Nagkayayaan ang tatlong magkakaibigan sa coffee shop nila stephanie, dahil nangako ang tatlo rito na babawi sila kapag hindi na masyadong abala sa kani-kanilang mga trabaho.
" Oh, aria, kumusta naman ang meet the parents and the lolo with mika, ha?" Tanong ni audrey.
" Okay lang, mababait naman sila lalo na ang lolo ni mika, sobrang makuwento kaya medyo nagi-guilty akong nagpapanggap kaming dalawa, eh. "
" Oh, edi totohanin niyo nalang!" Nagsalubong ang mga kilay ni aria sa sinabi ni steph.
" Baliw kaba, Steph? Si mika ang pinag-uusapan natin dito ah, si mika yun!" Sabat ni mayi dahil sa kanilang lahat ito ang mas nakakakilala sa nasabing tao.
" Ay oo nga pala. Huwag nalang aria, pero sayang kasi ang gandang gwapo, eh." Nailing ang mga kaibigan sa huling sinabi ni steph.
" Kayo na nga ang may sabi sa'kin diba, na babaero 'yong tao at sarili lang ang mahal niya, tapos totohanin pa namin ngayon ang pagpapanggap?" Naiiling din na ulong saad ni aria. — " Ako naman ang kawawa nuon, tsaka hindi siya capable magmahal stephe at hindi rin naman ako magugustuhan nang tao na 'yon eh, kasi ang mga tipo nuon syempre mga katulad din niya ng katayuan sa buhay. At sobrang layo ng katayuan namin sa isa't-isa kaya malabo." Patuloy nito at napainom ng kape. Napataas kilay naman ang tatlong kaibigan sa narinig sa kaniya.
" Hindi ka sure, sa hindi ka niya magugustuhan, aria." Taas kilay na saad ni mayi.
" Tumpak! Ikaw pa ba, aria? Hindi magugustuhan eh, campus crush kaya ikaw." Palakpak ni audrey na kinangiti lang ni aria.
" Pero serious question paano nga kung sa ginagawa niyong pagpapanggap mahulog ka sa kaniya?" Sandaling natahimik at napaisip si aria sa tanong ni steph.
" Hmm hindi pa naman nangyayari, steph. So hindi ko alam, pero sa ngayon ang importante lang sa'kin ang pamilya ko. Hindi ko iniisip ang love-love na yan." Tumango-tango na lamang sa kaniyang sinabi ang mga kaibigan pagkat mukhang wala pa nga itong balak pumasok sa isang relasyon.
Sa ngayon para kay aria ay magiging abala sa kaniya ang pumasok sa isang relasyon at higit sa lahat ay mahulog sa taong hindi niya naman ganoon kakilala, lalo ngayong nagpapaaral siya ng mga kapatid at tulong sa pamilya.
—————
TIME SKIP.
Matapos na mag-bonding ang apat na magkaibigan kanina ay naunang magpaalam si aria sa kanila dahil mayroong trabaho pa ito sa bar at sinabihan na siya ng kaniyang boss na huwag nang magpapa-late. Ilang beses na kasi itong na-late sa trabaho sa loob pa lamang ng isang buwan. Habang nagsi-serve sa mga customer ng bar ay mayroong lalaking lumapit mula sa likuran ni aria. Naamoy niya agad dito ang alak sa katawan at hininga nito dahil sa sobrang lapit sa kaniya.
" Hi, Aria diba?" Bulong na tanong ng lalake sa tenga niya na kinagitla at lingon dito.
" Yes po sir, may kailangan po ba kayo?" Lingon ni aria at nagkunwaring hindi nailang sa ginawa nang lalake at ngumiti pa rito.
BINABASA MO ANG
Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision
Fanfiction" Huwag na huwag kang mai-in love sa'kin." - Mika " Huwag kang mag-alala, hinding-hindi ako mai-in love sa'yo!" - Aria Not a typical mikhaiah love story. WARNING : R-18 | INTERSEX Mature content strictly fictional. This story is not for everyo...