7 months.
Sa wakas ay nalagpasan ni aria ang critical stage ng pagbubuntis nito kaya't mas nakakagalaw na ito kahit paano sa loob ng bahay, pero alalay pa rin sa pagkilos. Nalaman na rin ng mag-asawa kung anong gender ng magiging anak nila na siyang ikinatuwa naman ni mika dahil lalake ito. At ito ang magdadala ng pangalan niya. Ngayon gabi ay abala si aria sa paghahanda ng special dinner nila ng asawa dahil matagal tagal na rin ng huling makapagluto ito para kay mika.
" Sarah, okay na ba ang pasta?
" Opo, seniorita. "
" Isusunod na yan na iluluto eh. "
" Yung table ba naayos na? Tanong uli ni aria sa kasambahay.
" Inaayos na rin po nila."
" Okay sige salamat sarah."
Habang busy naman sa pagluluto si aria ay tinawag ito ng kasambahay.
" Seniorita may bisita po kayo sa labas." Bungad nito sa among babae.
" Sinong bisita si mayi ba?
" Hindi po seniorita, hindi po nagpakilala eh." Sagot nito kay aria.
" Okay sige susunod na ako pakisabi may tatapusin lang ako saglit ah salamat." Malambing na usap ni aria.
" Sige po seniorita."
" Sino naman kaya yun? Pagtatakang tanong ni aria sa sarili.
Sandali pa at pagkatapos ng ginagawa ni aria ay lumabas na ito ng kusina para harapin ang bisita nito.
Pagdating sa may sala ay nakita na ito ni aria ngunit nakatalikod ang babae kaya binati nalang ito.
" Hi, sorry medyo natagalan ako may ginagawa kasi ako sa kusina." Paguumpisa ni aria at humarap naman ito sa kaniya at bumati rin ito ng pabalik.
" Oh hi, aria okay lang hindi naman ako nagmamadali."
" Hi." Maiksing tugon ni aria dito dahil sa pagkabigla sa babaeng bisita.
" Ang ganda pala ng bahay niyo aria, ano? Ang modern napaka-swerte ng magiging anak niyo ni mika." Nakangiting usap nito ngunit si aria ay tila hindi pa rin makapagsalita sa pagkagulat at hindi rin maalis ang mata nito sa bisita.
" Sorry ah kung nagpunta ako nang walang pasabi nagulat yata kita aria si mika naman kasi hindi ako iniinvite eh." Dagdag nito habang nililibot nito ang mata sa buong bahay.
" Okay lang." Maiksing tugon pa rin ni aria dito.
" Alam mo ganito rin design ang gusto ko sa magiging bahay namin."
" Ahmm angela may kailangan kaba? Wala kasi si mika dito may meeting pa siya eh. "
" Hmm willing to wait naman ako sa kaniya aria." Nakangiting usap nito ulit.
" Angela marami pa kasi akong gagawin kung gusto mo bumalik kana lang kapag nandito na si mika. " Usap ni aria dahil tila biglang sumama ang pakiramdam nito.
" Sayang naman aria, pero puwede naman na tayo nalang muna ang mag-usap."
" I'm sorry angela wala akong panahon makipagkuwentuhan ngayon marami pa akong gagawin." Sagot ni aria dito ngunit hindi pa rin maalis ang mata nito sa babaeng kausap.
" Okay sige mukhang nabigla rin kasi kita aria pasensya kana ha? Usap uli nito at tila naiirita na si aria sa inaasta nito ngayon.
Sandali pa habang nag-uusap ang dalawang babae ay dumating na rin naman ang asawa ni aria na si mika.
" Love, I'm home." Malambing na sigaw ni mika ng makapasok ito sa loob ng bahay ngunit ng marating nito ang sala ay nagulat naman ito sa babaeng kausap ng asawa.
BINABASA MO ANG
Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision
Fanfiction" Huwag na huwag kang mai-in love sa'kin." - Mika " Huwag kang mag-alala, hinding-hindi ako mai-in love sa'yo!" - Aria Not a typical mikhaiah love story. WARNING : R-18 | INTERSEX Mature content strictly fictional. This story is not for everyo...