ARIA
Matapos akong magkabihis ng isusuot ko para sa event ihinahahanda ko naman ngayon ang sarili ko, pagkatapos kasi ng maiksing fashion show, kami ring mga model ang mag-aasikaso sa mga mayayamang tumitingin ng mga mamahaling sasakyan sa labas. Habang ngang nasa gitna ako ng preparation eh, biglang nag-ring naman ang phone ko kaya't dali-dali ko 'tong kinuha sa table at nakita kong kay yana ang pangalang naka-register sa screen.
📲
" Hello? Yana, napatawag ka?"
" Ate aria, si papa." Bungad nito sa akin na tila umiiyak ito sa kabilang linya kaya't bigla akong nag-alala.
" Oh bakit, yana? Anong nangyari kay papa?" Itinigil ko na muna ang ginagawa ko.
" Ate si papa, inatake na naman. Dinala namin siya sa hospital." Ang kaba ko kanina ay lalong lumala sa dibdib ko.
" Ano?! Saang hospital?" Pigil lang akong umiyak pero parang gusto nang bumagsak ng luha ko dahil sa pag-aalala.
Pagkasabi ni yana sa'kin kung saang hospital nila dinala si papa agad ko ring ibinaba ang phone at inayos ang mga gamit ko.
" Oh, aria, mag-uumpisa na ang event. Saan ka pupunta?" Naabutan ako ng magkasintahang mayi at gabby na inaayos ko ang mga gamit ko.
" Si papa, inatake na naman daw kailangan kong pumunta ng hospital ngayon. Hindi ko na matatapos ang show. I'm sorry, mayi. " Tumulo na ang mga luha ko.
" Okay sige, sasamahan kana na namin ni gabby." Presinta nito at bumaling sa kasintahan.
" Paano ang show? Kailangan ka rito, mayi."
" Maraming photographer sa labas aria, tsaka may mga tauhan naman kaming mag-aasikaso sa mga tao. Mas mahalaga ka at mapuntahan si tito. "
" Oo nga aria, tara na at baka ma-traffic pa tayo." Sabat ni gabby. Nahihiya man ako sa kanila kasi nakaabala na naman ako, kinapalan ko na ang mukha ko. Kailangan ko agad makarating sa hospital at malaman ang lagay ni papa.
Gamit ang sasakyan ni gabby tinahak namin ang daan patungong hospital at dito pa nga lang ay hindi na ako mapakali at mapanatag dahil sa last message sa'kin ni yana ang sabi niya'y nasa ER na raw si papa.
---
Pagdating namin sa hospital hinanap agad ng mata ko sila yana, tinanong ko sa nurse kung saan ba ang kuwarto ni papa pero itinuro ako nito sa ER. Siguro hindi pa tapos kung anuman ang ginagawa nila kay papa. Mabilis akong lumakad patungo ro'n kasama sila mayi at gabby sa likod ko pero parang wala na ako sa sarili. Nakita ko sila mama at dalawa kong kapatid sa labas ng emergency room na umiiyak. Dito parang na durog ang puso ko. Ayokong nakikitang malungkot o may nasasaktan sa kanila.
BINABASA MO ANG
Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision
Fanfiction" Huwag na huwag kang mai-in love sa'kin." - Mika " Huwag kang mag-alala, hinding-hindi ako mai-in love sa'yo!" - Aria Not a typical mikhaiah love story. WARNING : R-18 | INTERSEX Mature content strictly fictional. This story is not for everyo...