MIKA
" Ano'ng ginagawa mo rito?" Bungad ko kay gabby pagpasok nito ng kuwarto.
Nandito kami ngayon sa isang meeting room ng kumpanya. Dito ko na lang piniling gawin ang pagkilatis sa mga applicant na puwedeng magpanggap na girlfriend ko dahil tago at dulo na ito ng building. Ayoko naman kasing gawin 'to sa mismong opisina ko.
" Tinawagan ako nila cley at joey eh, pumunta raw ako rito." Nangingiting tugon nito at naupo sa isang tabi. Nagdekuwatro pa ng mga paa niya.
" Pagkatapos mo akong iwan sa car show noong isang gabi. Ang lakas ng loob mong magpakita pa sa'kin?!" Litanya ko rito.
" Pasensiya kana pinsan bigla kasing nagkaroon ng emergency, eh." Kamot ulong paliwanag nito. Ang dalawa namang mokong ay natatawa lang sa'ming magpinsan. Sanay na talaga sila sa asaran at awayan namin ni gabby. "Ano ba'ng ginagawa niyo, rito?" Sumandal pa 'to sa upuan niya na akala mo nasa bahay lang siya.
" Edi, ano pa nga ba? Operation girlfriend for hire, gabo." Natatawang sabat ni joey.
" Seryoso talaga kayo diyan, ah?" Natatawa rin at may pang-aasar ni gabby.
" Oo kasi itong si mika, kaninang umaga raw ipinaalala na naman ni tito ang tungkol sa babaeng kailangan niyang ipakilalang girlfriend kay Mr. Lim. Seryosohin niya raw 'yon dahil sabi ni tito, siya pa rin ang chairman ng Lim's corporation at puwede siyang palitan anytime." Naiiling at tumatawa si cley na umupo sa gilid ng mesa ko. Hays! Hilig niya talagang gawin 'yan.
" Siguro naman tol, sa dami nitong mga applicant may papasa naman sa taste mo, ano?" Si joey, isa-isa niyang sinisilip ngayon ang hawak na papel. Mga profile 'yon ng mga applicant.
" Hindi ko alam, sana? Para matapos na 'to. Ayoko talaga ng mga ganito, bakit ba nila kasi ako pinagmamadali, eh." Hingang malalim akong sumandal sa swivel chair ko.
" Kasi naman pinsan, nag-iisa kang anak at magmamana ng kumpanya niyo tapos hindi ka nakikitaan ng pagiging seryoso sa babae. Natatakot lang siguro sila tito at lolo mo na masangkot ka sa scandal. Alam mo nang kilala ang pamilya niyo rito sa bansa."
" Tama si gabby, tol." Sang-ayon ni cley. Sus nagsalita na naman ang hindi babaero.
" Hays! Nandito ba kayo para tulungan ako o dumagdag sa mga sermon nila daddy at lolo?" Ang alam ko pari lang ang naninermon, eh.
" Syempre tol, nandito kami para tulungan ka." Akbay ni joey sa balikat ko. Tinitigan ko naman 'to ng masama kaya't bumitaw ng akbay sa'kin. Natawa na lang sa'min si gabby at cley.
" Hmm simulan na nga natin 'to. Marami- rami 'to, baka anong oras na tayong matapos, tol." Parang saway sa'min ni cley.
Nag-umpisa na nga kaming tingnan at papasukin ang mga applicant isa-isa habang si gabby ay nanunuod at nakikinig lang sa'min. Lahat naman sila ay talagang magaganda. May morena, tisay, chinita at mukhang latina. Ang iba pa sa kanila ay mga modelo pero wala talaga akong mapili.
TIME SKIP.
" Tol, last na 'yon, ano sa tingin mo?" Tanong ni joey, pagkalabas ng huling aplikanteng babae.
" Maganda siya pero hindi pa rin, eh." Umiiling kong tugon.
" Eto tol, tingnan mo ulit baka puwede naman 'to?" Ang ganda niya." Pagturo ni cley sa hawak niyang papel na profile ng isang aplikanteng commercial model ng isang sikat na whitening soap.
" Hindi talaga tol, wala sa kanila ang katangian na tingin kong magugustuhan ni lolo eh, alam niyo naman 'yon. Masyadong matikoloso pagdating sa babae." Sa ganda at pagiging sopistikada ni lola, sigurado ako ro'n.
" Si lolo mo ba talaga pinsan o ikaw?" Sabat ni gabby na may pang-aasar. Wala talagang araw na hindi niya ako iniinis, eh.
" Eh, ano ba kasi ang mga katangian na magugustuhan ng lolo mo, tol?" Parang sukong tanong ni joey. Naupo ito sa tabi ni gabby at sumandal.
" Oo nga, tol? Para hindi tayo nanghuhula rito." Naiiling si cley na inilapag sa mesa ko ang mga hawak na profile ng mga babae kanina.
" Uhm 'yong tipo ng babaeng maamo ang mukha. Soft spoken, 'yong babaeng-babae kung kumilos. Mga ganun, tol."
" Hmm parang si aria, lang." Mahinang komento ni gabby pero bahagya naming narinig.
" Ano??!" Sabay naming bigkas nila cley at joey paglingon sa kaniya. Tumayo naman ito at sumandal ng upo sa dulo ng table ko.
" Si aria, 'yong bestfriend ni mayi, pinsan. Lahat ng mga katangiang nabanggit mo kanina eh, na kay aria na yata. Maganda 'yon. Hindi lang maganda, sobrang ganda! Parang angel ang mukha, soft spoken babaeng-babae! Matalino, matangkad, mabait at higit sa lahat edukada!" Ewan, pero sa sinabi ni gabby parang too good to be true. Ang perfect naman nang babaeng 'yon.
" Talaga, tol?" May interesadong sabay na sabi ni cley at joey.
" Oo sigurado ako ro'n mga bro!" Mayabang pa 'tong nag-cross ng mga braso niya.
" Oh ayun tol, matatapos na ang problema mo." Pagtayo ni joey at umakbay sa'kin. Napaisip naman ako dahil hindi pa rin ako kumbinsido sa mga narinig ko, kung seryoso ba talaga si gabby o niloloko lang ako nitong mokong.
Pero inaamin kong siya na lang ang last na pag-asa ko at kung wala talaga kaming mapili sa huli ay kahit na sino na lang ang ipakikilala ko kay lolo, matapos lang 'tong problema ko't mapagbigyan ang gusto ng matanda.
" Are you sure ba talaga na magugustuhan 'yan ni lolo ha, gabby?"
" Oo nga, siguradong-sigurado ako pinsan. 💯 percent! kaya lang— ang tanong papayag ba siyang magpanggap na girlfriend mo?"
" Ayun lang, tol!" May panghihinang sabay na sambit nila cley at joey.
" Pero sige, para sayo pinsan kakausapin ko si aria. Malay mo pumayag diba? Lalo na ngayon kailangan niya ng pera."
" Okay! Dito lang akong aasa sa'yo gabby, ah? At sana nga tama ka na magugustuhan siya ni lolo ko. Katulad ng sabi mo." Napailing naman 'to sa'kin.
" Sus! Lolo ka nang lolo diyan baka ikaw pinsan ang magkagusto ro'n eh." Hirit ni gabby at nakipag-apir kay cley at joey.
" Hays! Tigilan mo nga ako gabby. Sige diyan na muna kayo at may pupuntahan pa ako, eh." Paalam ko at kinuha ang suit sa likuran ng swivel chair ko.
" Bakit, saan kana naman pupunta, pinsan?" Kunot noo na tanong ni gabby.
" Oo nga, tol?" Si cley na nakaupo pa rin sa dulo ng mesa ko. Magkabilaan lang sila ni gabby.
" Magkikita kami ni angela, pagbibigyan ko lang. Ang kulit, eh." Wala na sana akong balak na puntahan pa ang babaeng 'yon pero may isang salita ako at kailangan ko 'yong tuparin, para tigilan niya na rin ako.
" Sus! Lalandi kana naman pinsan, kaya ka laging bad shot at napapagalitan ni Mr. Lim, eh. Alam mo pinsan baka sa huli maging problema mo pa ang mga babae mo na 'yan." Tiningnan ko 'to ng masama sandali at Inirapan sa huli.
" Ang dami mong sinasabi, gabo!" Angil ko rito.- " Sige na, alis na ako. Diyan na kayo, bye!" Agad akong tumalikod sa kanila patungo sa pintuan.
" Sige tol, landi well. At always use trust, ah?" Siraulong joey, hays! Natawa naman dito ang dalawa.
" Tinik mo talaga sa mga chix! Ingat ka tol, tama si gabby baka maging problema mo 'yan sa huli." Habol na hirit ni cley.
" Sus! Akala mo hindi simpleng babaero. Hoy! Pareho lang tayo, ano!" Tugon ko habang palabas ng kuwarto at kinawayan sila patalikod.
Aminado naman akong totoo ang mga sinasabi nila tungkol sa'kin at wala na akong magagawa ro'n. Nature ko na 'yon eh, at wala akong balak sa ngayon na baguhin 'yon.
———
BINABASA MO ANG
Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision
Fanfiction" Huwag na huwag kang mai-in love sa'kin." - Mika " Huwag kang mag-alala, hinding-hindi ako mai-in love sa'yo!" - Aria Not a typical mikhaiah love story. WARNING : R-18 | INTERSEX Mature content strictly fictional. This story is not for everyo...