CHAPTER 50 ⚠️🔞

92K 657 970
                                    

Nagpakawala ng malalim na hininga si mika bago ito tumayo. Napagpasyahan nitong umuwi na dahil mukhang uulan at hapon na rin naman.

" Parang ang lalim-lalim naman ng iniisip mo?" Napalingon si mika sa pamilyar na boses na kaniyang narinig, pasakay na sana siya ng kotse.

Panandaliang natigilan at natahimik ito dahil hindi siya makapaniwalang nasa harapan niya na sa wakas ang babaeng matagal nang hinihintay.

" Hmm?"

" Bumalik ka?" Nangingilid na mga luha ni mika sa mata at hindi pa rin ito makapaniwala sa nakikita niya ngayon.

" Oo, dahil dito. " Tugon nito sa kaniya at itinaas ang hawak na isang papel.

" Huh?" Kunot noo niya ritong tugon.

" Mika lim, ano ba?!" Medyo inis at mataray na saad nito.

" I- I'm sorry, hindi kita kasi maintindihan, kung ano ang tinutukoy mo, eh. " Nauutal niyang tugon.

" Hays! Ito pinirmahan mo talaga? So, payag ka talagang maghiwalay tayo?!" Halata sa boses nito ang inis kay mika.

" Hindi ko gusto ah! Sabi mo kasi pirmahan ko, baby. Kaya akala ko-

" Hindi mo manlang ba ako hahabulin ha, mika lim?! Hindi ka manlang talaga mag-aapela?!" Tila irita pa rin ito sa kaniya.

" I'm sorry, akala ko kasi 'yon ang gusto mo at gusto kong maging masaya ka aria, kaya kahit ayokong pirmahan 'yan, ginawa ko pa rin."

" Nakakainis ka, mika lim!" Lihim namang natawa ito sa inaasta ng asawa sa kaniya pagkat hindi pa rin ito nagbabago. Isang katangiang nagustuhan niya rito.

" Kung alam mo lang, kung gaano na kita ka-miss, aria. " Nag-umpisa na itong ihakbang ang mga paa palapit sa asawa.

" Diyan ka lang! Huwag kang lalapit sa akin!" Pagtataray pa rin nito sa kaniya. Lalo naman siya ritong nasabik na mayakap at mahagkan ang labi nito.

" Hays! Hiningi mo sa'kin kaya ibinigay ko, kahit masakit at mabigat sa loob ko." Palapit na ito nang palapit kay aria.

" Alam mo bang hinintay kitang sunduin mo na ako, na puntahan mo na ako ro'n, pero hindi mo ginawa!"

" Hindi mo alam aria, kung ilang beses kong ginusto na puntahan ka ro'n pero pinigilan ko ang sarili ko, kasi alam kong 'yon ang makakabuti sa'tin, tsaka diba ikaw naman ang may gustong lumayo sa akin?" Tumaas ang mga kilay ni aria sa narinig at agad nakuha ni mika na mali ang nasabi.

" Ah, ganun?! So, kasalanan ko pala ngayon?" Mataray pa rin nitong tugon.

" Hays, hi- hindi baby, hindi naman sa ganun." Kamot ni mika sa ulo at naghahanap ng ibang isasagot sa asawa.

" Eh, ano?" Iniangkla ni aria ang dalawang kamay sa mga braso at muling tinaasan ng kilay ang asawa.

" Kahit ano talagang sabihin ko rito sa babaeng 'to, talo ako, eh."

" Kasi gusto ko, kapag humarap na ako sa'yo. Okay na ako, karapat-dapat na ako sa pagmamahal mo sa akin. Dahil 'yon ang deserve mo, aria." Natahimik ito sa narinig mula sa kaniya at lihim na natuwa. - " I'm sorry na baby, please? Masyado nang matagal ang paghihintay ko sa' yo, aria. Huwag mo na akong pahirapan." Hindi naman na mapigilan ni aria ang mapangiti dahil sa inaasta ng asawa ngayon.

" Hmm okay." Napausli ang labi nito dahil nagpipigil pa rin ng ngiti. Kalahating dipa na lamang naman ang pagitan nilang dalawa.

" Okay, means?" Taka at kunot na mga noo na tanong ni mika ngunit lubha siyang nagulat nang biglang lumapit at umangkla sa leeg niya ang asawa at humalik sa labi.

Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon