lang at nakita ko na sila mayi, kasama nito si gabby ang girlfriend/boyfriend niya. Oo tama kayo ng narinig dahil based sa kilos at pananamit ni gabby, isa siyang masc. Nagkakilala rin sila noon sa school. Architect din siya at anak mayaman. Sa pagkakaalam ko pa nga eh, kilalang tao ang mga kamag-anak niya. Niligawan ni gabby si mayi noong pagka-graduate namin ng college. Ayaw kasi ni mayi na magpaligaw hanggat hindi sila nakaka-graduate na dalawa, pero mabilis din namang sinagot ni mayi si gabby noong pinayagan niya na itong manligaw dahil matagal na rin naman silang magkakilala.— Kinawayan ko ang dalawa sa malayo at agad naman akong nakita nila. Mabilis akong lumakad para makalapit sa kanila.
" Mabuti naman at hindi ka naligaw? Akala ko mahihirapan ka pang hanapin 'tong place aria, eh." Akala yata ni mayi eh, college pa rin kami na palagi akong naliligaw.
" Hindi naman mahirap hanapin 'tong lugar, mayi." Tugon ko at bumeso sa kaniya. — " Hi! Gabby, kumusta?" Baling ko sa katabi niya.
" Okay lang pogi pa rin naman, aria." Ito naman ang lumapit sa'kin at bumeso.
" Tss bigla yatang lumakas ang hangin dito. Hindi ka pa rin talaga nagbabago gabby. Kailan kaya magigising itong si mayi, sa'yo?" Natatawa at naiiling kong saad.
" Hays! Imposible 'yan aria, poging-pogi kaya sa'kin 'tong bestfriend mo." Hirit na biro ulit nito. Kinurot naman ito ni mayi sa tagiliran.
" Tama ka na nga babe, mamaya may makarinig sa' yo. Akala totoo at maniwala pa." Saway ni mayi. Lumapit naman dito ang kasintahan at yumakap sa baywang niya. Hays nakakainggit talaga ang dalawang 'to. Ang sweet na at swerte pa ni mayi kay gabby. Sobrang understanding at haba ng pasensiya nito sa kaniya.
" Sus totoo naman, babe." Pagyakap pa ng mahigpit ni gabby kay mayi na sinagot nito ng halik sa pisngi niya. Medyo naiinis na ako, ang sweet talaga nila.
" Uhm saan pala tayo, mayi?" Bago ko pa hindi kayanin ang pagiging sweet ng dalawang 'to.
" Ah, doon sa likod aria, bihis kana muna. After nun tsaka ka sasabihan ng mga gagawin mo."
" Okay sige, sasamahan mo ba ako?"
" Aba syempre. Ako nagdala sa'yo rito, eh." Pakunwari na pagtataray nito.
" Okay, akala ko makikipaglandian ka lang kay gabby rito eh." Taas kilay kong biro.
" Hmm if I know naiinggit ka lang. Ayaw mo lang aminin. Mag-boyfriend ka na kasi." Balik nitong pang-aasar sa'kin. Ang jowa naman nitong si gabby ay natatawa lang sa'min habang nakayakap pa rin sa baywang niya.
" Hindi pa, puwede! Hi- Hindi 'yon kasama sa priorities ko." Ngayon pa na kailangan ako ng mga kapatid ko at ni papa. Hindi ako puwedeng ma-in love.
" Sus puwede naman 'yang pagsabayin kung gusto mo." Minsan makulit din 'tong si mayi pero alam ko namang gusto niya lang akong makitang masaya lalo na at nakikita niyang sobrang focus ko sa trabaho at family.
BINABASA MO ANG
Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision
Fanfiction" Huwag na huwag kang mai-in love sa'kin." - Mika " Huwag kang mag-alala, hinding-hindi ako mai-in love sa'yo!" - Aria Not a typical mikhaiah love story. WARNING : R-18 | INTERSEX Mature content strictly fictional. This story is not for everyo...