THE NEXT DAY.
Ninoy Aquino International Airport MNL 6:02 Am.
Pagdating sa parking lot ng Airport nagpaalam na sa isa't-isa ang magkakaibigan. Na unang magpaalam sila cley at joey dahil mayro3 maagang meeting pa ang dalawa, ganoon din si audrey.
" Oh aria, una na ako sayo ah, kita nalang tayo sa office mamaya bye guys! Paalam rij ni steph at bumeso kay aria at mayi.
" Kami rin ni mayi, una na Ikaw aria, hindi kaba sasabay? Tanong ni gabby.
" Oo nga aria, sumabay kana sa amin ni gabby, kami na maghahatid sayo. "
" Ako na maghahatid kay aria. " Sabat ni mika at napa- taas kilay naman dito si mayi.
" Huh? Gulat na tugon ni aria.
" Uhm diba gabby ako na ang maghahatid kay aria? Baling ni mika sa pinsan para humingi ng suporta.
" Oo nga babe, si pinsan nalang ang maghahatid kay aria out of way rin kasi tayo eh." Agad nakuha ni gabby ang pahiwatig ng pinsan
" Sigurado kaba aria, na kay mika, kana sasabay hmm? Paniguro ni mayi sa matalik na kaibigan.
" Hmm sige na mayi, out of way rin naman kayo eh, baka malate pa kayo sa mga trabaho niyo kapag hinatid niyo pa ako ni gabby. "
" Okay sige aria, ikaw ang bahala hmm una na kami oh, mika ingatan mo yan ah? Paalala pa ni mayi at bumeso sa kaibigan.
" Yes mam! Tugon ni mika at tinapik lang naman siya sa balikat ni gabby at bilang tugon ay tinanguan niya ito.
Hinintay pa nilang mawala sa paningin nila ang dalawa bago tumalikod.
---
" Tara? Aya ni mika kay aria at hinawakan ang kamay nito at inalalayan sa pagsakay ng kotse.
Pagkasakay nila ng kotse ay pinababa naman ni mika sa driver niya ang privacy screen ng passenger seat sa likod kung saan sila nakaupo ni aria.
" Mika, diba may meeting ka ng maaga sabi mo sa akin? Tapos ihahatid mo pa ako ngayon, baka malate ka sa meeting mo niyan?
" Hmm puwede ko naman yun pa re- schedule baby eh, tsaka gusto pa kita makasama kahit 30mins to 1h lang. "
" Okay pero tingin ko namimiss mo lang talaga ako eh. " Tugon ni aria at sumandal sa balikat ni mika, niyakap naman siya nito.
" Masyado na ba akong obvious baby? Hinawi ni mika ang buhok ni aria sa tenga nito.
" Uhm opo? Lambing na tugon ni aria at isiniksik ang ulo sa leeg ni mika.
" Tsk! Nabawasan angas ko doon ah! Natawa naman si aria, sa biro nito.
" Grabe naman kasi yung bestfriend mo baby, kung makabantay, dinaig pa ang mga bodyguard ko eh." Habang hinahalik halikan ni mika ang labi ni aria.
" Hmm Intindihin mo nalang kilala ka niya kasi eh, kaya wala siyang tiwala sayo." Humalik naman ito pisngi ni mika.
" Behave naman ako baby, ah? Kung puwede nga lang inuwi na kita kahapon pa, ginawa ko na eh. " Lalong humigpit ang yakap ni mika kay aria.
Tinawanan na lamang ni aria ngayon ang mga reklamo ni mika, dahil sa ilang araw na hindi sila masyadong nagkausap. Maya maya pa ay nakatulog na rin si aria habang nakayakap ang mga braso ni mika sa kaniya at nakasandal ang ulo niya sa dibdib nito. Habang natutulog si aria ay pinagmasdan ni mika ng mabuti ang maganda at maamong mukha nito at hindi pa rin siya makapaniwala na may isang aria, na nagpabago bigla nang buhay niya.
Bente minutos na biyahe pa at nakarating rin sila sa kanto ng bahay nila aria. Muli namang inalalayan ni mika si aria sa pagbaba ng kotse.
" Pinatawagan ko na rin pala si danny para sunduin ka, at ihatid sa trabaho mo."
" Hmm okay thank you." Ngiting tugon ni aria.
Nagpaalam rin si danny na magbabakasyon muna nang dalawang araw habang wala ang mga amo nito.
" Mamaya after ng work mo sunduin kita baby, dinner tayo?
" Okay, babye! Ingat. " Malambing na tugon ni aria at lumapit kay mika pagkatapos ay humalik sa pisngi nito. Napangiti naman si mika sa ginawa ni aria.
" Bye, baby. " Humabol pa si mika ng isang madiin na halik sa labi ni aria. Nagulat man si aria sa ginawa ni mika ay tumugon pa rin siya sa halik nito sa kaniya.
Tuluyan na ngang nahulog ang loob ni aria kay mika.
-----
TIME SKIP.
Matapos ang duty ni aria sa bangko maaga itong lumabas upang hintayin si mika, pagkat nangako ito sa kaniya na susunduin siya nito.
" Aria? Tawag ng lalaki dito mula sa likod. Nilingon naman siya nito.
" Achilles?
" Hinihintay mo ba ang sundo mo? Tumango lamang ang dalaga bilang tugon.
" Siya ba ang dahilan aria? Kung bakit hindi mo ako magawang sagutin? Pagtukoy ng binata kay mika.
" I'm sorry, achilles. " Yukong tugon ni aria.
" Mahal mo na ba, aria? Muli lamang na tumango ang dalaga dito.
" Hmm naiintindihan ko aria, sana hindi ka niya saktan at mahalin ka niya, tulad ng pagmamahal ko sayo, gusto kong malaman mong nandito lang ako kapag kailangan mo nang kahit na ano." Makikita ang lungkot ng binata sa mga mata nito.
" I'm sorry achilles hindi ko gustong saktan ka." Sa narinig ng binata ay hindi nito napigilan mapaluha.
Alam ni aria na lubha niya itong nasasaktan ngayon kaya't upang mapagaan ang loob ng binata ay lumapit siya dito at niyakap.
---
Maaga at masayang umalis si mika ng kaniyang opisina dumaan pa nga ito sa flower shop upang bumili ng bulaklak na ibibigay kay aria. Balak na niyang magtapat kay aria at opisyal na tanungin ito para maging nobya niya. Pagbaba ng kotse ni mika dala ang bulaklak na ibibigay para kay aria, ay aksidente niya naman itong nakita sa malayo na may kausap na lalake at pamilyar ang mukha nito sa kaniya dahil dalawang beses niya na itong nakitang kausap ng dalaga noon.
Tila namuo ang mga panga ni mika at nag-init ang ulo dahil sa nakita at lalong umusok sa galit nang makitang yakapin pa ni aria ang kausap nitong lalaki at sa galit pa nito ay itinapon ang dala dalang bulaklak sa sahig. Lalapitan pa sana ni mika si aria, ngunit pinigilan niya ang sarili pagkat pakiramdam nito ngayon ay makakapanakit siya sa oras na pinilit niya pang lumapit dito, kaya't dali dali itong bumalik sa kotse at pinaalis ito.
Tinawagan na lamang nito ang bodyguard para sunduin si aria.
📲
" Hello master."
" Danny ikaw na sumundo kay aria, sabihin mo may importante akong meeting."
" Sige po master."
--
Malayo pa lamang ay nakita na agad ni aria ang personal bodyguard ni mika na papalapit sa kaniya.
" Magandang gabi po ma'am aria." Bungad ni danny, tila nagtaka naman si aria dito.
" Magandang gabi rin sayo danny, hmm asan si mika?
" Uhm mam may importante daw pong meeting si master, eh." Pinagbuksan ito ng pinto ni danny at inalalayan sa pagsakay.
" Huh? Bakit hindi niya sakin sinabi? Hindi siya tumawag o kahit nagtext?
" Hindi ko rin po alam ma'am aria. "
" Sige danny. " Tugon ni aria na nagtataka pa rin.
Hanggang sa pagdating ng bahay ni aria, hindi pa rin mawala sa isip niya kung bakit hindi sa kaniya sinabi ni mika, na may importanteng meeting pala ito at hindi matutuloy ang dinner nilang dalawa, hindi rin ito tumawag o nagtext man lang sa kaniya, kaya't hindi maiwasan na magtampo ang dalaga. Habang si mika naman ay muling umuwi ng lasing sa mansyon.
BINABASA MO ANG
Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision
Fanfiction" Huwag na huwag kang mai-in love sa'kin." - Mika " Huwag kang mag-alala, hinding-hindi ako mai-in love sa'yo!" - Aria Not a typical mikhaiah love story. WARNING : R-18 | INTERSEX Mature content strictly fictional. This story is not for everyo...