CHAPTER 37

28.2K 539 169
                                    

Lumipas ang isang taon simula noong mawala ang dinadala ni aria ay hindi pa rin ulit ito muling nabubuntis, kahit sinusubukan ni mika na mabuntis ang asawa. Nakabalik na rin sa normal si aria at nakapasok na uli ito sa bangko bilang branch manager doon. Hindi naman Masasabing perpekto ang pagsasama ng mag-asawa dahil sa paminsan-minsang pagseselos pa rin at mabilis na pag-init ng ulo ni mika na tanging ang asawa lang ang nakakapagpahupa ng inis o galit nito.

Sa coffee shop ni Stephanie habang naguusap ang apat na magkakaibigan.

" Oh Audrey hanggang kailan ka dito sa pilipinas? Bungad na tanong ni aria.

" Isang linggo lang ang dami ko pang naiwan na trabaho sa states eh. " Sagot naman ni audrey.

" Buti okay lang kay joey na paalis alis ka? Hindi niyo pinagaawayan yung madalas kayong LDR." Sabat naman ni Stephanie.

Pagkaraan kasi ng limang buwan na panliligaw ni joey dito ay sinagot na rin ito ni audrey.

" Wala naman siyang magagawa eh tsaka alam naman na niya simula at una pa, na ganito talaga trabaho ko kailangan kong tumulong sa negosyo namin eh. "

" Sana lang hindi kayo magaya samin ni gabby, audrey dahil sa pagalis alis mo na yan ay maging dahilan ng paghihiwalay niyong dalawa." Sabat naman ni mayi.

" Bitter! Fyi mayi nandito ka sa pilipinas nagsstay noong naghiwalay kayo ni gabby ano. " Sagot ni audrey dito at inirapan lang si mayi.

" Yun nga yung point ni mayi dun audrey yung mag - kasama nga palagi naghihiwalay pa, paano pa yung palagi kayong magkalayo diba? Sabat ni aria.

" Bahala na nagtitiwala nalang ako kay joey na maiintindihan niya yung sitwasyon ko." Tumango lang naman ang tatlo kay audrey sa sinabi nito.

" Eh ikaw aria kumusta buhay may asawa? Tanong ni Stephanie.

" Okay lang naman pero lately parang lalong nagiging mainitin ang ulo ni mika lahat nalang ikinaiinit ng ulo niya."

" Baka sobrang stress lang sa pagiging ceo niya ng kompanya niyo o baka naman hindi mo pinagbibigyan aria? You know?" Sabat ni audrey.

" Never kong tinanggihan ang asawa ko ano! Kahit nga pagod ako eh, tsaka hindi ka naman makakatanggi doʼn." Dahil magana talaga ang asawang si mika pagdating sa kama; lalo naʼt natural na mataas pa ang hormones nito sa batang edad. Isa pa ay alam niyang gusto na rin ng asawa na magkaanak sila.

" Anong ibig mong sabihin aria?" Taas kilay na tanong ni mayi ngunit natahimik lang at hindi na ito sinagot ni aria. ʼPagkat para sa kaniya ang ganitong detalye mayroong kinalaman sa buhay mag-asawa nila ni mika ay hindi na dapat ikinukuwento.

" Oh baka naman kailangan ni mika ng anger management? Kung nagiging problema niyo na yan baka kailangan niyang magpa-check? Sabat uli ni Stephanie.

" Oh hindi kaya kailangan mo lang bigyan ng anak si mika, aria? Alam mo yun isang taon na rin noong huling nagbuntis ka." Sabi naman ni audrey ngunit muling natahimik si aria dito.

" Paano siya magbubuntis nagpipills yan, tsaka alam na ba yan ni mika, aria? Baka pagmulan pa yan ng away niyong mag-asawa kapag nalaman na nagpipills ka lalo na, ikaw na mismo nagsabi na gusto na ni mika magka-anak sayo. " Sabat ni mayi.

" Kapag sinabi ko ngayon yung tungkol dun edi mag-aaway talaga kami kaya nga hindi ko nalang sinasabi tsaka hindi pa ako handa mayi natatakot ako baka mangyari na naman yung nangyari dati. "

" Mamili ka aria matatakot ka na magbuntis ulit o mawala yang asawa mo kasi naligaw na ng bahay na uuwian? Dahil puro takot yang pinaiiral mo. " Sagot ni mayi dito.

Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon