Hindi na talaga pinakawalan ni mika ang asawa dahil pagkaraan ng isang buwan tulad nang sinabi nito noon ay sinundan niya ito sa america, lalo na noong malaman niyang nagdadalang tao na ang asawa. Hindi na siya umalis sa tabi ni aria dahil sa takot niyang maulit muli ang nangyaring pagkawala sa una at pangalawang pagbubuntis ng asawa kaya't lalo rin silang nagdoble ingat sa pagbubuntis nito. Tatlong buwan pang nanatili ang mag-asawa sa New york bago natapos ni aria ang mga trabahong naiwan nito roon ngunit nang magawa nito ang mga dapat gawin ay sumama na ito sa asawa pabalik ng pilipinas dahil lumalaki na rin ang tiyan. Iniwan talaga ni aria ang magandang trabaho nito sa america upang makasama ang asawa tulad nang ipinangako kay mika noon at sa hacienda ng matandang lim sa batangas sila nagdesisyong manira. Subalit dahil sa palaki nang palaki ang tiyan ni aria at hirap na ito kumilos at magbiyahe ng malayo sa tuwing magpapa- check up ito sa doctor ay muli silang nagdesisyong lumipat ng maynila upang mas mapalapit sa hospital at hindi na rin mapagod at matagtag si aria sa biyahe sapagkat komplikado pa rin ang pagbubuntis nito dahil sa dalawang beses na nga itong nakunan noon. Sa mansyon ng magulang ni mika muna tumuloy ang mag-asawa habang hindi pa sila nakakahanap ng bago nilang bahay. Masaya rin naman ang magulang ni mika dahil kapag lumabas na ang mga bata ay doon ito tutuloy sa kanila. Oo mga bata dahil ang ipinagbubuntis ngayon ni aria ay kambal ngunit sinadya ng mag-asawa na huwag alamin ang kasarian ng mga ito.
Tahimik na lumapit si mika sa asawang nasa biranda at niyakap ang baywang mula sa likuran nito. Hindi naman nagulat si aria sa ginawa ng asawa dahil madalas talaga nito itong gawin sa kaniya.
" Baby?"
" Hmm?" Tugon at lingon nito kay mika.
" Nagsisisi ka bang iniwanan mo ang trabaho mo sa new york at sumama ka rito sa'kin?" Malambing ngunit seryosong tanong ni mika.
" Huh? Bakit bigla mo naman 'yan na tanong, love?" Hinaplos ni aria ang kanang pisngi ng asawa.
" Wala lang, gusto ko lang malaman baka kasi napilitan ka lang na sumama sa'kin kasi sinundo na kita ro'n." Lambing ni mika at isiniksik sa leeg ng asawa ang mukha niya.
" Hmm love, hindi ako nagsisising mas pinili kita kaysa sa trabaho ko, kasi ito naman talaga ang pangarap ko. Simula noong maikasal tayo ang makasama ka at ipinakita mo sa'kin na tama ang naging desisyon ko." Lumipat ang kamay ni aria sa batok ng asawa at minasahe ito.
" Thank you, kasi ako ang pinili mo. " Lalong humigpit ang yakap ni mika sa baywang ni aria at ramdam nito ang kaniyang pagmamahal.
" Hmm thank you, kasi hinintay mo ako. Hinintay mo akong maging okay." Bahagyang nilingon ito ni aria at dinampian ng halik sa labi na tinugunan din nito ng halik sa kaniyang labi.
Nang dahil doon ay ilang minutong nagpalitan ng halik ang mag-asawa sa isa't-isa na hindi nagbabago ang kanilang puwesto. Animo'y parang bagong kasal pa rin ang dalawa kung maglambingan.
" Hmm love, diba may importante kang lakad sabi mo kanina at sabi mo maaga ka ring aalis?" Tanong ni aria matapos na maghiwalay ang labi nila ng asawa.
BINABASA MO ANG
Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision
Fanfiction" Huwag na huwag kang mai-in love sa'kin." - Mika " Huwag kang mag-alala, hinding-hindi ako mai-in love sa'yo!" - Aria Not a typical mikhaiah love story. WARNING : R-18 | INTERSEX Mature content strictly fictional. This story is not for everyo...