CHAPTER 18

38.3K 805 77
                                    

Umaga sa mansyon ng mga lim dalawang araw matapos nang huling dalhin ni mika. Ang dalagang si aria sa hacienda ng lolo nito sa batangas.

" Si daddy?" Bungad na tanong ni mika sa ina.

" Ahh maagang umalis anak, may importanteng meeting daw siyang pupuntahan. "

" Hmm okay. " Pagtango na lamang ni mika sa ina at akmang tatalikod na sana rito.

" Anak, can we talk. Kahit saglit lang? Matagal-tagal na rin tayo hindi nagkakausap eh."

" Huwag ngayon mom, marami pa akong gagawin sa opisina eh. Sige ho, alis na ako. " Mabilis itong tumalikod sa ina.

" Sige anak, mag-iingat ka." Tanging tugon na lamang nito pagkat hindi man lang ito nilingon ng anak.

TIME SKIP.

Habang abala si mika sa mga trabaho niya sa opisina ay dumating naman ang pinsan nitong si gabby.

" Pinsan, busing-busy ka naman. " Bungad na bati nito na nagpataas ng kilay ni mika.

" Ano na naman ang ginagawa mo rito gabby? Medyo maaga pa para maggala ka ah, wala ka bang trabaho? Sandali pa itong sumipat ng tingin sa relo.

" Meron, pero pinakisuyuan kasi ako ni tita na kumustahin daw kita, para sa kaniya eh." Muling napataas kilay ni mika sa narinig at napatitig kay gabby.

" kumustahin? Palagi naman kami magkasama sa bahay." Seryosong usap nito.

" Oo nga pinsan, magkasama nga kayo sa iisang bahay pero hindi mo naman magawang tingnan o kausapin man lang si tita. "

" Wala naman akong sasabihin sa kaniya, gabby." Pasandal ito sa litanya ng pinsan.

" Hmm pinsan, hanggang ngayon ba hindi mo pa rin nakakalimutan 'yon? Napakatagal na noon ah, siguro naman panahon na para—

" Yung napakatagal na 'yon, gab! Nandito pa rin sa utak at isip ko hanggang ngayon! Malinaw na malinaw pa! Galit na pagputol ni mika sa sasabihin pa sana ni gabby. Kahit na tahimik ito sa sambulat niya at napaatras.

" Kung wala ka nang sasabihin, puwede ka na umalis gabby, marami pa akong gagawin. " Naiiling itong muli itinuon ang pansin sa trabaho.

" Pero, pinsan—

" Please, gabrielle! Utang na loob huwag ngayon! Singhal nito na nagpatigil muli sa pinsan.

" Sige mika, I'm sorry maiwan na kita." Naiiling na lang ito na lumabas ng opisina ni mika.

———

Sa gitna ng paglalakad ni aria, sa kanto ng bahay nila ay napatigil ito pagkat may isang lalake ang nakapukaw ng kaniyang atensyon na familiar ang mukha. Papasok na sana ang dalaga sa trabaho ngayong umaga.

" Danny? Ngiting bati ni aria rito.

" Mam aria, good morning po."

" Good morning rin sayo danny, anong ginagawa mo pala rito? Wala naman po akong naaalalang magkikita kami ni mika, ngayon ah? Tanong nito na tila iniisip kung may nakaligtaan ba siyang usapan nila ni mika.

" Yes mam, wala po talaga pero napag-utusan lang po ako ni master, na sunduin kayo para ihatid sa trabaho niyo ngayon."

" Huh? Bakit, ho? Hindi naman po kailangan." Naiilang at nahihiyang saad ni aria.

" Hindi ko rin po alam mam eh, basta ang gusto ni master, sunduin kayo at maging safe sa pagpasok niyo ngayon. Sige mam, sakay na po kayo. " Agad na kumilos si danny at pinagbuksan ng pinto ang dalaga.

Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon