CHAPTER 33

43.4K 628 422
                                    

Tatlong araw pang nanatili ang mag-asawang lim sa boracay para sa kanilang honeymoon. Na pilit naman ni aria ang kaibigang si mayi na manatili at huwag na munang umuwi ng manila at makipag-usap ng maayos sa kasintahan nitong si gabby. Subalit hindi pa rin naayos ng magkasintahan ang problema sa kanilang relasyon kahit natapos na ang buong bakasyon nila sa nasabing lugar. Unang umalis kasi ang mga ito at huli na ang mag-asawang lim dahil naka-private plane naman sila. Ang mga magulang naman ng mag-asawa, kasama ang lolo ni mika ay parehong bumalik ng manila kinabukasan pagkatapos nang kasal. Nasa daan na ngayon ang mag-asawa pauwi sa mansyon ng mga lim. Nang hindi makatiis si aria na buksan ang usapin tungkol sa magkasintahang mayi at gabby.

" Love, naaawa talaga ako kay mayi." Habang nakayakap si aria sa asawa at tumingala rito.

"  Hmm." Pagbaba ng tingin ni mika kay aria.

" Eh, kasi noong araw palang ng kasal natin. May na kuwento sa'kin si mayi, pakiramdam niya may iba si gabby." Bahagyang napakagat ng labi si mika sa narinig at napatitig lalo sa asawa.

" Nakita ba talaga ni mayi, ang picture na may kasamang babae si gabby? Baka kaibigan lang naman 'yon ni gabo." Naisip ni mika na kahit mayroong siyang nalalaman ay hindi niya puwedeng pangunahan ang pinsan.

" Nakita niya nga raw talaga ang picture love, kaso saglit lang. Nakuha kasi agad ni gabby ang phone niya pero love, malakas talaga ang pakiramdam ni mayi na niloloko siya nang pinsan mo." Sandaling napaiwas ng tingin si mika sa asawa.

" Kilala ko 'yan si gabby, hindi 'yon maloko. Siya pa nga ang pinakamatino sa amin, eh." Tinitigan ni aria ang asawa na tila binabasa ito.

" Love, wala ba talagang na kuwento sa'yo si gabby? Mag-cousin at mag-bestfriend pa kayo, imposibleng wala siyang na kuwento sa'yo?" Muling pagtitig ng matindi no aria sa asawa.

" W- Wala naman, love." Umiiling na pagtanggi ni mika sa asawa at nakaramdam ito ng konsensiya.

" Hmm okay, pero puwede bang kausapin mo si gabby, para sa akin love? Malakas talaga ang kutob ni mayi, diyan sa pinsan mo, eh." Napabuntong hininga si mika sa nais ng asawa.

" Sige po kakausapin ko siya para hindi kana ma-stress diyan, baka ma-stress din si baby sa tiyan mo niyan, eh." Pagbiro na lamang ni mika at niyakap ng mahigpit si aria.

" Thank you, love." Lambing pa ni aria sa asawa at hinalikan ito sa pisngi. — " Kaya ikaw, ha?! Siguraduhin mo lang na hindi ka maliligaw ng ibang bahay! Dahil lalayasan talaga kita, mika lim." Pinisil ni aria ang ulong ng asawa at isiniksik ang mukha niya sa leeg nito.

" Sabi ko na nga ba madadamay ako, nanahimik na nga ako rito, hays! Kasalanan mo 'to gabby!" Tinawanan lang naman si mika ng asawa niya sa pagrereklamo nito at nailing nalang siya sa huli.

Sandaling napatitig si mika sa asawang nakasiksik pa rin ang mukha sa leeg niya at mayroong naalala.

" Baby?"

" Hmm?" Muling napaangat ang ulo ni aria malambing na tawag ni mika.

" Baka puwede ka nang mag-resign sa trabaho mo?" kumunot ang noo ni aria sa narinig.

" Huh? Bakit, love?"

" Mag-asawa na tayo baby, tapos buntis kapa ngayon, tsaka kaya ko namang mag-provide para sa'yo." Napaayos ng upo si aria sa narinig.

" Mika, alam kong kaya mo akong buhayin, pero alam mo rin diba na nag-aaral pa ang mga kapatid ko, tapos may maintenance pa si papa. Hindi naman porket may asawa na ako pababayaan ko na sila."

" Hindi naman natin sila pababayaan, kaya nga nandito ako diba? Nangako rin ako sa papa mo na hindi natin sila pababayaan. Ako nang bahala do'n." Napailing ng ulo si aria sa huling narinig.

Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon