CHAPTER 36

28.2K 527 187
                                    

1 WEEK AFTER.

Isang linggo nang nakakauwi si aria galing sa hospital ngunit hindi pa rin ito nakakabalik sa dating sigla nito. Sinisisi niya pa rin ang kaniyang sarili sa pagkawala ng anak nila ni mika. Dinalaw naman ito ngayon ng matalik na kaibigang si mayi upang kumustahin kahit na siya mismo ay mayro'ng dinadala ring mabigat sa puso nito. Ang ibang kaibigan naman gaya ni stephanie ay hindi nakasama dahil kailangan nitong manatili sa coffee shop ng pamilya. At nakadalaw na rin naman ito noong nasa hospital pa siya.

" Kumusta na pakiramdam mo, aria? Pasensiya kana pala hindi ako nakadalaw sa'yo sa hospital." Pansin ni mayi na malalim ang iniisip ng kaibigan bagamat nag-uusap sila.

" Hindi ko alam mayi, pagkatapos mawala ang anak namin. Hindi ko alam kung paano ulit mag-uumpisa." Maririnig sa boses ni aria ang bigat nang nadarama nito at ramdam ito ni mayi.

" Hindi ko alam kung ano'ng dapat kong sabihin para mapagaan ang loob mo aria." Mula sa pagkakaupo ni mayi sa bakal na upuan ay lumapit ito sa kaibigan na ngayon ay nakahawak sa railings ng biranda at tumabi rito upang hagurin ang likuran nito.

" Nag-umpisa na kaming bumili ng mga gamit para sa bata. Nag-umpisa na rin kaming mangarap ni mika kung anong gusto namin paglaki niya. Ang sakit mayi, naging pabaya ako sa sarili kaya siya nawala sa'min." Tumulo na ang mga luha sa pisngi ni aria sa pagkakaalala ng mga nais nila ng asawa para sa anak.

" Hindi 'yan totoo, aria. Nakita naman namin lahat ang pag-iingat mo para hindi mapaano ang bata diyan sa tiyan mo, eh." Patuloy na paghagod ni mayi sa likuran ng kaibigan.

" Pero kulang pa rin mayi, kulang pa rin." Lalong dumami ang patak ng mga luha ni aria.

" Puwede pa naman n'yong subukan ulit aria, diba?"

" Natatakot na ako mayi, paano kung mangyari ulit ang nangyari ngayon? Hindi ko na yata kakayanin pa, baka 'yon na ang ikabaliw ko." Umiiling-iling dito ang kaibigan.

" Huwag mong pangunahan aria, nagkataon lang naman na-stress ka sa trabaho at hindi talaga malakas ang kapit noong bata." Alam ni aria na pinapagaan lang ni mayi ang loob niya at hindi ito epektibo ngayon sa kaniya. — " Eh kumusta naman ang asawa mo?" Umiling-iling din ito sa huli niyang tanong.

" Hindi siya nagsasalita tungkol sa pagkawala ng baby namin pero alam kong nasasaktan din siya, kaya lalo akong nagi-guilty dahil kasalanan ko naman talaga."

" Huwag mong sisihin masyado ang sarili mo aria. Ang mahalaga nandiyan si mika sa tabi mo at mahal ka niya." Sa narinig ay bahagyang napangiti si aria dahil kahit nawala ang bata sa sinapupunan niya ay hindi nagbago ang asawa at ramdam niya pa rin ang pagmamahal nito. — " Makakabuo pa rin kayo ng pamilya." Hinamit siya ni mayi palapit at niyakap nang mahigpit.

Ilang minutong nanatiling tahimik lang ang dalawa bago bumitaw si aria at pinunasan ang mata at pisngi nito na mayro'ng luha.

" Hmm kumusta naman pala kayo ni gabby, mayi?" Napabuntong hininga ang kaibigan sa tanong ni aria at humarap ito sa kawalan ng kalangitan.

" Ayun kaya hindi ako nakadalaw sa'yo sa hospital kasi hindi ko naman kayang mag-comfort ng kaibigan kung ako rin mayro'ng nararamdamang sakit, hindi nga lang sa pisikal." Pigil itong magpakita ng emosyon ngunit nangingilid ang luha nito.

" Sakit, mayi?" Kunot noo na tanong ni aria pagkat wala itong ideya sa nangyari sa kaibigan.

" Wala na kami ni gabby, tinapos ko na ang lahat sa'min, aria." Napayuko ito sa huling naturan pero pigil pa rin sa luha nito.

" Ano? Bakit? Anong nangyari? Sunod-sunod na usisa ni aria dahil sa pagkagulat sa balitang narinig.

" Nakita ko sila, aria. Nakita mismo ng dalawa kong mata sa party ng kaibigan ni gabby, sa isang kilalang bar sa bgc. Kinuha akong photographer do'n, tinanggap ko dahil kaibigan naman namin 'yon." Dama ni aria kung gaano kasakit kay mayi ang nangyari bagamat pinapakita nito na matatag ito.

Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon