CHAPTER 19

42.6K 874 172
                                    

Habang naghahanda si aria para sa pagpasok sa trabaho ay biglang nag-ring ang kaniyang telepono kaya't mabilis niyang dinampot ito sa kama.

📲

" Ang aga naman, sino kaya ito?" Bulong niya sa sarili bago sagutin ang tawag.

" hello, sino po ito?" Magalang na tanong niya riito.

" Hello po si Ms. Mariah Arceta po ba ito?" Nagtaka siya dahil alam ng tao sa kabilang linya ang pangalan niya

" Yes, speaking bakit po?"

" Uhm ma'am gusto ko lang pong ipaalam naka-schedule na ang father niyo para sa operation niya. Maghanda na lang kayo para sa araw na 'yon."

" Hoh, ano po? Pero hindi pa kami bayad para sa operation ni papa ah?"

" Ay ma'am pero bayad na po kayo rito sa list namin eh. Paano po ma'am pakihanda na lang natin ang pasenyete ha? Maraming salamat sa pagtanggap ng tawag namin." Magiliw na paalam ng boses lalaki sa kabilang linya.

" Ganun po ba, sige po salamat." Tanging na sambit ni aria habang nagtataka pa rin ito.

--

" Mama?" Tawag ni aria sa ina pagkababa niya ng kuwarto.

" Oh, anak bakit?"

" Uhm binayaran niyo na po ba ang para sa operation ni papa?" Kumunot ang noo ng ina sa takong niya.

" Huh? Hindi pa anak, ikaw nga itong hinihintay lang namin para bayaran ang operation ni papa mo dahil sabi mo pinag-iipunan mo pa eh." Si aria naman ang kumunot ang noo.

" Eh, tumawag po kasi sa akin kanina ang hospital pinapahanda na tayo kasi naka schedule na raw si papa for operation at bayad na raw tayo." Pag-upo ni aria sa hapagkainan.

" Huh? Talaga anak? Pero wala pa tayong binabayaran diba?" Mayroong saya sa boses ng ina ni aria ngunit may pagtataka rin.

" Opo mama hmm siguro hayaan na lang natin ang mahalaga maooperahan na si papa at ipagpasalamat kung sino man ang mabuting pusong nagbayad." Bagamat iniisip pa rin ni aria kung sino ang nagbayad sa hospital ay masaya ito dahil nabawasan ang kaniyang mga problema.

-----

TIME SKIP.

Sa opisina nila aria at steph habang nagtatangahalian ang dalawa ay napag-usapan din nila ang tungkol sa taong nagbayad para sa operasyon ng ama ni aria.

" Nagtataka pa rin ako steph kung sino ang nagbayad para sa operation ni papa."

" Wala ka bang idea kung sino nagbayad, aria?"

" Wala eh, tsaka bukod sa amin kayo lang naman ang nakakaalam doon."

" Hmm baka isa 'yon sa mga manliligaw mo aria? Baka nagpapalakas lang sa'yo." Biro ni steph na kinataas kilay ng kaibigan.

" Ano ka ba kung nagpapalakas 'yon sa akin. Edi sana sinabi niya kung sino siya diba?"

" Ay, oo nga pala ano pero hayaan mo na aria ang mahalaga ngayon matatapos na ang problema mo diyan sa operation ng papa mo. "

" Sabagay pero gusto ko lang sana makapag-thank you sa kaniya kahit paano." Napatango lang kay aria ang kaibigan at nagpatuloy ang dalawang kumain ng tanghalian.

Pagkatapos ng duty ni aria sa bangko ay maaga itong lumabas para hintayin ang kaniyang sundo. Maya-maya ay mayroong humintong kotse sa harapan niya at bumaba ang driver nito. Hindi ito napansin ni aria dahil nakayuko siya.

Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon