CHAPTER 4

46.5K 1K 83
                                    

ARIA

" Huy, aria. Labas naman tayo? Ang tagal na nating hindi lumalabas eh, sobrang busy mo. Hindi ko rin mayaya ang dalawa." Parang may pagtatampong aya sa akin ni Stephanie habang abala akong nag-aayos ng mga gamit ko. Katatapos lang ng duty namin.

" I'm sorry steph, pero hindi kasi ako puwede ngayon, eh. May raket ako."

"Ano ba yan, hindi kana naman puwede?" May tampo na talaga nitong saad.

" Sorry talaga Steph, babawi na lang ako sa'yo. Need ko lang talagang rumaket ngayon, alam mo naman diba?" Napangiwi naman ito ng nguso at alam kong nakuha agad nito ang ibig kong sabihin. — " Next time, babawi ako, promise!" Napangiti na 'to sa narinig.

" Sabi mo 'yan aria, ah?" Paniniguro pa nito na kinangiti ko dahil para 'tong bata. Well mas bata naman talaga siya sa'kin.

" Opo, nag-promise na nga ako diba? Tsaka si mayi, ang nag-offer nito sa'kin sayang din naman pang dagdag tuition fee na rin 'to ni yana at kins." Tumango ito sa huli kong nasabi bilang sang-ayon.

" Isa pa 'yong si mayi, hindi pa rin nagpapakita sa'kin hanggang ngayon, ah. Ilang weeks na siyang nakauwi galing sa bakasyon niya. Wala man lang hi, hello? Hays! Wala rin si audrey para may kasama akong gumala. Magtatampo na talaga ako sa inyo." Reklamo nitong nakausli ang nguso.

"Ay sus! Huwag na pong magtampo, basta babawi kami kapag hindi na masyadong busy promise, okay?" Tumango na lang ulit ito sa akin. — " Oh siya, aalis na ako steph at baka ma-late pa ako sa raket ko, eh."

" Oo na po, sige na. Mag-ingat ka, pero mas mag-ingat sila sayo!"

" Wow naman, ha?! Sa ganda kong 'to?" Nakapamaywang kong tugon sa biro niya na kinatawa lang nito. — " Oh, sige na! Bye na muna stephanie!" Agad kong kinuha ang bag ko sa mesa at lumakad.

" Bye!" Narinig ko pa 'to bago ako lumabas ng pinto kaya't kinawayan ko pa siya patalikod.

——

Matiyaga akong naghihintay lang ng taxi. Nang mag-ring ang phone ko, madali ko naman 'tong kinuha sa bag at sinagot.

📲

" Aria, papunta kana ba sa event? Bungad sa'kin ng babaeng boses sa kabilang linya.

" Oo papunta na ako ngayon mayi, naghihintay lang ako ng taxi. "

Si mayi bestfriend ko pala simula noong first year college pa kami. Sa school lang kami noon nagkakilala, nasagi at natapunan niya kasi ako ng kape habang nagmamadali siya papunta sa next subject niya. So, para makabawi siya sa'kin niyaya niya akong kumain sa labas pagkatapos noon palagi na kaming magkasama sa lahat ng mga bagay hanggang sa nakilala rin namin sila stephanie at Audrey. Anak mayaman si mayi, nagmamay-ari ang pamilya nila ng isang engineering firm dito sa bansa, kaya hindi ko maintindihan sa kaniya kung bakit architecture ang kinuha niya noong college kami. Eh, puro engineer naman mga kamag-anak nila. May dalawang lalaking kapatid si mayi, parehong engineer din. Kaya nga siguro hindi na pressure si mayi na tumulong sa business nila kasi nandiyan naman ang dalawang brother niya. Hindi nagagamit ni mayi ang tinapos niyang architecture dahil photographer na siya ngayon. Mahilig talaga siya sa photography kahit noong college pa lang, kaya nang maka-graduate kami mas ginusto niyang sundin ang kaniyang passion. Bukod pala sa pagiging photographer, travel vlogger na rin siya ngayon. At least daw nag-e-enjoy na siya, kumikita pa.

" Okay sige. Ingat, aria. I'm on my way na rin. Magkita na lang tayo ro'n, miss you! Ba-bye!" Hindi ko naiwasang mapangiti sa narinig ko. Malambing na klaseng kaibigan talaga si mayi at the same time para siyang ate namin. At makikita nga ito sa pakikitungo niya sa'min.

" Okay sige mayi, see yah! Miss you too!" Matapos nito'y agad kong tinapos ang tawag at inilagay sa bag ko ang phone.

—————

MIKA

" Gabby, wala pa ba si mayumi?" Tanong ko rito dahil halos 30 minutes na kaming nakatayo sa tabi ng isang table at hindi ko pa nakikita ang girlfriend niya.

" Wala pa pinsan, pero papunta na rin 'yon dito. May mga tinapos lang siyang trabaho. Alam mo naman vlogger at photographer, eh." Tinanguan ko na lang 'to at lumagok ng whisky.

Nandito kami ngayon sa isang car show sa makati. Ang daming tao at mayayaman na tumitingin ng kotse. Sa sobrang dami nga ng magagandang kotse, hindi kana makapili.

" Oh, ayan na pala si mayi, pinsan eh." Pagturo nito sa nobyang si mayi sa hindi kalayuan na kumakaway sa'min.

Agad na lumakad si mayi at lumapit sa amin pagkatapos ay humalik sa labi ni gabby at umangkla sa leeg nito. Tsk! Sa harapan ko pa talaga naglandian ang dalawang 'to.

" Kumusta ka, ceo? Baling sa'kin ni mayi matapos nilang magpalitan ng halik ni gabby. Lihim akong napailing, ayoko talaga ng mga ganitong akto.

" Uhm okay naman ako, mayi." Muli akong napalagok ng whisky sa tanong niya. Usisain na naman ako nito sigurado.

" Hmm huwag mong sabihin sa'kin na wala ka pa ring siniseryosong babae hanggang ngayon, mika?" Sabi ko na nga ba eh, hays!

" Wala sa vocabulary ni miks na magseryoso sa babae, babe." Sabat ni gabby na kinatawa ng nobya niya pero tinitigan ko lang siya ng masama.

Sa gitna ng kuwentuhan namin ay may nakaagaw ng atensyon ko. Syempre babae, ano pa nga ba diba? Kaya lang hindi ko masyado makita ang buong mukha niya. Naka-side view kasi ito pero sa tindig, kilos at mahabang blonde hair nito sigurado akong magandang babae siya.

" Hoy, miks! Pinsan?! Parang ang layo naman ng tingin mo diyan. Sino ba tinitingnan mo?" Tinapik pa ako nito para kunin ang atensyon ko.

" Wala, gabo!" Sagot ko na hinahabol ng tingin ang babaeng nakita ko.

" Naghahanap ka na naman siguro ng bago mong maloloko. Ano, pinsan?" Asar nito sa'kin na muling kinatawa ni mayi, hays! Lagi talaga akong napagkakaisahan ng magjowang 'to kapag magkasama sila.

" Siraulo!" Iritang tugon ko at napabaling ako ng tingin sa kaniya. Pupuntahan ko na sana ang magandang babaeng kanina pang kumukuha ng atensyon ko pero paglingon ko naman wala na siya. Sayang! Panira talaga 'tong si pinsan sa diskarte ko.

" Oh, saan ka pupunta, pinsan? Paghawak ni gabby sa braso ko para pigilan akong umalis dahil akmang tatalikod na sana ako sa kanila para hanapin ang magandang babaeng nakita ko.

" Hays! May titingnan lang ako ro'n. Iwanan ko na muna kayong magjowa, bago pa rito langgamin." Agad akong tumalikod sa dalawa.

" Sus! Inggit ka lang! Kunwari ka pa, may nakita ka lang bago mong babaeng lolokohin pinsan, eh." Narinig kong sigaw ni gabby pero binalewala ko na lang.

Mas interesado ako roon sa babaeng nakita ko. Ewan ko may something sa kaniya na hindi ko maintindihan para siyang diwatang naliligaw sa kagubatan kanina. Ang inosente.

———

Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon