CHAPTER 10

44.7K 1K 237
                                    

TIME SKIP.

Sa bahay ng matalik na kaibigang si mayi napagdesisyonan ni aria na makitulog na muna pagkat naghabilin si mika sa kaniya na maaga siya nitong susunduin kinabukasan. At ayaw niya ring sa bahay nila siya nito sunduin dahil magtataka lamang ang pamilya niya kapag nakitang mayroong susundo sa kaniyang ibang tao at hindi nila kilala.

" Ganun ba talaga siya mayi, hindi nangiti at mukhang seryoso palagi?" Kanina pa ito nais itanong ni aria sa kaibigan. Napalingon naman ito sa kaniyang nakahiga sa kama at itinigil ang night routine nito sa harap ng salamin.

" Oo ganun talaga 'yon, aria. Sa mga babae lang naman 'yon hindi marunong magseryoso eh, kaya masanay kana kasi madalas mo na 'yon makakasama." Humaba ang nguso ni aria sa narinig na kinailing ng ulo at ngiti ng bahagya ni mayi.

" Ganun? Hmm. " Tugon nitong napabuntong hininga at nakausli pa rin ang nguso.

" Hmm bakit crush mo na ba?" Alam ni aria na binibiro lamang ito ng kaibigan ngunit mahahalata sa salita nito na mayroon itong laman kaya't napataas ang kilay niya rito.

" Hindi noh! Never akong magkakagusto ro'n. Ang sungit-sungit, akala mo kung sino." Agad na depensa ni aria pagkat naalala nito ang kanina lamang nilang unang pagkikita ni mika at hindi ito maganda para sa kaniya. Muli namang nailing at natawa sa kaniya ang kaibigan.

" Sabi mo, eh." Pakunwaring kibit balikat ni mayi ngunit nakuha agad ni aria ang ibig sabihin nito kaya't napairap na lamang siya rito sa huli.

Hindi lamang ang unang pagkikita nila ni mika kanina ang nasa isip ngayon ni aria, kundi pati na rin ang pagpapakilala sa kaniya sa pamilya nito bukas at kung magugustuhan ba siya ng mga ito pagkat kahit alam niyang pagkukunwari lamang at bayad siya para gawin ito. Nais niya pa rin na maging maganda ang unang impresyon sa kaniya ng pamilya ng pekeng kasintahan.

——

LIM'S MANSION.

Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin dalawin ng tulog si mika pagkat sa tuwing ipipikit niya ang mga mata ay rumirehistro ang magandang mukha at ngiti ni aria. Ang hindi nito maintindihan sa sarili ay kung bakit hanggang ngayo'y hindi maalis-alis sa kaniyang isipan ang babaeng nakilala niya lamang kanina na malayo sa mga babaeng nakasama noon.

" Tsk! No, no, no! Imposibleng magkagusto ako sa'yo." Naiiling nitong saad at napatungga ng beer at sandal sa bakal na harang ng biranda. — "Ano ba ang meron sa'yo, at bakit mo ginugulo ang isip ko? Anong ginawa mo sa akin?" Muli itong napatungga ng beer habang pilit na iwinawaksi ang mga ngiti ni aria na nagpapukaw ng kaniyang atensyon kanina.

Nakatatlo, apat, lima pang bote ng beer si mika bago ito nagpasyahang pilitin ang sarili na matulog. Pagkat kailangan niya rin magising nang maaga kinabukasan. Subalit ang gabi sa kaniya ay naging mahaba pa sapagkat hindi ito tinantanan ng pag-iisip buong gabi.

—————

THE NEXT DAY.

Bagamat hindi maayos ang tulog noong gabi ay maaga pa ring dumating si mika sa mansyon ng mga ricalde upang sunduin si aria. Hindi na ito bumaba ng kotse at sa loob na lamang naghintay sa babaeng sinusundo. Agad namang nagpaalam si aria kay mayi at bumaba ng kuwarto, nang makatanggap ito ng mensahe mula kay mika na nasa labas na ito ngayon at hinihintay siya. Pagkalabas ni aria sa pinto ay agad na bumungad sa kaniya ang isang magarang sasakyang nakaparada sa harap. Isa itong 6 seater black lincoln limousine.

" Hmm mayaman pala talaga siya." Nakataas kilay na saad ni aria habang tinititigan ang magarang sasakyan pagkat ang mga ganitong bagay ay hindi niya kinakahanga.

Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon