CHAPTER 28

37.5K 700 490
                                    

Nakita ni elaine na umalis si mika sakay ng motor nito. Naiwan naman anak sa labas ng bahay nila na tila malungkot.

" Nakapag-usap na ba kayo nang maayos ni mika, anak?" Biglang salita nito sa likuran ni aria kaya't napalingon.

" Opo mama, tinapos ko lang kung anumang meron sa aming dalawa." Mayroong lungkot din sa tinig ni aria.

" Nasaktan ka ba niya hmm? Saan ba ang masakit? Dito ba?" Pagturo ni elaine sa kaliwang dibdib ng anak at umupo sa tabi nito.

Ngunit natahimik lamang si aria at yumakap sa kaniya kasabay ng pangingilid ng mga luha nito sa mata.

" Alam mo noong magkasintahan pa lang kami ng papa mo maraming beses din kaming muntikang maghiwalay, maraming beses din na hindi niya sinasadyang masaktan ako. Hindi lang siguro katulad ng sakit na binigay sa'yo ni mika, anak. " Napatingala ng tingin si aria sa ina sa narinig dito.

" Paano niyo po napapatawad si papa?" Napangiti si elaine sa tanong ng anak at hinawi ang mahabang buhok nito sa puno ng tenga.

" Hmm naisip ko noon kasi kapag nagmahal ka hindi maiiwasang masaktan ka at masaktan mo siya dahil ang pagmamahal anak. Hindi lang puro love, hindi lang puro saya. May mga time nga na ayaw niyo na sa isa't-isa pero hindi ibig sabihin noon na hindi mo na siya mahal." Kumunot ang noo ni aria sa huling narinig.

" Pero mama, diba kapag mahal mo. Hindi mo dapat sinasaktan?"

" Oo anak, pero depende kung sinadya niya ba 'yon o hindi, kasi wala namang perpektong tao. Kahit ikaw, hindi rin. Pipili kana lang talaga ng mamahalin mo na kahit masakit na, pipiliin at pipiliin mo pa rin at tatanggapin ito sa huli. Pero dapat pareho kayong lumalaban." Sandaling napaiwas ng tingin si aria sa ina.

" Natatakot po ako mama, na kapag pinatawad ko siya. Masaktan ako ulit." Inangat ni elaine ang mukha ng dalaga at tinitigan ito sa mata.

" Doon papasok ang tanong anak, kung kaya mo bang mabuhay nang wala siya at makitang masaya siya sa iba?" Napaisip si aria sa narinig. — " Minsan, kailangan mo nalang talagang subukan para kung anuman ang mangyari, wala kang what if. At pagsisihan sa huli, kasi sinubukan mo, sinubukan niyo, anak." Napatikom lamang ang bibig ni aria ngunit tumatak ang sinabi ng ina sa kaniya. — " Halika nga ritong bata ka, kung mahal niyo talaga ang isa't-isa. Huwag niyo na pahirapan ang inyong sarili. " Humigpit ang yakap ni elaine sa anak at hinagod-hagod ang buhok nito.

Parang biglang gumaan ang pakiramdam ni aria sa mga salitang narinig mula sa ina.

———

Pagkaalis ni mika sa bahay ng mga arceta bumalik ito sa kaniyang opisina para doon makapagisip at uminom.

" Hi!" Bungad ng babae pagkapasok nito sa opisina ni mika.

" Anong ginagawa mo dito angela? Nakakulot noo tanong nito.

" Hindi kana kasi pumupunta sa condo ko eh kaya pinuntahan kita sa pad mo kaso wala ka rin dun kaya naisip ko baka nandito ka namimiss na kasi kita kaya pumunta ako dito.

" Hindi ka dapat pumunta dito angela."

" Ang init naman ng ulo niyan gusto mo tanggalin natin yan? Sagot nito kay mika habang papalapit ito ngunit iniwasan ito ng isa.

" Please angela umalis kana. "

" Si aria ba yung babaeng nakakita sa atin sa bar kaya ka nagkakaganyan mika? Inis na tanong nito.

" Oo angela at wala ka ng pakealam dun!

" Ano bang meron sa babaeng yun eh pareho lang naman kami mika!

Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon