THE NEXT DAY.
Maaliwalas na ang buong mukha ni mika nang pumasok ito sa kaniyang opisina. Tila lahat ng mabibigat na dalahin nito sa mahabang panahon ay biglang nawala dahil na rin sa maayos na pag-uusap nila ng ina noong gabi.
" Good morning, master!" Payukong bati nito sa amo pagpasok sa opisina.
" Good morning danny, kumusta na ang inutos ko sa'yo?" Itinigil muna ni mika ang ginagawa nito sa kaniyang mesa.
" Uhm ma- master, pangatlong araw na pong hindi pumapasok sa trabaho si ma'am aria, eh." Napakunot ang noo ni mika sa pagtataka pagkat kilala niya ang babae na hindi mahilig lumiban sa trabaho.
" Bakit hindi raw pumapasok?"
" Ang sabi ng mga napagtanungan ko sa opisina nila eh, masama raw palagi ang pakiramdam." Lalong kumunot ang noo ni mika at ngayon ay hindi maiwasang mag-alala.
" Eh, ngayon alam mo ba kung nasaan siya?"
" Hindi rin po master, dahil pagdating ko sa bahay nila. Hindi ko na siya naabutan, maaga raw pong umalis." Napahinga ng malalim si mika pagkat wala pa rin itong makuhang maayos na balita kay aria.
" Okay, thank you danny. You may go now." Napasandal ito ng upo sa swivel chair niya at napahilamos ng mukha.
" Sige po, master." Payukong paalam ni danny bago lumabas.
Hindi na magawang magtuon ni mika ng atensyon sa trabaho, ngayong hindi niya alam kung paano makakausap ang babaeng gumugulo sa isipan at nasaktan niya nang labis. Muli itong napahilamos ng mukha at bato ng bolpeng nasa mesa kung saan dahil sa pagkadismaya sa sarili.
———
Si aria naman ay hinihintay pa rin si mayi sa coffee shop nila steph dahil nangako itong sasamahan siya nitong magpacheck-up sa doctor.
" Aria! Bati ni mayi pagkadating nito.
" Tagal mo mayi ah nainip na ako dito kakahintay sayo."
" Mga buntis talaga mainipin pasensiya kana buntis ang traffic eh! Kumain kana ba? Sagot nito.
" Huwag ka ngang maingay diyan may makarinig sayo! Hindi pa wala akong ganang kumain eh." Saway nito kay mayi.
" Bakit buntis ka naman talaga eh! Hays di kana naman kumain alam mo paglabas ng anak mo payat rin yan gaya mo kawawa naman inaanak ko!
" Oo nga pero wag mo ng ipagsigawan at baka may makarinig pa sayo. Hmm kung ako nga lang ang masusunod wala akong balak na magpacheck-up eh."
" Kailangan mo'ng ingatan ang sarili mo kasi dalawa na kayo ngayon aria sa ayaw at sa gusto mo hays tara na nga baka anong oras na tayo makarating dun."
---
Sa hospital habang hinihintay na tawagin si aria ng doctor.
" Aria kailan mo pala balak sabihin yan kanila tito at tita sa mga kapatid mo? Lalaki' at lalaki' yang tiyan mo at mahahalata rin yan sa katagalan anong plano mo? Paguumpisa ni mayi.
" Ang totoo hindi ko pa rin talaga alam mayi sa tuwing maiisip ko palang kung paano ako maguumpisa sa pagpapalaki nitong bata sumasakit na ulo ko tapos ako lang rin ang inaasahan ng pamilya ko."
" Nandito naman kami aria handa kaming tumulong sayo kung hahayaan mo lang kami basta magsabi ka lang."
" Hindi lang naman pera ang iniisip ko mayi ang isa pa'ng iniisip ko anong magiging reaksyon ng mga magulang ko kapag nalaman nila 'to hays."
" Kaya mo yan aria nandito lang kami aalalay sayo." Sabi ni mayi at hinawakan ang kamay ng isa at ngumiti lang naman ito.
" Mariah Arceta? Tawag ng assistant ng doctor.
BINABASA MO ANG
Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision
Fanfiction" Huwag na huwag kang mai-in love sa'kin." - Mika " Huwag kang mag-alala, hinding-hindi ako mai-in love sa'yo!" - Aria Not a typical mikhaiah love story. WARNING : R-18 | INTERSEX Mature content strictly fictional. This story is not for everyo...