FAST FORWARD.
Dalawang linggo matapos nang huling makita ni aria si mika ay hindi pa rin ito nagpaparamdam sa kaniya, sinubukan niya rin itong tawagan at i-text ngunit wala rin itong sagot. Subalit patuloy pa rin ang paghatid sundo sa kaniya ni danny. Tinatanong niya naman ito tungkol kay mika ngunit ang palaging sagot nito sa kaniya ay abala raw ang amo sa trabaho.
" Good morning ma, pa." Ngiting bungad ni aria sa magulang pagkababa ng kuwarto pero halata sa hitsura nito ang pagiging matamlay.
" Oh may pupuntahan kaba anak? Pansin kasi ng ina na nakapang- alis ito.
" Opo mama magkikita po kami nila mayi eh. "
" Masama ba pakiramdam mo? Namumutla ka ata? Alalang tanong ng ama nito.
" Uhm kulang lang po siguro sa tulog papa. "
" Kumain kana muna ate bago ka umalis. " Aya ni kins dahil pansin nito ang pagiging matamlay ng matandang kapatid.
" Hindi na doon nalang ako kakain magbonding naman kami eh."
" Sigurado kaba ate na okay ka lang? Halatang nagaalala rin dito si yana.
" Opo huwag na kayong magalala sa akin, okay lang ako, wala lang talaga akong masyadong tulog ngayon eh, bawi nalang ako mamaya."
Nagkatinginan na lamang ang mga ito at hinayaan muna si aria.
" Alis na po muna ako." Paalam pa ng dalaga.
" Sige anak baka matraffic kapa at mainit pa naman ngayon." Makikita pa rin sa mukha ng ina ang pagaalala sa panganay na anak.
" Sige ho, pa yung gamot mo ha, wag niyong kalimutang inumin." Paalala pa ni aria bago buksan ang pinto at lumabas
" Sige anak, ingat ka! Muling nagkatinginan ang tatlo sa hapag kainan.
Nababatid at nadarama ng pamilya ni aria na may dinaramdam ito ngunit ayaw naman nila itong pangunahan.
---
Naunang dumating si stephanie sa opisina ni mayi, si audrey naman ay nagpasabi na hindi siya makaka- punta ngayong umaga dahil marami pa itong trabahong tatapusin.
" Ang tagal naman ni aria kanina pa ako nandito mayi."
" Wait lang natin steph, baka na traffic lang chill ka lang diyan."
" Alam mo may napapansin ako dyan kay aria." Biglang sabi ni stephanie.
" Ano naman?
" Kasi nitong mga huling linggo e, palaging ang tamlay niya tapos ang mugto mugto ng mata. "
" Baka may problema lang steph, sa bahay nila?
" Hmm kung may problema naman yun mayi, sa bahay nila nagkukuwento naman yun sa'tin diba?
" Oo nga, pero wala rin sa'kin kinukuwento si aria eh."
Sa kalagitnaan ng pag-uusap ng dalawa ay dumating na rin si aria sa wakas.
" Oh, ayan na pala siya eh, sa wakas dumating rin kanina pa ako nandito." Bungad na reklamo ni stephanie.
" Pasensiya na kayo na traffic ako ang hirap rin kumuha ng taxi."
" Taxi? Diba kasama mo naman palagi si danny sa mga lakad mo? Takang tanong ni mayi.
" Hindi na muna ako nagpasama para maiba naman at makapagpahinga rin si danny. "
" Hmm okay sabi mo eh. " Nagkatinginan pa sila mayi at stephanie dahil may kakaiba talaga sa kaibigan nila ngayon.
Sa gitna nang kumustahan at kuwentuhan nila ay na pansin ng dalawa na sobrang tahimik ni aria at hindi ito nakikisali tulad ng dati.
BINABASA MO ANG
Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision
Fanfiction" Huwag na huwag kang mai-in love sa'kin." - Mika " Huwag kang mag-alala, hinding-hindi ako mai-in love sa'yo!" - Aria Not a typical mikhaiah love story. WARNING : R-18 | INTERSEX Mature content strictly fictional. This story is not for everyo...