Tatlong linggo ang nakalipas naging maayos na rin ang pagsasama ng mag-asawang lim mas pinipili nalang ni aria na intindihin ang asawa sa madalas na pag-init pa rin ng ulo nito at sa paminsan-minsang pagseselos. Umiiwas na rin si aria sa mga bagay ngayon na puwedeng pag-awayan nila ni mika, gaya na lamang ng paglapit sa kaniya ng kaibigan ni mika na si cley. Ayaw ni aria na pagmulan ulit siya ng away ng dalawa at galit ni mika kaya ito na rin ang umiiwas. Si mika naman ay umiwas na rin sa mga night chill nila ng mga kaibigan niya at mas maaga na itong umuuwi ng bahay, pagkat ayaw ng asawa nito na umiinom ito palagi. Umiiwas na rin ito sa mga babae dahil ayaw niya namang magselos ang asawa may kinalaman man ito sa business o hindi. Maagang gumising si aria ngayong araw para ipagluto ang asawa ng breakfast nito. Ngayon lamang ulit siya makakapagluto para sa asawa dahil palagi itong umaalis nang maaga sa bahay dahil sa tambak na trabaho sa opisina nito. Masayang kumakanta-kanta pa si aria na may kasamang pagkembot ng katawan at lingid sa kaalaman nitong nasa likod na lamang niya ang asawa at pinapanuod siya at nangingiti nalang sa bawat pagkanta at kembot niya.
" Good morning, pretty." Biglang yakap at halik sa leeg ni mika sa asawa, nagulat naman si aria sa ginawa nito dahil hindi niya nga ito na pansin sa likod niya.
" Mmm good morning, love." Sagot ni aria at hinawakan ang mukha ng asawa at hinalikan ang pisngi nito.
" Ang aga mo nagising baby." Sambit ni mika habang gumagala ang labi nito at dinadampi dampi sa makinis na balat ng asawa.
" Mmmm gusto ko kasing ipag- luto yung pogi kong asawa." Nakangiting sagot ni aria habang nakikiliti ito sa ginagawa ni mika.
" Hmm okay, baby. "
" Hmm?
" Parang may iba akong gustong kainin eh. " Sagot ni mika habang gumagala na rin ang kamay nito sa dibdib ng asawa.
" Love, wag ngayon tsaka anong oras na malilate kana naman ng dating sa office mo niyan."
" Hmm sige na isa lang baby puwede naman akong pumasok kahit anong oras." Sagot ni mika sa asawa at iniharap ito sa kaniya.
" No! Kailangan mo maging magandang ehemplo sa mga empleyado mo." Pagtanggi pa rin ni aria dito at sandali pa pinasok ni mika ang ulo nito sa loob ng oversize shirt na suot ni aria.
" Love, please wag ngayon."
" Kahit 30 mins lang? Tanong ni mika habang hinahalikan ang dibdib ng asawa.
" Ughh no." Pagpigil rin ni aria sa sarili.
" 20 mins nalang baby? Pagtawad ni mika sa asawa.
" No. "
" 10 mins baby?
" Ayoko pa rin mika lim!
" Hays! Paghinga ng malalim ni mika at tinanggal ang ulo nito sa loob ng damit ni aria at binuhat ang asawa paupo sa ibabaw ng table.
Dismayado ang mukha nito dahil sa pagtanggi ng asawa sa kaniya.
" Oh bakit ganyan ang mukha mo? Tanong ni aria dito at ipinatong ang kamay sa batok ng asawa.
" Tinatanggihan mo na ako hindi mo na ba ako love? Sagot ni mika habang nakakunot ang noo nito.
" Love, hindi naman sa ganun marami kapang work na natatapusin diba? Hays okay sige mamayang gabi nalang babawi ako promise."
" Promise? Nakangiting sabi ni mika sa asawa.
" Yes po! Promise." Sagot ni aria dito at kinurot ang ilong ng asawa.
" Okay. " Maiksing sagot ni mika at hinalikan ang labi ng asawa.
" May meeting ka diba anong oras? Anong susuotin mo? Para mahanda ko na habang naliligo ka."
BINABASA MO ANG
Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision
Fanfiction" Huwag na huwag kang mai-in love sa'kin." - Mika " Huwag kang mag-alala, hinding-hindi ako mai-in love sa'yo!" - Aria Not a typical mikhaiah love story. WARNING : R-18 | INTERSEX Mature content strictly fictional. This story is not for everyo...