Nakita ni gabby ang pagtatalo ni mika at aria sa labas ng mansyon. Nakita niya rin na hinayaan na umalis ni mika ang dalaga kaya sinundan niya ito. Naabutan ni gabby na naglalakad si aria sa gilid ng kalsada habang umiiyak ito.
" Aria! Sumakay kana ako na maghahatid sayo." Ngunit hindi siya nito pinansin.
" Please, aria! Delikado sa daan ng ikaw lang magisa. Malalagot ako kay mayi kapag hindi kita naiuwi ng ligtas! Dagdag pa nito.
" Isa ka pa! Pare-pareho lang kayo! Sigaw ng dalaga kay gabby.
" Nadamay pa nga ako." Bulong ni gabby sa sarili.
Hindi na rin nakatiis si gabby at bumaba na ito ng kotse niya.
" Please aria, ihahatid na kita."
Huminto ang dalaga ng harangin na siya ni gabby sa daan. Iniangat ni aria ang kaniyang mukha at ng makita nito si gabby sa harapan niya ay hindi na nito napigilan ang lalong maiyak at naisandal nalang nito ang ulo sa balikat ng kaibigan.
" Ang sama niya! Ang sama sama niya gabby! Mahinang usap ni aria habang umiiyak ito.
" I'm sorry aria kasalanan ko rin 'to ako nagpakilala sayo sa pinsan ko eh."
Sa loob ng sasakyan ay nakatulog nalang si aria sa kaiiyak. Tinawagan naman ni gabby si mayi at sinabihan siya nito na huwag ng iuwi ang dalaga sa bahay nila.
Dahil baka magtaka lang ang magulang nito sa sitwasyon ng dalaga ngayon kaya dumiretso nalang si gabby sa bahay nila mayi.
" Ano ba'ng nangyari gabby? Bungad ni mayi sa kasintahan nito.
" Hindi ko rin alam babe basta nakita ko nalang na nagaaway sila sa labas ng mansyon tapos ayon umalis si aria kaya sinundan ko nalang. "
" Alam mo yung pinsan mo nakakarami na yan ah palagi niya nalang pinapaiyak si aria! Nagkamali yata ako ng pilitin siya diyan na magpanggap na girlfriend ng pinsan mo eh! Sinasabi ko sayo gabby ah kausapin mo yang pinsan mo kung ayaw mo'ng mawalan ng girlfriend! Banta ni mayi sa kasintahan.
" Bakit pati ako nadamay babe? Inuwi ko na nga oh." reklamo ni gabby habang napapakamot nalang sa ulo.
" Malamang pinsan mo yun at isa ka sa dahilan kung bakit nagkakilala yang dalawa! Kaya damay ka dito!
" Oo na kakausapin ko naman talaga si pinsan eh. " sagot ni gabby sa kasintahan.
---
Meanwhile.
Sa mansyon ng mga robles habang nasa hallway si cley ay nilapitan ito ni joey.
" Anong ginagawa mo cley? Tanong ni joey sa kaibigan.
" Anong ginagawa ko?
" Alam mo kung tungkol saan ang tinatanong ko, bakit ganun kana lang makatingin kay aria pati yung sinabi mo kanina alam mo ba na puwedeng masira ang pagkakaibigan natin sa ginagawa mo?
" Chill wala akong ginagawang masama joey tinutulungan ko lang naman yang kaibigan natin eh."
" Anong ibig mo'ng sabihin?
" Alam naman natin na simula noong nakilala ni mika yang si aria bigla nalang siyang nagiba, halata naman na may gusto siya kay aria hindi niya lang maamin kaya tinutulungan ko lang na mailabas niya yung totoong nararamdaman niya." Sagot ni cley sa kaibigan.
" So wala ka talagang gusto kay aria?
" Hindi ko itatangging maganda talaga si aria tol at sobrang attrative niya at kung hindi siya nagpapanggap na girlfriend ni miks. Oo may chance na magustuhan ko siya pero alam ko, kung hanggang saan lang ako wala akong balak na taluhin si miks." Natatawang usap ni cley.
BINABASA MO ANG
Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision
Fanfiction" Huwag na huwag kang mai-in love sa'kin." - Mika " Huwag kang mag-alala, hinding-hindi ako mai-in love sa'yo!" - Aria Not a typical mikhaiah love story. WARNING : R-18 | INTERSEX Mature content strictly fictional. This story is not for everyo...