" Tol tama na yan nakakarami kana oh." Saway ni cley kay mika.
" Gusto ko lang mawala yung sakit."
" Ano ba'ng nangyari tol hindi ko maintindihan si aria ba?
" Ayaw niya na, sumuko na siya sakin cley. " Sagot nito habang umiiyak ito.
" Edi subukan mo ulit tol. "
" Pagkatapos ng ginawa ko sa kaniya tingin mo gugustuhin niya pa rin ako? Ngunit natahimik lang si cley.
" Hindi dapat ako nasasaktan kasi ako naman unang lumayo sa kaniya ginusto ko 'to pero bakit ang sakit! Dagdag pa ni mika.
" Mabuti pa tol umuwi na tayo lasing kana halika kana. "
" Hindi pa ako lasing cley! Sagot nito sa kaibigan at hinawi ang kamay nito ngunit ng akmang tatayo ito ay hindi na kinaya at natumba sa sahig.
--
Inalalayan naman ito ng mga bodyguard niya palabas ng bar at sumama na rin si cley sa paghatid dito sa mansyon.
" Ano ba'ng nangyari cley? Tanong ng ina ni mika pagdating nila sa mansyon pagkatapos maihiga ito sa kama.
" Sorry po tita hindi ko rin po talaga alam, umalis lang ako saglit pagbalik ko ganyan na si mika nag-away po yata sila ni aria."
" Mabuti wala dito yung daddy niya isang linggo may business trip. Kung hindi malalagot na naman ito dun, lagi nalang itong umuuwi ng lasing."
" Sige na cley makakauwi kana, salamat sa paghatid kay mika." Dagdag ng ina ni mika.
" Sige tita pasensya na rin po alis na po ako. " Paalam ni cley sa ina ng kaibigan at tuluyan ng umalis.
" Sige cley, magi-ingat ka. "
Pagka-alis ng kaibigan ni mika na si cley hinarap naman agad ito ng ina.
" Anak ano bang problema? Puwede mo naman sabihin kay mommy makikinig ako." Bulong nito kay mika habang hinahagod ang likod ng anak.
-----
" Anak Aria ginabi kana ata? Bungad ng ama nito pagkakita kay aria sa pinto.
" Natraffic lang po pa." Sagot nito sa ama habang namumugto pa rin ang mata nito.
" Ganun ba kumain kana ba?
" Hindi po ako nagugutom pa eh, sila mama tulog na ba? Matamlay na usap nito.
" Oo tulog na sila nagpapaantok lang ako, hmm anak may problema kaba? Sabihin mo kay papa."
Tahimik lang na umupo ang dalaga sa tabi ng ama at niyakap ito.
" Wala po papa napapagod lang po ako. " Hindi nito namalayang tumulo ang luha.
" Kung napapagod ka anak puwede ka naman magpahinga nandito si papa. " Habang hinahagod ang buhok ng dalaga.
Kahit hindi sabihin ni aria sa kaniyang ama ramdam nito ang bigat na dinadala ng anak.
-----
1 week later.
Steph's coffee shop.Isang linggo matapos ang pangyayari sa bar patuloy pa rin na pumapasok si aria sa trabaho kahit madalas ay masama ang pakiramdam nito, natigil na rin ang paghatid sundo sa kaniya ni danny dahil si aria na mismo ang umiwas dito, dahil ayaw na nito magkaroon pa ng ugnayan kay mika. Habang si mika naman ay patuloy pa rin sa pagiinom at palaging umuuwi ng lasing gabi gabi.
" Kumusta naman si aria? Umpisa ni audrey hindi kasi nila kasama ang kaibigang ngayong umaga.
" Ayon araw araw naman pumapasok pa rin sa office pero laging matamlay tapos hindi masyado nagkaka-kain kapag kinausap mo naman bigla nalang maiiyak." Sagot ni steph.
BINABASA MO ANG
Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision
Fanfiction" Huwag na huwag kang mai-in love sa'kin." - Mika " Huwag kang mag-alala, hinding-hindi ako mai-in love sa'yo!" - Aria Not a typical mikhaiah love story. WARNING : R-18 | INTERSEX Mature content strictly fictional. This story is not for everyo...