CHAPTER 42

26.3K 509 300
                                    

5 months.

" Love." Paggising ni aria sa asawa.

" Mika, love." Tawag nito ulit sa natutulog na asawa.

" Mmm, baby." Mahinang sagot nito.

" Love, nagugutom ako."

" Huy, love." Malambing na tawag ni aria sa asawa.

" Po? Ito na gigising na." Sagot ni mika sa asawa at umupo ito habang pilit na binubuksan ang mata.

" Gusto ko kumain ng carbonara." Malambing na sabi ni aria sa asawa.

" Carbonara? Oh sige tatawagin ko si sarah ipaluto ko sa kaniya."

" No! Gusto ko ikaw magluto love. "

" Ha ako talaga? Hindi ba puwedeng kay sarah ko nalang ipaluto? Tanong ni mika sa asawa.

" No! Gusto ko ikaw magluto. "

" Hays, okay sige ito na magluluto na."

Nang akmang tatayo na si mika para iluto ang gusto ng asawa ay pinigilan naman siya nito ngayon.

" Love, wag nalang pala iba na gusto kong kainin eh."

" Ha? Ano naman yun baby? Tanong ni mika at muli itong humarap sa asawa.

" Gusto ko nalang ng mangga. " Malambing na sabi ni aria at pinatong ang kamay sa batok ng asawa.

" Mangga sa oras na 'to baby? Tanong ni mika habang naiiling nalang ito at tinanguan naman ito ni aria.

" Okay may mangga naman sa baba kukuha ako wait lang baby."

Tatayo na sana ito ngunit pinigilan ulit ito ni aria.

" No, love ayoko nun hinog yun eh. "

" Ha? Anong gusto mo?

" Gusto ko ng manggang hilaw tapos may bagoong alamang. " Sagot ni aria habang nakapout ang labi nito.

" Baby, it's already 1am in the morning saan naman ako maghahanap ng manggang hilaw tapos may bagoong pa sa oras na 'to? Nakakunot noo sabi ni mika.

" Eh yun ang gusto ko love. "

" Okay, uutusan ko si danny na maghanap. "

" Love, gusto ko ikaw maghanap."

" Ha? Bakit ako pa puwede naman si danny ah? Nakanuot noo tanong uli ni mika sa asawa.

" Bakit si danny ba kasama ko sa paggawa nito? Diba ikaw naman so dapat kasama ka rin maghihirap dito hindi lang ako." Medyo Inis ng sabi ni aria sa asawa.

" Oo nga baby alam ko naman yun pero anong oras na kasi hindi ko alam kung saan ako hahanap ng gusto mo." Sagot ni mika sa asawa habang napapakamot nalang ng ulo ito.

" Hmm ayaw mo talaga? Okay! Matutulog nalang ako mika lim! Dagdag ni aria na tila nagtatampo na ito.

" Hays! Baby ito na po maghahanap na magbibihis lang ako." Sagot ni mika dito at napahilamos nalang ito ng mukha.

" Huwag na mika lim! Matutulog nalang ako."

" Baby, hays wag na magtampo ito na oh aalis na ako nagbibihis lang po." Ngunit hindi na ito pinansin ng asawa, humiga nalang ito at tumalikod kay mika.

" Baby." Tawag ni mika dito at lumapit sa asawa at niyakap ito sa likod ngunit hindi na talaga ito pinansin ni aria.

" Baby, please aalis na ako, maghahanap na po baka mapano si baby diyan sa tummy mo sorry na, ano pa gusto mo? Kahit ano bibilhin ko." Dagdag ni mika habang hinahalikan ang balikat ng asawa.

Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon